"Giziel..." nagmamadali siyang tumakbo sa akin. Napalunok ako nang bigla niya akong yakapin ng mahigpit.
"Jared..."
"I missed you so much, Giziel," bulong niya, punong puno ng emosyon.
Nanubig ang mata ko kaya tinago ko ang mukha sa balikat niya.
"Shh. I'm sorry, Giziel. I'm sorry," he caressed my hair when he heard my sobs.
Magkahalong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Saya...at lungkot. Masaya ako dahil sa wakas, kinausap na niya ako. Jared is important to me, kasi kaibigan ko siya. Nalulungkot din ako dahil nagawa niya akong tiisin ng ilang araw.
Humikbi ako nang humikbi hanggang sa maramdaman kong okay na ako. Kanina pa ako nakayakap sa kaniya kaya kumalas na ako.
"Are you okay?" he asked worriedly. I just nodded as a response.
"Can we talk...inside?" he asked again. Pinunasan ko muna ang basang pisngi ko.
"Yeah. Let's go," imbita ko. Binuksan ko ang gate at pinauna siyang pumasok. Nang makapasok siya ay sumunod na rin ako. Pero bago ko pa maisara ang gate ay nakita ko si Travin.
He's staring at me. When he realized that I'm staring back. He looked away immediately. Okay? What's wrong with him? Umiling ako, ipinagsawalang bahala ko na lang siya. Nabaling ang tingin ko kay Jared na hinihintay ako.
"Giziel, I'm really sorry," bungad ni Jared nang makapasok kami sa room.
Muli na namang nanikip ang dibdib ko. Pinigilan ko munang wag maiyak. I need to be calm right now. Kailangan naming mag-usap ng kalma. I need to face him...no emotions involved.
"Okay lang," ngumiti ako sa kaniya, masasabi kong hindi peke 'yon.
He shook his head, "You're not okay, Giziel. I know."
Nag-iba ang timpla ng mukha ko, pero kalma pa rin, "Sino ba sa tingin mo ang magiging okay pagkatapos siyang iwasan ng dalawang kaibigan niya?"
I saw how his adam's apple moved up and down, "I'm sorry, Giziel. I know it's unforgivable...what I did. Pero sana mapatawad mo 'ko."
"Tumatanggap ako ng sorry kahit masakit yung ginawa mo."
Malalim ang pinakawalan niyang buntong hininga, "I'm sorry. Ayaw kitang iwasan pero kinailangan ko. Even though I'm avoiding you, I'm still watching you from afar."
Kumirot ang puso ko sa narinig, pero alam ko namang wala akong lugar para magreklamo o magalit sa kaniya. Alam ko kung saan ako lulugar at ang limitasyon ko.
"It's okay. Napatawad na kita. Pero sana sa susunod, wag mo na akong iwasan. It hurts like hell. Yung pati si Faye ay iniiwasan din ako. Kayong dalawa lang ang close ko sa Lourdes pero nang iwasan niyo ako, mag-isa lang akong pumupunta sa school at umuuwi. Wala akong makausap, makasama, I was all alone." sunod sunod na banggit ko.
Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko, "I'm sorry. I can't promise you that I'll stay forever. Pero habang nandidito ako, I'll stay by your side."
Funny. 'Yan din ang sinabi ko noon sa sarili ko.
"I understand. Nga pala, pinapasabi ni John na pumasok ka na raw. Isang linggo ka ng wala doon. May make up class tayo mamaya kay ma'am Katarina. You should go."
He smiled, "Okay. Papasok ako mamaya."
Ngumiti ako pabalik, "I'm glad that you're back."
"I'm sorry."
"Ilang beses ka ng nag-sorry sa akin. You're already forgiven, Jared," natatawang ani ko.
Hindi niya sinabayan ang pagtawa ko kaya tumigil na ako. Emosyonal siyang nakatingin sa akin ngayon. Napaiwas ako ng tingin.
YOU ARE READING
The Man I Can't Reach (COMPLETED)
RomanceThe love story of the two senior high students who fell in love with each other at an unexpected and wrong time.