"A-Are you really my c-cousin?" Nauutal kong tanong kay Travin. Malapad lang siyang nakangiti sa akin. Hawak hawak niya ang papulsuhan ko habang naglalakad kami."Paano kung sabihin kong oo?"
Nanlaki ang mata ko. Sa paraan ng pagkakasabi niya ay walang halong biro. Dinaluhan ako ng kaba at takot. Kung mag-pinsan kami, kailangan ko na talagang itigil 'tong nararamdaman ko. Hindi puwede 'to. Ayaw kong matawag kaming 'incest' kahit ako lang naman 'yung nakakaramdam ng ganito. Bigla akong namutla. Incest? Hindi talaga puwede 'to.
Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Travin. Huminto siya sa paglalakad kaya pati ako ay napahinto rin. He putted his hand on my hair as he gently ruffled it.
"Dumb. Naniwala ka namang mag-pinsan talaga tayo?" Natatawang tanong niya.
Dahan dahan akong tumango. Tumawa siyang muli at binaba ang kamay sa ilong ko. He gently pinched my nose too.
"Ang slow mo talaga kahit kailan."
Nagsalubong ang kilay ko sa kaniya.
"Ibig sabihin ba ay hindi talaga tayo mag-pinsan?" Kinakabahang tanong ko ngunit hindi ko 'yon pinahalata sa kaniya.
Siya naman ang dahan dahang tumango. "I said it para lang tigilan kana nila. Nasabi man ni Jared ang opinyon niya, hindi pa rin 'yon sapat. Kailangan nilang naririnig 'yung sa akin. Telling them that we're cousin is a good excuse." ngiting saad niya.
Nakahinga ako ng maluwag. It's a relief that we're not really cousins. Wala rin kasi akong kakilalang mga pinsan ko kaya gano'n na lang ang kaba ko. I never knew anyone in my mother's and father's side.
"But you lied. Mas lalong lalala kung malaman nilang nagsinungaling ka." Nabuhayan ako ng kaba. Isyu na naman kapag nalaman nilang nagsinungaling si Travin.
"I got this. Ako na ang bahala," ngumiti siya ulit kaya napangiti rin ako.
"Salamat," I sincerely said.
Hinigpitan niya ang hawak sa pulsuhan ko at muli kaming naglakad. Hindi ko maiwasang hindi magbaba ng tingin sa kamay naming dalawa. Sana lang ay hindi niya naririnig ang lakas ng tibok ng puso ko. Nakakahiya 'pag nagkataon.
Hanggang ngayon ay nalilito pa rin ako sa sagot niya kung bakit niya 'to ginagawa sa'kin. Kay lalim ng salitang 'yon na hindi talaga kayang intindihin ng utak ko. Isa pang dahilan kung bakit ako nagkakaganito ay dahil si Travin ang unang lalaking nagpatibok ng puso ko. In short, siya ang unang lalaking nagustuhan ko. Nagkaroon ako ng paghanga kay Jared noon ngunit hanggang do'n lang 'yon.
"Malayo pa ba?" Pagod kong tanong.
Sa totoo lang ay kanina pa kami naglalakad. Napapagod na ang paa ko. Kanina ay tinanong ko si Travin kung nagdala ba siya ng kotse pero ang sabi niya, oo raw pero ayaw niyang sumakay dahil sayang daw. Ewan ko kung anong sayang do'n.
"Malapit lang 'to. Tanaw ko na ang apartment," nilingon niya ako saka ngumiti.
Napayuko ako dahil sa pamumula ng pisngi ko. Gosh! Am I really blushing? No no! Due to my impulsive acts, bigla ko na lang nasampal ang pisngi ko. Nagulat siguro siya sa ginawa ko. Umalog kasi 'yung balikat niya. Binaba ko kaagad 'yung kaliwang kamay ko bago pa niya 'yon makita. Baka isiping baliw ako.
"What happened?"
Napaiwas ako ng tingin. Hinawakan ko ang aking batok at nag-isip isip ng magandang idadahilan.
"A-Ano kasi..."
"What?" Naiinip niyang tanong.
"Uh, lamok?" Nag-aalinlangan kong sagot. Saka ko lang siya binalingan. Nakataas na ang kilay niya sa'kin ngayon.
YOU ARE READING
The Man I Can't Reach (COMPLETED)
RomanceThe love story of the two senior high students who fell in love with each other at an unexpected and wrong time.