Chapter 3

140 5 0
                                    

Two weeks have passed since I transferred here. I'm starting to get used on people here. Dahil bago ako sa lugar na 'to, kailangan ko talagang mag-adjust. Hindi naman makakapag-adjust ang lugar para sa 'kin.

Sa dalawang linggong nakalipas, may mga naging kaibigan na rin ako dito. At para sa 'kin, it's very unusual. Bihira lang ako magkaroon ng kaibigan. Kung magkakaroon man, kailangan ako muna yung unang lumapit sa mga tao. Pero dito? It's very different. They're the one who asked me first, tulad last week nang may nakilala akong bagong kaibigan.

Her name is Emma.

Emma became one of our friends. Lagi siyang sumasabay sa amin tuwing lunch. She's also a Grade 11 student like us, magkaiba lang kami ng section. Si Jared? Sa room lang kami nagkakausap. Minsan nagi-insist siyang ihahatid o susunduin ako pero hindi ako pumapayag. Baka mas lalo pa akong sumikat dito. I hate being the center of attention.

Hindi lang si Emma ang naging kaibigan ko. In our classroom, I get to know them more too.

Lagi nila akong kinakausap at sinasabihang maganda. Maliban do'n, lagi rin nilang sinasabi na bagay na bagay raw kami ni Jared. Lagi akong napapailing tuwing naalala ang mga pangyayaring 'yon. Nahihiya ako na nasisiyahan. I'm being shy because they're teasing me to much. I'm feeling happy at the same time because I can feel they're comfortable to me.

I'm starting to admire this place. I'm starting to fall in love to the people here.

Lagi rin namang tumatawag sina mama at papa sa 'kin. Laging nangangamusta kung musta na ang buhay ko dito. I really miss them.

"Mukhang malalim iniisip mo ah," bulong ng nasa tabi ko.

Nabalik ako sa huwisyo at agad nakinig kay Sir Gomez. Bobo pa naman ako sa Math, baka mamaya ma-zero ako. Nga pala, isa akong STEM student. Pangarap ko kasing maging isang doktora kung posible kaya ito ang pinili kong strand.

"Namiss ko lang sina papa at mama," ganting bulong ko kay Jared.

"'Di ba sila tumatawag sa 'yo?"

Sumulyap ako sa kaniya bago sumagot ng pabulong, "Tumatawag naman. Normal lang kaya na mamiss ko sila."

"Sabagay."

Hindi na ako kumibo ulit. Mas tinuon ko nalang ang atensyon sa pakikinig. Nagtake note na rin ako dahil masyado akong mahina pagdating sa numero. Mabuti sana kung simpleng Mathematics lang to pero hindi eh. Pre-Calculus 'to.

"Magkakaroon tayo ng reporting next week," humawak si sir sa baba niya, inoobserba kami. "Sa girls, lingon kayo sa kanan. Kung sino man ang makikita niyo, siya ang partner niyo. Okay, 1, 2, 3, go!"

Sabay sabay naming ginawa ang sinabi ni Sir Gomez. Yung iba napapasigaw sa inis, yung iba naman sobrang saya sa nakapartner nila. Ako naman, awkward na nakatingin sa partner ko ngayon.

"Ang ganda mo talaga, Giziel," parang batang sabi niya. Napaface palm nalang ako habang nakatitig sa kaniya. Kumuha ako ng papel at sinulat ang pangalan namin do'n, baka makalimutan ko na naman. Mahirap na lalo na't reporting ito.

"Yung mga nakaupo sa dulo, sila ang mauunang magreport." Anunsyo ni sir.

"What?!"

"Sir, wag naman!"

"Paano na kami?!"

Our classmates protested.

"That's final! I will give your topics the day after tomorrow. That's all class. You may now go home," pagkasabi no'n ni Sir Gomez ay nagsitayuan na yung iba na halatang inis na inis.

My partner approached me with a worried face. "Anong gagawin natin? Ang bobo ko sa pagdating dito, Giziel."

Maski ako ay nag-alala sa narinig. Ako rin, ang bobo ko sa numero.

The Man I Can't Reach (COMPLETED)Where stories live. Discover now