Chapter 31

43 4 0
                                    


Kay bilis lumipas ng oras. Sino ba naman ang mag-aakalang papalapit na ang disyembre. Natapos na ang finals namin, tapos na namin ang first semester at ngayon ay sinasalakay na namin ang second semester. Sobrang bilis ng oras na hinihiling ko na sana ay gano'n din kabilis ang pag-hupa ng aking damdamin.

"Maganda ba diyan sa bagong apartment na tinitirahan mo?"

"Opo. Mas maliit 'yung bayad dito keysa sa dati kong apartment," sagot ko.

Kausap ko ngayon si mama. Tinatanong niya ang bagong apartment na tinirahan ko. Ngayon ay halos bihi-bihira na lang silang tumawag sa akin. Madami silang gawain sa Quezon, hinihiling ko na sana ay nandoon na lang ako para tulungan sila.

"Sige na muna, anak. Kailangan ko nang ibaba 'to sapagkat may trabaho pa ako."

Napabuntong hininga ako.

"Sige, ma. Ingat kayo riyan lagi," paalam ko bago binaba ang tawag.

Malalim akong napabuntong hininga ulit. Napasandal ako sa headboard ng kama at tumitig sa kisame.

I hope he's doing well.

Magta-tatlong buwan ko na siyang hindi nakikita. Lumipat na rin ako ng apartment, malapit lang sa bahay ni Andrea. Mas lalong naging malayo sa Lourdes College. Hindi ko na rin nakita at nakausap si Jared. Gusto kong humingi ng tawag sa kaniya pero pinigilan ako ni Faye nang minsang makausap ko siya.

"H'wag mo muna siyang kausapin, Giziel."

Bumagsak ang balikat ko saka nagbaba ng tingin.

"Bakit hindi puwede?" Tanong ko.

She sighed, "He's still moving on from you. Baka kapag nagkita kayo ulit, maputol ang ginagawa niyang pag move on."

Wala akong nagawa kundi sundin si Faye. Nagkausap na rin kami at nagkakamabutihan na ulit. Hindi ko na pinilit si Faye na makausap si Jared. Kailangan niya pa ng oras para maging okay. Dahil tulad ko, kailangan ko rin ng oras para malimutan ang nararamdaman ko kay Travin. Dahil hanggang ngayon, nandito pa rin 'yung nararamdaman ko.

Nung araw na pinutol ko na ang ugnayan namin, todo ang ginawa kong pag-iyak noon. Nagmakaawa siyang h'wag akong magpadalos dalos sa desisyon ko dahil okay na raw sila ni Cassidy pero hindi ako pumayag. Mas pinili kong isalba ang pagmamahalan nilang dalawa. Kapag patuloy lang akong lalapit kay Travin, masisira ko lang ang relasyong mayroon silang dalawa at ayaw kong mangyari 'yon.

Pinutol ko nga ang ugnayan namin noong araw na 'yon pero hindi 'yon ang huli naming pag-uusap. Hindi siya tumigil sa pamimilit at pagsuyo sa akin. Iwas lang ako nang iwas pero dumating ang araw na nahuli niya ako. Hindi ko rin inakalang masasabi ko ang mga katagang matagal ko ng kinikimkim.

"What the fuck is happening to you, Giziel?!" Patanong niyang sigaw habang nakasunod sa likod ko. Tuloy tuloy lang ako sa mabilis na paglalakad para hindi niya maabutan.

"Hayaan mo na lang ako, Travin. If you really respect me, sundin mo na lang ako." I said without looking at him. Bumilis ang paglalakad ko, gano'n din siya. Naabutan niya ako at biglang hinablot ang siko ko.

"Ano ba?!" Bulyaw ko, pilit kumakawala sa kamay niya.

"Let's talk! Ano bang nangyayari sa'yo? Okay na kami ni Cassidy. She won't be jealous anymore. Binalaan ko na siya at sinabing wala talagang namamagitan sa atin. So please, don't leave me. Don't leave me," pakiusap niya. Marahas akong umiling at pwersang hinawi ang kamay niya.

"It's my final decision at wala ka ng magagawa do'n," tinalikuran ko siya ulit. Naluluha na ako sa ginagawa ko pero ganito talaga pag kailangang gawin.

The Man I Can't Reach (COMPLETED)Where stories live. Discover now