Chapter 46

31 4 0
                                    

Naguguluhan. Nalilito. Hindi makapaniwalang nakatitig ako Kay Travin ngayon. Aminin ko mang sobrang seryoso niya nang banggitin ang mga salitang iyon ay hindi ko pa rin mapaniwalaan sapagkat isa lamang malaking kahibangan iyon. Kahit punong puno ng emosyon iyon ay hinding hindi pa rin ako magpapasindak.

"You're getting crazier, Travin. If you continue doing this, I won't hold back anymore. Hindi ka na nakakatuwa." I seriously answered.

"Over you? Yeah. I'm getting craziest too. And I won't stop doing this until I got you back."

Napahilot ako sa aking sentido at napairap.

"Travin, huwag mo akong pinagloloko. If you're joking right now, sinasabi ko, hindi ka nakakatuwa. You're even getting into my nerves!"

"I'm not joking, Giziel..." dahan dahang lumapit si Travin sa akin. "Hindi ako nagbibiro nang sabihin kong babawiin kita ulit."

I gathered every strength I have to face him in this kind of situation. Unang una pa lang ay pinaghandaan ko na ang bagay na ito. Ngunit kahit anong tapang ko, mukhang bibigay na rin ako sa huli.

Nagtapang tapangan ako, nagtaas ng kilay sa kaniya, "Kung gano'n, gawin mong isang biro lamang. Mas magandang pakinggan kung magbiro ka ng ganoong bagay."

His jaw clenched and even came closer to me. Napaatras ako ng ilang hakbang dahil konti na lang ay dumikit ang mukha ko sa dibdib niya. Bakit pa kasi ang tangkad niya?

"Sa tingin mo ganoon kadali iyon? Ganoon mo ba kagustong huwag akong makita? Ganoon ba 'yung paraan mo ng pagtataboy sa 'kin? Why can't you see me right now, Giziel? Do I look like an invisible man to you? Giziel, I'm doing everything I can and can't right now just for you. Kaya sana naman, huwag mo 'kong itaboy palayo. I hope you see me like before...again." He said helplessly. Tumungo siya habang namumula na ang mga mata niya.

Nagsimula ring mangilid ang luha sa mga mata ko ngunit sinubukan kong pigilan iyon. I told myself I won't shed in tears because of him, right?

How could he be like that? Why does he want me to see him like the way before? Hindi ba niya alam na sakit lamang ang idudulot nun sa akin?

"I didn't ask you to do everything for me. Instead, I'm only asking you to forget me." I answered truthfully.

Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita ulit.

"Why, Travin? You think it's easy too? 'Yung ginawa mo sa 'kin, sa tingin mo madali ring tanggapin iyon? And now you're asking why can't I see you? Bakit? Do you even deserve me after all you did? Or do I even deserve you? Do you think I will accept you again? Hell no. Pagod na ako, sawa na ako. Ayoko nang magkamali ulit. Ayoko nang masaktan ulit. Ayoko na sa iyo."

Nanghina ang mga balikat niya at tumulo ang ilang butil ng luha mula sa kaniyang mga mata. Umatras ako ng ilang hakbang, palayo sa kaniya. Hindi ko na kayang pigilan pa ang luha ko dahil sa tuwing naaalala ko lahat ng nangyari noon, nasasaktan pa rin ako ng sobra sobra. Tumalikod ako nang maramdamang tumulo na ang luha ko. Pupunasan ko na sana iyon nang biglang may humablot sa kamay ko at biglang may kamay na bumalot sa katawan ko.

I-Is he back hugging me now?

He rested his chin on my shoulder as he tightened the hug, making sure I won't be able to escape.

"I'm sorry for everything. I'm sorry. I'm sorry. Please forgive me, baby. Please. Please. Please. I love you so much. It's still you, baby. You're still the love of my life..." he whispered so softly even though he's sobbing.

I bit my lower lip. Mahal na mahal niya ako? Pero bakit niya iyon ginawa? Does he think a simple sorry will ease all the pain I felt and feel?

Tinanggal ko ng buong pwersa ang kamay niyang nakayakap sa 'kin. Hindi na ako nag-abalang lumingon at dire-diretsong naglakad.

The Man I Can't Reach (COMPLETED)Where stories live. Discover now