Chapter 38

43 4 1
                                    

Halos mapunit ang labi ko dahil sa ngiting nakaukit doon. Kulang na lang ay sumayaw ako dahil sa sayang nag-uumapaw sa aking kalooban ngayon.

Ganito ba 'yung pakiramdam? Sabi nila masaya raw pag kinrushback ka ng crush mo. E 'yung loveback kaya? Ganito ba 'yon kasaya?

Mas lalong lumawak ang ngiti ko nang makita ang cell phone kong umiilaw habang tumutunog. Hudyat na may tumatawag sa akin. Walang ano ano'y sinagot ko 'yon.

"Hey..."

I bit my lower lip to prevent myself from chuckling after hearing his voice. It's so soft and husky.

Inayos ko ang sarili bago nagsalita.

"Yeah? May problema ka ba?"

Narinig ko siyang tumawa, "Nah. I just miss you..."

Kumubli na naman ang matamis na ngiti sa aking labi. Kulang nalang ay tumili ako sa kilig.

"Drop that. Bakit ka tumawag?" Sinadya kong paseryosohin ang boses ko.

"I miss your voice. That's it."

Napairap ako ngunit nandoon pa rin ang ngiti sa aking labi. "H'wag mo 'kong pinagloloko, Travin. Kahapon nga'y magkasama tayo. Anong dinadrama mo diyan, ha?"

He chuckled, "I miss you, really. Nasa labas ako ng apartment mo. Come here, baka malate ka."

Dahil sa kilig ko ay binaba ko na kaagad ang tawag. Nagtatalon talon ako sa tuwa dahil lang nakausap ko siya. 'Yung puso ko'y sobrang bilis ng pagtibok. 'Yung tipong limang beses titibok sa isang segundo at dahil lang 'yon ay nakausap ko siya. Paano na lang kung harap harapan pa?

Ayos na ayos naman ako dahil may pasok kami ngayon. Kahapon 'yung holiday namin so obviously, may pasok kami ngayon kasi Friday.

Sa huli ay tiningnan ko ang sarili ko sa isang malaking salamin. Naka-jeans lang ako at t-shirt. Nag-jacket din ako ng maong, medjo malamig ngayong araw e.

Free style namin ngayon dahil Friday. Sa katunayan nga ay sa Monday, Tuesday, at Wednesday lang namin nasusuot 'yung uniform namin. Sa Thursday ay P.E. namin, we need to wear our P.E. uniform.

Nagmamadali akong bumaba dala dala ang bagpack at ilang libro. Nang makita ako ni Travin ay tumakbo ito palapit sa akin at inagaw ang mga libro at bag ko.

"Ako na," kinindatan niya ako bago nagtungo sa kotse niya.

Binuksan niya ang second seat at doon nilagay 'yung mga gamit ko. Pagkatapos ay 'yung passenger seat naman ang binuksan niya at nakangiti akong sinenyasan. Kaagad akong lumapit sa kaniya.

"Dapat ay dito mo nalang nilagay 'yung mga gamit ko. Puwede ko namang hawakan 'yon," saad ko. Sana talaga ay itinabi niya sa akin 'yung mga gamit ko, nahirapan pa tuloy siya.

He just smiled at me before making his way to the driver seat.

"Nah. It's okay. Kapag dito ko 'yon nilagay, 'yon ang hahawakan mo and I won't let that happen. You will hold my hand instead."

Pakiramdam ko'y nag-init ang buong pagkatao ko sa sinabi niya. Nakangiti siya habang nakatingin sa akin, nakakailang. Umiwas ako ng tingin at hilaw na tumawa.

"Loko loko," komento ko habang pilit na natatawa.

Jusmeyo! Kabog na kabog 'yung puso ko e!

Muntik na akong mapatalon sa gulat nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. Marahan niya 'yung pinisil pisil gamit ang hinlalaki niya.

"I badly want to hold this hand forever." He chuckled at his own thought.

Naiilang kong binawi ang kamay sa kaniya at iniwas ang paningin.

The Man I Can't Reach (COMPLETED)Where stories live. Discover now