Dahan dahan kong naimulat ang aking mata nang maramdamang may humahagod sa ulo ko. Napangiti ako kaagad nang maaninag si mama na nakaupo sa tabi ko.
"Mama..." unang katagang aking nabigkas.
She also smiled at me as she held my hand, "Gising ka na, anak."
"Ilang oras po akong walang malay, ma?" Tanong ko. Feeling ko kasi 1 week na akong nakahilata dito sa kama.
"Dalawampong minuto lang, kasali na roon noong dinala ka ni Travin dito. Sabi naman ni Travin iho, hindi ka raw nahimatay. Inaantok ka lang daw."
Napayuko ako at mukhang hindi makapaniwala na sinabi 'yon ni Travin kay mama. That jerk! How dare he spit those things! Hindi ba right term na nahimatay talaga ako kanina? Urgh!
My eyes widen when I just realized what had happened. Nag-angat ako ng paningin kay mama.
"Ma, nasaan po si Travin at Jared? Pati na rin po si papa, nasaan siya?" I asked straightforward. Kinakabahan na rin ako. Jared has a big grudge on Travin, paano pa kaya 'yung papa ko?
"Si Travin at Jared, nandoon lang sa labas. Samantalang 'yung papa mo, pauwi na raw at alam na niyang nandito si Travin ngayon."
Napapikit ako sa kaba at hindi malaman kung ano ang gagawin ko. Hindi pwede! Dad and Travin can't meet each other in a situation like this!
"Ma, kailangan kong paalisin si Travin. Hindi sila pwedeng magkita ni papa. Baka kung anong gawin sa kaniya ni papa."
"Sinubukan ko ng paalisin si Travin, pero siya na mismo ang tumanggi. Haharapin niya raw anumang gagawin at sasabihin ng papa mo sa kaniya. Si Jared naman, mukhang walang planong umalis."
Nagulat ako sa sinabi ni mama. Napagusapan na namin ni Travin 'to, at sinabi niyang maghihintay kami ng tamang oras para sabihin kay papa. Pero hindi ito 'yung tamang oras na inaasahan ko dahil hindi ko alam kung ano ang susunod na mangyayari pagkatapos lalo na't nandiyan din si Jared.
"Sinabi po ba iyon ni Travin sa inyo, ma?" Naninigurong tanong ko. Baka mamaya, jino-joke time na naman ako ni mama. Minsan lang pa naman siya mag-joke.
Mama slowly nodded as she caressed my face, "Huwag kang mag-alala, anak. Wala namang gagawing masama ang papa mo. Kailangan mo lang magtiwala na sana ay maging maganda ang kahihinatnan ng kung anumang pag-uusapan nila."
Mas lalo lang akong kinabahan sa sinabi ni mama, "Ma naman e. Tinatakot mo tuloy ako."
Mahinang tawa lang ang iginawad sa akin ni mama. Humigpit ang hawak niya sa aking kamay habang may ngiti sa kaniyang labi.
"Ito lang ang masasabi ko sa 'yo. Ipaglaban mo 'yung mga bagay na mahalaga sa 'yo at alam mong hinding hindi mo pagsisisihan." Ika niya.
Unti unti rin akong napapangiti. Si Travin kaya? Ganito rin ba ang kaniyang iniisip? Napabuntong hininga ako bago binuo ang aking desisyon.
Malaki ang ngiting ipinakita ko kay mama, "Lagi ko pong tatandaan iyan, mama."
Maybe I have to believe in my mom's words. Kailangan ko lang magtiwala at tingnan kung ano ang magiging resulta.
Hindi ko namalayang inabot na pala kami ng isang oras sa pag-uusap ni mama. Hindi rin namin namalayan na dumating na pala si papa at nakapag-usap na sila ni Travin. I don't have any idea if their conversation went smoothly. I'm just wishing na sana ganoon nga 'yung naging takbo ng usapan nila.
Biglang bumukas 'yung pintuan at niluwa nun ay si Jared. Nagkatinginan kami ni mama. Binigyan lang ako ni mama ng ngiti bago niligpit 'yung pinagkainan ko.
YOU ARE READING
The Man I Can't Reach (COMPLETED)
RomansThe love story of the two senior high students who fell in love with each other at an unexpected and wrong time.