Chapter 19

83 5 0
                                    

"Bakit? Concern ka? Crush mo na ba ako? I'm sorry, may girlfriend na ako."

Napatanga ako sa sagot niya at nakapameywang na tumayo. For heaven's sake! Isa lang ang tanong ko pero sinagot niya ako ng ang daming tanong. Anong meron sa lalaking 'to?

"Porke nagtatanong, crush na? And yeah, I'm concern and I'm just trying to figure things out..." walang ganang sagot ko.

Tinaasan niya ulit ako ng kilay. Pinapahiwatig na hindi siya nakumbinsi sa sinabi ko. Inirapan ko siya.

"And I do know that you have a girlfriend. Wala rin naman akong planong landiin ka dahil hindi kita gusto. Never," madiing sabi ko. "Take that in mind, Travin."

Mas lalong tumaas ang kilay niya at ngumiti nang nakakaloko sa akin. Unti unti siyang lumapit kaya ako naman ay napaatras.

"Never? Really? I doubt that. Baka isang araw paggising mo, hindi mo na ako gusto, mahal na pala."

Muli akong napanganga, "Yabang mo rin pala 'no?"

Hindi mawala ang ngisi sa labi niya. Mas lumapit pa siya sa akin. Ako ay patuloy pa ring umaatras hanggang sa mapaupo ulit sa bench. Yumuko siya para magkapantay ang mukha namin. Ilang pulgada lang ang layo namin sa isa't isa. Parang may nagwawalang kung ano sa tiyan ko.

"Y-You're so close. U-Umalis ka diyan kung ayaw mong masikmuraan kita," banta ko pero hindi niya sinunod. Inilapit niya pa ang mukha sa akin.

Jusmeyo! Susmaryosep!

"Never?" pag-uulit niya sa sinabi kanina. "That's clearly an insult to me, Giziel."

Napalunok ako.

"Next time I'll ask you again..." nanunukso niyang inilapit pa ang mukha sa akin. "Your answer will be 'yes'."

Hindi ko alam ilang beses na akong napalunok. Hindi ko magawang tumayo mula sa kinauupuan ko. Gusto ko siyang sikmuraan para makaalis na ako pero hindi ko magawa. Magsasalita na sana ako nang biglang umalingawngaw ang nakakahiyang tunog mula sa akin. Napayuko ako sa kahihiyan.

I bit the inside of my cheeks in embarassment. Calm down, little tummy. Gutom lang 'yan.

"Have you eaten lunch?" Napaangat ang tingin ko kay Travin nang magtanong siya.

Nahihiya akong umiling. "I didn't take my lunch," sagot ko pagkatapos ay sinundan ulit ng tunog galing sa tiyan ko.

Nakakahiya!

Napahilot siya sa kaniyang sentido at umayos nang tayo. Nagtungo siya kung nasaan ang mga gamit niya at niligpit 'yon. Pati na rin ang gitara niya ay dinala niya. Pagkatapos niyang iligpit 'yon ay binalikan ako.

"Tss. Come with me," singhal niya saka ako hinila palabas ng private court.

Nagtataka man ako kung saan niya ako dadalhin ay nagpahila pa rin ako. Ang mga dinadaanan naming estudyante ay napapatingin sa amin. Mabuti at hindi masyadong marami ang estudyante. Nagulat ako nang bigla niya akong papasukin sa itim niyang kotse.

"Saan tayo pupunta?" naguguluhang tanong ko.

Imbes na sagutin ako ay umikot siya sa kotse at pumunta sa driver seat.

"Where are we going?" pag-uulit ko nang makasakay na siya.

Tulad kanina ay hindi niya ako sinagot. Hindi na rin ako nagsalita habang nagd-drive siya.

Mas naguluhan ako nang tumigil siya sa harap ng isang restaurant. Naguguluhan akong bumaling sa kaniya.

"Anong ginagawa natin dito?"

The Man I Can't Reach (COMPLETED)Where stories live. Discover now