Nakatungo ako sa quadrangle ng Lourdes College. Nasa rooftop ako ngayon, kasama si Andrea, Jiyon, at John. May pa-special treat sa amin si Jiyon ngayon. Nagpadala siya rito ng mga pagkain kaya dito namin napagplanuhang kainin sa rooftop.
Kumakain na sila pero ako? Wala akong gana. Hindi rin ako nakapag-breakfast at wala ako sa mood mag-lunch.
"Hoy, bruha! Mamaya mo na problemahin 'yang lovelife mo! Our food is delicious, you know!" Sigaw ni Jiyon, patukoy sa akin.
Alam ko namang masarap 'yung pagkain nila dahil kanina pa kain nang kain 'yung dalawa, si John at Andrea, sadyang wala talaga akong gana.
"Mamaya na lang. Hindi pa talaga ako gutom."
"Hindi raw gutom e kanina ko pa rinig na rinig 'yung tunog ng tiyan niya."
Sinamaan ko siya ng tingin pero binelatan niya lang ako. Naiiling kong binalik ang paningin sa quadrangle.
Sa aming apat, tanging si John lang ang walang kaalam alam tungkol sa amin ni Travin. I mean, may hinala na siyang hindi ko talaga pinsan si Travin kaya inamin ko na 'yung totoo sa kaniya. 'Yung tungkol lang sa panliligaw ni Travin ang hindi ko nasabi sa kaniya. Wala akong balak maglihim sa kaniya pero hindi pa talaga ako handa.
Kay Jiyon naman, wala akong sinabi tungkol sa panliligaw ni Travin pero sadyang malakas ang pang-amoy at pandinig niya. Mukhang may source of information ang isang 'yon. Mas updated siguro siya keysa sa akin dahil sobra pa 'yung nakuha niyang impormasyon.
Sila silang apat din 'yung pinakamalapit sa akin dito. They're not treating me as their friend, sa katunayan nga ay parang kapatid nila. Akalain mong sila pa 'yung nagdesisyon sa papalapit na kaarawan ko.
Tungkol kay Faye naman, hindi kami gaanong nagkikita ng personal pero madalas siyang nagchachat at tumatawag sa 'kin. Hindi naman ako nagrereklamo sa ginagawa niya, in fact, I understand her. Kapag ako 'yung umiiwas, hindi rin siya namimilit. 'Yon din ang isa sa mga dahilan kung bakit naging best friend ko siya. She's always giving me time and space.
"Hindi pa rin ba siya nagpaparamdam sa 'yo?" Lumapit sa akin si Andrea, marahil ay tapos na silang kumain.
Umiling ako.
"Nag-away ba kayo?"
Umiling ako ulit, "Wala akong natatandaang nag-away kami. Nag-kausap kami nung isang araw sa cell phone pero kahapon ay hindi na siya nagparamdam hanggang ngayon."
"Did you text him?" Biglang tumayo si Jiyon sa bandang kaliwa ko.
Tiningnan ko muna ang gawi ni John kung naroon siya. Hindi pa talaga ako handang magkwento sa kaniya.
"Kahit hindi naman ako magtext sa kaniya, magtetext pa rin 'yon, kaya nga nag-aalala na ako e," nakangusong sagot ko.
"Imbes na magtaka ka, nag-aalala ka pa. Why don't you text him? Malay mo, walang load, o 'di kaya'y hinihintay 'yung text mo," suhestyon niya.
"Sinubukan ko na pero wala pa rin," nagbaba ako ng tingin.
Kahapon ay tinext ko siya pero hindi siya nagreply. Tinawagan ko rin pero ayaw sumagot. Natanong ko na si rin Roi pero ang sabi niya ay hindi raw nila alam kung saan nagpunta si Travin. Basta na lang daw umalis sa bahay nila ng walang paalam. Pati ako'y walang ideya kung saan siya nagpunta.
"Hayaan mo. Magpaparamdam din 'yon. Knowing him, hindi ka niya matitiis."
Gaya ng sabi ni Andrea ay hinayaan at hinintay ko muna kahit nag-aalala na ako. Ngunit lumipas pa rin ang ilang araw na hindi na siya nagparamdam pa. Mas lalo pang lumala dahil hindi na raw siya pumapasok. Nag-lakas ng loob pa akong magtanong kay ma'am Katarina since kilala niya si Travin pero pare-pareho lang ang sinasabi nila.
YOU ARE READING
The Man I Can't Reach (COMPLETED)
RomanceThe love story of the two senior high students who fell in love with each other at an unexpected and wrong time.