Chapter 30

62 5 0
                                    



"Woah," 'di ko maiwasang hindi mamangha sa nakikita ko. Nakanganga na rin ako dahil ang ganda nitong lugar na 'to. Parehong pareho doon sa nakita kong picture ni Roi at Andrea. Napalingon ako kay Travin na nakangiti lang na nagmamasid.

"Panaginip ba 'to? Can you wake me up if this is just a dream?" 'Di pa rin talaga ako makapaniwala na pinalilibutan kami ng maraming flowers. Parang nasa panaginip lang ako.

Napa-aray ako nang makatanggap ng batok mula kay Travin. Sinamaan ko siya ng tingin pero napanguso rin dahil inutusan ko naman siyang gawin 'yon.

"Akala ko kikidnap-in mo talaga ako," nakangusong sumbat ko sa kaniya. Tinawanan niya ako saka pabirong pinisil ang pisngi ko.

"Why would I do that? I just want to bring you here. Sigurado kasing magugustuhan mo. Look at your reaction, it's so priceless."

Napanguso ako ulit. Tinampal ko ang kamay niyang nasa pisngi ko at pumitas sa mga rosas. Napahagikhik ako, inaamoy amoy 'yung rosas.

"May pa 'my world my world' ka pang nalalaman. Ano? Bulaklak na ba mundo mo?" Binalingan ko siya. Nagsalubong ang kilay ko nang makitang natigilan siya, pati tainga niya ay namumula.

"Nahihiya ka ba sa 'kin?" Kunot noong tanong ko. "H'wag ka ng mahiya sa 'kin, Travin. Sinabi mo na sa 'king gusto mong maging designer kaya h'wag ka ng mahiyang sabihin sa 'kin na gusto mong mag-manage ng orangery. Nakakabakla man sa lalaki pero...cool pa rin."

"Stop it! I'm not gay!" Bulyaw niya.

Tinaasan ko siya ng kilay, "May sinabi ba akong bakla ka?"

Natigilan siya. Umiwas siya ng tingin at napatikhim. Naglakad siya, nilampasan ako, at binangga pa ang braso ko. Nagtungo siya sa mga sunflower at doon pumitas.

"Men managing orangeries are not cool. Mga bakla 'yon." Pa-cool niyang sabi.

I chuckled. Lumapit ako sa isang Hawaiian Flowers at inamoy 'yon.

"Hindi kaya! They're cool. Besides, gusto ko 'yung lalaking mahilig sa flowers. Nakakafall sila. Isa 'yon sa mga ideal ko." Nilagay ko sa magkabilang tainga ko 'yung rosas at hawaiian flowers na kinuha ko. Napalingon ako kay Travin, tulad kanina ay nangunot ulit ang noo ko. Nakatingin siya sa mga bulaklak habang nakangiti.

"Talaga?" Parang timang niyang tanong. "This is ours anyway. I'll tell dad that I'll manage this starting today."

Nanlaki ang mata ko, kasunod nun ay napanganga ako. Nilibot ko ang paningin dito sa malaking orangery saka napalingon kay Travin.

"What?! This...This is yours?!" Nakapagtaas ako ng boses dahil sa pag-kabigla ko. Kaya pala sabi niya kanina ay 'my world' dahil dadalhin niya ako rito sa orangery nila.

He chuckled softly and I swear, that's so cute.

"Bakit parang nabigla ka yata?" Natatawang tanong niya.

"Ano ba ang inaasahan mo? Ngunguso ako? Maniningkit mata ko?" Sarkastikong pambabara ko.

He just laughed at me. He tapped my head and caressed it. Hinayaan ko siya at muling hinarap ang mga bulaklak. Napalingon din ako kalaunan nang may maalala akong bagay.

"What do you mean by the laws? May pinapatupad bang laws 'tong orangery niyo?" Nagtatakang tanong ko. Kanina kasi ay may binanggit siyang 'laws' bago niya tinigil 'yung sasakyan at pinagdikit ang noo namin.

Jusmeyo! I need to forget about that forehead thing!

"Isa pa, sana ay sinabi mo na lang na orangery ang pupuntahan natin, hindi 'yung napunta pa sa world. Mas maiging maiintindihan kung 'my orangery' ang sinabi mo keysa sa my world," naiiling kong dagdag.

The Man I Can't Reach (COMPLETED)Where stories live. Discover now