"Touch her and you'll be kick out in this school. Leave her and you'll stay. Now choose, morons."
Ana ng boses sa likuran ko. Pare-pareho kaming napalingon sa lalaking nagsalita. Hindi ko naaninag ang mukha niya dahil nakaupo pa rin ako at may nakaharang na garbage, nanlalabo pa rin ang paningin ko dahil sa pag-iyak. He's standing far away from us, but his voice is enough for us to hear it.
Wait...
"I'm letting you choose. You have five seconds," he added. "Five. Four. Three. Two–"
"Pasensya na, Travin. Hindi na mauulit."
Automatikong napalingon ako sa mga lalaking kamuntikan na akong pagsamantalahan. Ngayon ay nakayuko silang lahat. Hindi magawang tingnan ang bagong dating. His footsteps started playing like a music. He walked slowly towards our direction.
"Choose," maawtoridad niyang usal habang naglalakad.
Wait...
T-That voice...
Wala kong kaide-ideya kung bakit biglang lumakas ang tibok ng puso ko. The garbage is still blocking me to see his face. I didn't see his face that night, but I'm pretty sure about the voice. It's him!
"We're leaving, Travin. Pasensya na."
I can see from my peripheral vision how the six guys bowed their heads to him first, and then to me.
"Good. Now, get out of my sight," his voice is cold as ice.
The guys ran as fast as they can. I gulped when I clearly saw his face. Nilipat nito ang tingin sa 'kin. He came closer at me and offered his hand. Hindi ako nagdalawang isip na tanggapin 'yon. Pinagpag ko ang suot kong jeans nang makatayo at pinunasan ang pisngi kong basang basa ng luha. Gusto ko pa ring umiyak ngayon pero mas nangingibabaw ang kasihayan na nararamdaman ko dahil sa muli niyang pagsagip sa 'kin.
"Kapag bago ka dito, wag kang magpadalos dalos. Kung hindi ako dumating, baka wala na ang pagkababae mo," masungit niyang sabi. Tinitigan ko ang makinis niyang mukha.
'Di ko to itatanggi, pero ang gwapo niyang nilalang.
"What are you staring at?" iritadong tanong niya. Napaiwas ako ng tingin, napalunok ng ilang beses.
"Thank you. Thank you for saving me before, and now," sinserong sabi ko. Muli kong binalik ang tingin sa kaniya na may ngiti sa labi.
Salubong ang kilay niyang nakatingin sa 'kin, "Before?"
I scratched the back of my head, "Hindi ba ikaw 'yon? The guy from that night. Yung tumulong sa 'kin."
Mas lalong nagsalubong ang kilay niya. Tinitigan niya ako ng mariin at sinuri ang mukha ko. Hinawakan niya ang kaniyang baba at nag-isip isip. Ilang segundong nakalipas ay muling bumalik sa normal ang kilay niya.
"Ah, the girl near at my house," ika niya nang maalala ako.
He's the guy from that night who saved me from those freak men. And now, he saved me again from young pervs.
"Thank you for saving me," pag-uulit ko.
Tumango siya at tiningnan ang sariling relo.
"Where are you going? I'll take you there."
Nanlaki ang mata ko at kinakabahan na inayos ang sarili. Ba't ko nakalimutan 'yon? Lagot ako kay ma'am Katarina! Nagmamadali akong naglakad palayo pero hinawakan niya ang braso ko.
"Xavier University is big. Sigurado akong baguhan ka rito. Tell me where are you going. Samahan na kita," seryoso paring sambit niya.
Gusto kong tanggihan siya kaso hindi pwede. Baka mawala na naman ako at makasalubong ko ang mga lalaking 'yon.
YOU ARE READING
The Man I Can't Reach (COMPLETED)
RomanceThe love story of the two senior high students who fell in love with each other at an unexpected and wrong time.