"Ma, natanggap ko na po," ani ko nang makuha ang perang pinadala nina mama. 5,000 lang ito pero alam kong sapat na.
"Salamat sa diyos. Mabuti at natanggap mo nang ayos."
"Salamat din, ma," nakangiting sabi ko bago tinago ang pera sa wallet ko.
Dumako ang tingin ko sa kasama ko ngayon. Kanina pa siya nagrereklamo na magmadali ako. Matalim itong nakatingin sa akin kaya napairap ako.
"Sige na, ma. Kailangan ko na pong ibaba 'to."
"Gano'n ba, anak? Sige, sige. Kailangan ko na ring magtrabaho."
"Sige po. Ingat po kayo diyan lagi. Mahal ko po kayo."
"Ikaw din, anak. Ingat ka diyan. Sige na."
Nang marinig ko 'yan kay mama ay binaba ko na ang tawag. Agad akong nagtungo sa kasama kong kanina pa nagrereklamo.
"Oh? Tapos na ba? Kailan mo 'ko babayaran? Ang dami nang utang mo sa 'kin," he exclaimed and handed his empty hand.
I rolled my eyes, "Ang yaman mo tapos sa akin ka manghihingi? Ano 'to? Biruan?"
"You didn't thank me yesterday. Sinisingil ko 'yon ngayon," nakalahad pa rin ang kamay niya sa akin. "Akin na."
"Sa pagkaalala ko ay nag-thank you na ako sa 'yo kanina. Masyado ka na sigurong matanda para makalimutan 'yon."
Napahinto siya at nahihiyang tumungo sa langit, "Then where is my thank you today? I did your favor. I need my thank you."
I rolled my eyes again. Isip bata pa ba 'to?
Ngumiti ako ng matamis sa kaniya, "Thank you."
He tsked, "That's not sincere."
Pinanliksikan ko siya ng mata. Napatikhim ito at agad binawi ang kamay niyang kanina pa nakalahad. Nag-iwas siya ng tingin at naunang pumasok sa sasakyan niya. Naiiling akong napasunod sa kaniya. Nang makapasok ako ay panay ang bulong niya ng kung ano-ano. Hindi ko siya pinagtuunan ng pansin at pinanood kung paano sumabay sa ritmo ng hangin ang mga dahon.
Kaninang umaga ay nagtext si mama na magpapadala raw siya ng pera. Hindi ko alam kung saan ang Palawan Express. Nagkataon din naman na panay ang text ni Travin sa akin kaya pinakiusapan ko siyang samahan ako dahil hindi ko alam. That explains everything why I'm with him right now.
Nakakabinging katahimikan ang namayani sa amin. Kapagkuwan ay hindi na nakatiis si Travin at nagsalita.
"Pasalamat ka at wala akong pasok ngayong umaga."
"Nag-pasalamat na ako sa 'yo," saad ko habang nakatingin pa rin sa labas. Narinig ko ang pag-singhap niya pero hindi ko na pinansin.
"Why are you so silent today?" He asked.
I let out a deep breath, "Hindi naman lahat ng oras ay kailangan kong magsalita. I need a peace of mind too."
"The way you breath, it seems like you have a problem," rinig kong komento niya.
Napabuntong hininga ulit ako. Hinayaan ko na lang na kainin ako ng katahimikan. Travin is good at reading emotions. May problema talaga ako...noon pa.
"We're here," he whispered as he stopped the car in the front of Lourdes College.
I unbuckled my seat belt and faced him, "Salamat ulit."
Inayos ko rin ang pagkakasabit ng shoulder bag. Bago pa ako makababa ay napahinto ako nang maramdaman ang kamay niya sa kamay ko. Gulat akong napalingon sa kaniya.
He sighed, "We're not that close, Giziel. You know that. Kung may problema ka, wag mong sarilinin 'yan. If you don't have someone to talk with those, I can be the someone you're looking for. Or if you're afraid to tell those, don't be afraid of me. Just call me, and my ears are yours."
YOU ARE READING
The Man I Can't Reach (COMPLETED)
RomanceThe love story of the two senior high students who fell in love with each other at an unexpected and wrong time.