Chapter 17

61 4 0
                                    

Nanatili akong estatwa sa aking kinatatayuan. 'Di pa rin makagalaw kahit ang paligid ay gulong gulo na. Nadako ang paningin ko kay Jared na sobrang dilim ng paningin, handang handang manuntok ano mang oras pero dahil sa mga kamay na nakayapos sa kaniya ay hindi niya magawa 'yon.

Parang naparalisa ako kung saan man nakatayo. Naramdaman ko na lang ang dalawang kamay na humawak sa magkabilang balikat ko at iginaya ako palabas.

"We need to get out of here," bulong niya.

Batid kong isa siya sa mga kaklase ko. 'Di ko man lang makilala kung kanino galing ang boses na 'yon.

Masyado akong balisa...nang dahil sa halik at nanghalik na 'yon.

Sino ba 'yon?

"Giziel? Hoy. Okay ka lang ba?"

Napakurap ako ng ilang beses saka napalingon sa kaniya. Doon ko lang napagtantong si Andrea pala ang humila sa akin palabas. Ngayon ko lang din namalayan na nakasakay na kami sa isang kotse.

Hindi ko sinagot ang katanungan niya. Nakakahiya kung isasagot ko ay hindi dahil sa halik na 'yon. Napailing ako.

"Kaninong kotse 'to?" I changed the topic.

Napabuntong hininga ito at walang nagawa. Naiiling niyang sinagot ang tanong ko.

"My aunt's. Nagkakagulo roon kaya nung mamukhaan ko 'yang gown mo mabilis akong tumawag kina tita para makaalis ka na do'n," sagot niya.

Naguilty ako nang dahil do'n. Ginawa niya 'yon para sa akin pero maski tanong niya ay hindi ko nagawang sagutin.

Napayuko ako, malakas ang pinakawalang buntong hininga, "Thank you, Andrea, and I'm really sorry."

Naramdaman ko ang malambot niyang kamay sa kamay ko.

"Okay lang, Giziel. I'm just worried."

Umangat ang paningin ko sa kaniya. Siya naman ay malalim na humugot ng hininga.

"Malaking kaguluhan 'yon sa Xavier. That guy who kissed you is one of the heartthrobs there. Siguradong magiging isa ka sa mga issue roon. It will just cause a little issue," she paused. "Only if Jared didn't interfere. Ngayon ay lumaki na ang gulo. Nanuntok pa siya and my god! Ma'am Katarina is there. We're really doomed."

Napayuko ako ng todo at kinain ng malaking kahihiyan.

"I'm scared."

"Don't be too scared. Just be thankful you're wearing this mask."

Nanumbalik ang tingin ko sa kaniya at sa hawak hawak niyang mask.

She giggled, "Be thankful to the guy who stole a kiss from you. Mukhang plano niya talagang halikan ka umpisa pa lang. Nagdala pa ng mask para hindi ka makilala. How sweet."

Kung may iniimom lang ako ay baka nasamid ko na. Hindi ko kayang magpasalamat sa lalaking humalik sa akin. Nang dahil sa ginawa niya ay nagkaroon ng malaking gulo roon. Kung may dapat man akong pasalamatan ay si Andrea 'yon.

"I can't thank the guy who caused that mess," mabigat sa kalooban kong tugon.

"And don't worry. Mukha namang hindi ka nakilala ng mga classmates natin. I hurriedly rushed towards you and covered you."

Nakahinga ako ng maluwag do'n. Pero kinakabahan pa rin ako. Hindi imposibleng 'di nila malaman na ako 'yon.

"We're not very sure of that."

Naiiling siyang huminga ng malalim, "By the way, I forgot to ask this. Do you know him?"

Kamuntikan na akong matawa. Kanina pa kami nag-uusap pero ngayon lang niya tinanong 'yan. Pareho sila ni Roi.

The Man I Can't Reach (COMPLETED)Where stories live. Discover now