"Besh, ayos ka lang ba talaga?"
Mukha ni Faye ang unang tumambad sa 'kin kinabukasan. She's looking at me worriedly. Pinakiramdaman ko muna ang sarili ko bago dahan dahang bumangon. My head is still aching. Nahihilo pa rin ako.
What happened? Paano ako napunta sa kwartong 'to? Where is the guy? Where is he? Did he bring me here? How?
Napapikit ako dahil biglang lumala ang sakit ng ulo ko. I should not think about what happened last night. Sinenyasan ko si Faye na ikuha niya ako ng tubig. Tumayo
siya kaagad at ipinagsalin ako."Salamat," wika ko bago uminom. "Anong oras na ba?"
Umupo siya sa gilid ng kama ko. "Alas syete i medya na. Eh kung huwag ka na lang kayang pumasok? I'll excuse you to your teachers," puno ng pagaalalang sabi niya.
Umiling naman ako ng ilang beses, "Hindi na kailangan. Kaya ko ang sarili ko. Tsaka sakit lang 'to ng ulo, maliit na bagay lang naman."
Pinilit kong tumayo mula sa kama. Agad umalalay si Faye nang kamuntikan na akong matumba.
"You're not okay, Giziel. Baka mapagalitan ako nina tita."
I placed the back of my hand on my forehead. "Wala akong lagnat. Papasok na ako."
'Di nakaligtas sa aking mga mata ang pag-irap niya sa 'kin. "Psh. Palibhasa kasi may superhero na naman sa school. Sige na. Dalian mo pero dahan dahan lang."
Nagsalubong ang kilay ko sa huling linya niya. Ano raw? Napailing ako habang pinoproseso ang sinabi niya. Dahan dahan akong naglakad patungong CR. Simpleng hilamos at sipilyo lang ang ginawa ko. Wala nga akong lagnat pero sumasakit ang ulo ko.
Wala pa akong uniform sa Lourdes College. Oo, kailangan pa naming maguniform na senior high students. Swerte kung college na, hindi kailangan ang uniform. Maluwag na pantalon, T-shirt, at makapal na jacket ang sinuot ko.
"Oh, eto salonpas," inabot ni Faye sa 'kin ang salonpas. "Para medjo mabawasan sakit ng ulo mo. Sakit ka rin sa ulo eh."
"Salamat."
I put the salonpas on my temple. Para akong umihip ng malamig na hangin nang maramdaman 'yon sa sentido ko.
"Tara na. Baka malate tayo," yaya ko kay Faye na mukhang walang planong umalis.
Nakasimangot siya habang nakupo sa kama ko. Padabog siyang tumayo saka umirap sa 'kin.
"Bahala na nga! Ang tigas ng ulo mo. Che!" Nagmartsa na siya palabas, nagdadabog.
Anong nangyari do'n?
Hindi nagmadali si Faye sa pagmamaneho. Mal-late na kami pero hindi niya 'yon pinansin. Ilang beses kami nagtalo dahil lang sa pagmamaneho niya.
"Faye, we'll be late. Medjo dalian mo," reklamo ko pero hindi siya sumunod.
"This is okay. 40 kph. Normal lang ang takbo nito."
"What?! Are you kidding me?" Mundo nga naman. 40 kph pa?
"Mukha ba akong nagbibiro?" Pabalik niyang tanong habang ang mata ay nasa daan.
Hindi ko ugaling umirap pero napapairap ako sa kalokohan ni Faye. Paiba-iba ang mood ni Faye. Minsan sobrang seryoso, minsan sobrang kalog, minsan rin parang bata. Masyadong maraming sapi ang babaeng 'to.
Hindi siya nagmadali kaya ang ending, pareho kaming nalate. Isabay mo pang nagpa-quiz pa si ma'am Luteria. Mabuti nalang at umabot ako dahil kung hindi, malalagot sa 'kin si Faye.
Kahit hilong hilo na ako, pinilit kong sagutan ang quiz namin. Mukhang napansin ni Jared dahil kanina pa 'to lingon nang lingon sa 'kin, mukhang 'di mapakali.
YOU ARE READING
The Man I Can't Reach (COMPLETED)
RomanceThe love story of the two senior high students who fell in love with each other at an unexpected and wrong time.