"Has he contacted you yet?"
Umiling ako kay Andrea. Magkasama kami ngayon sa apartment habang nagmomovie marathon, but our supposed to be movie marathon turned another way around.
"Hindi pa, Andrea. I tried calling him but he's always out of reach. Nag-aalala na ako."
I walked back and forth at the salas, making sure not to block Andrea's view. She's still watching a K-drama.
"When did you last talk to each other?" Andrea gave me a glance.
"Ilang araw na ang lumipas." Tanging naisagot ko.
"Malay mo busy lang siya. Alam mo naman, graduating na siya. Mas lalo silang nagiging busy."
Kahit labag sa kalooban ko'y sumang-ayon ako sa kaniya. Pinaniwalaan kong busy talaga siya ngayon dahil malapit na ang graduation nila sa Xavier. Ayon kay Roi ay sa April 4 na raw.
"Nag-aalala pa rin ako, Andrea. Paano kung napano pala siya? The last time we talked, his mother is not feeling well and he hurriedly rushed to the hospital. Paano kung naaksidente pala siya habang papunta sa hospital?" Kahit masamang isipin, 'yon bigla ang pumapasok sa isip ko.
"His mother is not feeling well? Then probably, he's taking care of his mother. H'wag ka ngang OA diyan. It won't help, besides, babalitaan din naman tayo ni Roi kung may nangyaring masama sa kaniya."
Humugot ako ng malalim na hininga at pabagsak na umupo sa sofa. Naisip ko naman na baka inaalagaan niya ang mommy niya. Nag-aalala lang talaga ako na baka napaano na 'yon.
"Nag-aalala talaga ako. Out of reach siya e. What if naaksidente siya tapos ayaw palang sabihin ni Roi sa akin dahil baka akala niya hindi kami mala-"
"Aish! Ang OA mo talaga, Giziel Mae!"
Napanguso ako kay Andrea. Inirapan niya ako at tahimik niyang kinuha 'yung cell phone niyang nakalapag sa mesa.
"I'll call Roi. Let's ask him about your lover."
"Baka busy siya, Andrea. Maiistorbo natin siya."
Tamad siyang lumingon sa akin, "Gusto mo bang malaman 'yung sagot sa tanong mo?"
Dahan dahan akong tumango.
"Okay, so we'll call him."
Hindi na ako nakapagprotesta nang bigla na lang tawagan ni Andrea si Roi. Pinaloud speaker niya pa 'yon para marinig ko. Nakailang tawag na kami sa kaniya pero ayaw pa rin niyang sumagot. Susuko na sana kaming dalawa sa panghuling tawag, pero mabuti't sinagot 'yon ni Roi.
"I'm sorry for not answering your calls earlier. We're dismantling a bomb." Bungad niya sa aming dalawa. Halata ang pagod sa boses.
Mahina kong pinalo ang braso ni Andrea, "Sabi sa 'yo e!"
Hindi pinansin ni Andrea ang bulyaw ko at basta na lang inabot sa akin 'yung phone niya. Gulat at nagtatanong ko siyang tiningnan. Ginalaw niya lang ang kaniyang ulo para imuwestrang magtanong na ako kay Roi.
Wala akong nagawa kundi sundin siya.
"Uhm, Roi? Can I ask you?" Nag-aalinlangan pa ako.
"Oh? Is that you, Giziel? Where is Chandria? Are you with her? Can she hear me?"
Napairap ako sa sunod sunod na tanong ni Roi.
"Oo naman, tanga!" Sobrang hinang sigaw ni Andrea. 'Yung tipong kami lang 'yung makakarinig.
"Uhm, yeah, it's Giziel actually. And Andrea is..." napatingin ako kay Andrea.
"Sabihin mo sa CR! Tumatae!" Pabulong niyang sabi.
YOU ARE READING
The Man I Can't Reach (COMPLETED)
RomanceThe love story of the two senior high students who fell in love with each other at an unexpected and wrong time.