Chapter 8

91 5 0
                                    

Kanina pa nakalabas si ma'am Katarina pero hindi muna kami sumunod. Ang sabi niya ay mamayang hapon na kami pumunta sa Xavier sapagkat 'yon ang vacant time niya do'n. Wala rin kaming pasok mamayang hapon. Half day lang ang pasok namin everyday. Sa ngayon ay kakalabas lang ni ma'am Ramirez, ang guro namin sa Earth Science na siya ring last period namin.

"Ba't pa kasi sa Xavier University kung pwede namang dito na lang?" 'di mapakaling tanong ni Kenzo, isa sa mga kaklase namin. Nanatili siyang nakaupo habang nakamasid sa kisame.

Walang sumagot sa tanong niya. Maski kami ay hindi rin alam kung bakit. May spare rooms naman dito na pwede naming gamitin mamaya. Minsan kasi may nagk-klase rito kapag wala kami.

"We have no choice. We have to obey her. Malalagot tayo pag hindi dahil sa mukha palang mukhang masungit na," seryosong usal ni Pierce. Sabay sabay naming pinakawalan ang malalim na hininga dahil do'n.

We're doomed.

"But how about our reports? Sa kaniya rin ba tayo mag-uulat?" napalingon ako kay Andrea.

Oo nga. Paano na ang reports namin? Paniguradong mahihirapan kami ng husto.

"Ehem..." tumikhim si Jared.

Napunta ang atensyon namin sakan'ya, waiting for him to say something. As usual, expressionless ang mukha niya.

"Drop the conversation. Let's have our lunch. We're gonna be late later," ika niya bago naunang lumabas.

Bumagsak ang balikat ko sa isiping mamaya na talaga. Malapit ng mag-ala una at mamayang alas dos ay magk-klase na kami. Matamlay akong naglakad palabas. Nakabangga ko pa si Andrea kesyo pareho kaming wala sa sarili dahil mamaya. Nagpatuloy ako sa paglalakad nang biglang may humila na naman sa kamay ko. I lift my chin to see who is it.

"Sabay tayong mag-lunch. I'll treat you," he's still expressionless.

"Akala ko ba umalis ka na?" tanong ko dahil siya ang naunang lumabas sa aming lahat.

"Binalikan kita," sagot niya nang hindi nakatingin sa akin.

Laking pasasalamat ko dahil wala ni isa sa mga kaklase namin ang tumukso. Masyado akong nanghihina ngayon at walang planong makipagbiruan sa kanila. Mukhang gano'n rin silang lahat.

Nagpahila nalang ako sa kaniya. Ni sarili kong katawan ay 'di ko siguro maigalaw. Ganito siguro ako kahina sa numero para manghina ng todo. Idagdag mo pang strikto ang magiging guro namin sa loob ng dalawang linggo.

We'll be suffering in hell for 2 hella weeks!

Akala ko sa canteen kami magl-lunch pero mukhang hindi.

"Hoy, saan mo planong pumunta?" takang tanong ko kay Jared. Nasa counter kami ngayon, kasalukuyang nago-order ng kakainin namin.

Tipid itong ngumiti sa 'kin, "Kahit saan. Basta kasama ka."

Mahina ko siyang hinampas sa braso. Tinawanan niya lang ako at muling ginulo ang buhok ko.

"Loko loko ka talaga."

"Chillax. I'm just trying to cheer you up. Wag kang matakot sa teacher na 'yon. Pakokopyahin kita, don't worry," proud niyang sabi sa 'kin.

"Seryoso. Saan tayo magl-lunch? Ito yung canteen oh," nginuso ko ang paligid. Hindi ko talaga alam kung saan niya planong pumunta.

Sinagot niya ako gamit ang ngiti. Kinuha niya ang in-order at nakangiting nagpasalamat sa cashier. Binitbit niya 'yon gamit ang kaliwa niyang kamay at ang kanan naman ay pinanghawak sa kamay ko. 'Di ko maiwasang hindi mamula habang nakatitig sa kamay namin.

The Man I Can't Reach (COMPLETED)Where stories live. Discover now