Chapter 35

70 3 0
                                    

"Giziel, my god! Long time no see! Gumanda ka lalo ah!" Nakangiting lumapit si John sa akin. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at sinuri ang kabuuan ko.

"2 weeks lang 'yung bakasyon natin. Paano naman naging long time 'yun?" Sarkasmong tanong ko.

Binitawan niya ang pisngi ko at nagtatalong pumalakpak.

"You're so beautiful, Giziel. Kung kasali lang tayo sa Intrams, ikaw na 'yung isusuggest kong rarampa, kaso pang junior high lang 'yun." He pouted.

Kumunot naman ang noo ko, "Intrams? Ano 'yun?"

"Loka! Wala bang ganoon sa inyo? Parang inter high lang."

Napatango tango ako, "Ah, inter high lang kasi 'yung sa 'min. May rampa ba 'pag intrams?" Nabanggit niya kanina 'yung salitang rampa. Nakakapagtaka rin. Sa amin kasi 'pag inter high, puro games at konting enjoyment lang, walang rampa rampa.

Tumango siya, "Oo, meron. Ang malas nga e. Kung puwede lang tayong senior high, ilalaban kong ikaw ang pambato natin. Hayst! Kung kausapin ko kaya sina ma'am Luteria?"

Hilaw akong tumawa. "Mabuti pala hindi tayo kasali. Hindi rin ako interesado sa ganiyang bagay. Pagdating sa rampa, I'll pass," I gave him a small smile.

"Sayang ang ganda mo kung magpa-pass ka. Pero we have no choice, desisyon mo pa rin naman 'yung masusunod."

Ngumiti ako ulit. Inirapan naman ako ni John. Umupo siya sa tabi ko at umub-ob sa mesa. Naghanap din ako ng pagkakaabalahan ko dahil wala pa kaming teacher, buti may dinala akong pocket book. Start of classes na namin ngayon, January 4, pero wala pa 'yung ibang teachers. Looks like they're not yet done spending their vacations.

Nandito pa rin naman ang mga kaklase namin. Kompleto nga. May iba't ibang mundo rin sila. They're talking about their vacations. Shine-share nila sa isa't isa 'yung mga ginawa nila nung pasko at new year. They even asked me earlier and of course, I answered them. Sinabi ko lang na kasama ko 'yung pamilya ko and we celebrated it on Quezon. 'Yun lang naman ang sinabi ko dahil 'yun lang din ang dapat.

Dumaan ang isang oras pero wala pa kaming guro. We didn't go home though. Maghihintay kami rito hanggang 12 pm. 'Yun kasi 'yung usual na pagdidismiss ng klase. Baka mamaya dumating 'yung teacher namin sa Filipino 2 tapos biglang magturo.

"I hate Pangasinan..." nakayukong bulong ni Andrea.

"Pangasinan hates you too, duh..." pabarang na sabi ni Jiyon, sobrang taray.

"And does Pangasinan loves you, Jiyon?" Pagtataray din ni John. Defending Andrea? Matalim siyang binalingan ni Jiyon saka umirap.

Napailing ako. Pinagmasdan ko silang tatlo. Jiyon has a lot of transformation. Kung noon may eyeglasses siya lagi, ngayon wala na. Messy hair din siya noon, I remember. Ngayon messy bun na 'yung buhok niya. Pangninang din noon 'yung pananamit niya but it's so classic now. She's wearing a dress, 'yung off-shoulder with a pair of peach rubber shoes. She is already sexy even before I met her, walang duda sa body niya. Well, maganda naman talaga siya noon pa. Lagi kong sinasabi na maganda talaga siya, 'yung mga kaklase lang naman namin ang nagsasabing pangit siya. I almost laughed earlier when I saw their jaws dropping on the floor while staring at Jiyon's transformation.

Binalingan ko naman ang nakayukong si Andrea. She has this shoulder length hair before, pero mahaba na ngayon. Nagbangs din siya which suits her perfectly. Her hair is not straight, kulot 'yung dulo nito. She's still beautiful by the way.

Sunod kong tiningnan si John. He may be a gay but he has good heart. Guwapo siya kung hindi sana siya bakla. I'm 100% sure, maraming maghahabol sa kaniyang babae kung maging lalaki siya ulit, and I'm not one of those girls. Umawra nga lang siya ngayon. His makeup is way too heavy. Is that the correct term for it?

The Man I Can't Reach (COMPLETED)Where stories live. Discover now