Chapter 25

72 5 0
                                    

Sa isang abandonadong building kami napadpad ni John. Dito kami nagtatago para iwasan ang mga estudyanteng kanina ay humahabol sa amin. Kung kanina ay iyak ako nang iyak, medjo kumalma na ako ngayon. Wala rin naman akong makukuha sa pag-iyak, mamumugto lang mata ko.

"What?! Wala na naman si Jared?! Chutangina! Giziel is in danger! Damn it!" John angrily shouted.

"Shukla ka! Kanina ko pa siya tinatawagan pero out of coverage ang chutangina! Chutangina niya! Clean that mess! Remove all the pictures in the wall! Hanapin kung sino ang nagkalat no'n para masabunotan natin! Urgh! Bye!" sigaw niya saka ibinaba ang cell phone.

Hindi ko alam kung sino sa mga kaklase namin ang tinawagan niya. Umupo siya tabi ko at nginitian ako.

"Magiging okay din 'to, Giziel. Tiwala lang," ika niya.

Tears are starting to form at the corner of my eyes again. Tumango ako at hindi na napigilan ang pagbuhos ng luha ko. Sana talaga, maging okay na 'to. Gusto ko nang bumalik sa normal ang buhay ko.

"Tandaan mo, Giziel. Hindi ka malandi, maganda ka," komento niya.

Pinapagaan niya lang ang loob ko. Kahit papaano ay napapangiti naman ako. Pinunasan ko ang basa kong pisngi at tiningnan si John.

"Bumalik ka na sa school, John. Baka maapektuhan yung grado mo pag 'di ka bumalik doon," sambit ko. May pasok kami ngayon ngunit mas pinili niyang itakas ako sa mga gustong manakit sa akin.

Umiling siya. "I can't leave you here, bakla ka. Gusto mo ba pag-balik ko rito hindi ka na maganda? Gusto mo nang maging pangit? Loka loka ka, girl!" Mataray niyang tugon.

Napangiti ako. John can really light up the mood.

"And don't you dare call me John! Ako si Jonna! Jonna, the only shukla in the Anthologists!" sigaw niya naman sa akin.

Napangiti ako ulit.

"Ayan! Ngumiti ka na!" sigaw ulit ni John nang makita ang ngiti sa labi ko.

Huminga ako ng malalim, "Maraming salamat. Kung wala ka do'n kanina, hindi ko na alam ang gagawin ko."

Naramdaman ko ang paghawak niya sa magkabilang balikat ko. "Hahanapin natin kung sino ang may gawa no'n sa 'yo. May idea ka ba kung sino ang gumawa nun?"

Sa tanong niya ay natigilan ako. Nag-isip isip ako kung sino ang puwedeng magpahiya sa akin ng gano'n. Isa lang ang taong pumasok sa isipan ko. Si Cassidy. Kahit wala akong pruweba ay nasisiguro kong siya ang gumawa no'n. She really wants me gone in Travin's life.

Napabuntong hininga ako bago sunod sunod na napailing. "Wala. Wala akong ideya kung sino ang puwedeng gumanito sa akin," pagsisinungaling ko.

Malaking pamilya sina Cassidy. Narinig ko pa naman na sasabunotan nila ang sinumang gumawa sa akin no'n. Mas lalaki ang problema kapag nangyari 'yon. This is a war between Cassidy and I. Hindi ko na kailangang dumamay ng ibang tao maresolba lang ito. I heaved a sigh again.

Sobra na 'tong ginawa ni Cassidy.

"Sino yung kausap mo kanina?" I asked John.

"Si Andrea. Nag-aalala rin silang lahat sa 'yo. Inuumpisahan din nilang tanggalin yung mga pictures na kinalat doon. And Jared is nowhere to be find."

Napabuntong hininga akong muli. Sobrang bigat sa pakiramdam ang mga bagay na 'to. Kailan ba ako matatahimik? Yung walang ganito?

To be honest, I want my life back in Quezon City. Walang malaking problema, kung may problema man, tungkol lang sa pera at pag-aaral ko. Bigat ng pakiramdam ang dinulot sa akin ng lugar na 'to. Muli akong napabuntong hininga.

The Man I Can't Reach (COMPLETED)Where stories live. Discover now