Chapter 34

43 4 0
                                    

Hindi puwedeng madaliin lahat.

That's what comes first in my mind...and I'm hoping he's thinking about it too. Sana lang.

It's 1 pm in the afternoon and we're having late lunch. Dapat ay kanina pa kami magtatanghalian ngunit nag-insist si papa na hintayin namin si Travin. He was in the town earlier, maybe he's cooling his mind, calming himself.

"Kailan mo balak bumalik sa Cagayan, anak?" Papa asked me.

Inisip ko muna kung kailan ang balik namin sa pasukan.

"Sa January 3 po," sagot ko. Pagkatapos ng selebrasyon sa new year ay kailangan kong maghanda pabalik sa CDO. Sa January 4 kasi ang balik namin sa Lourdes College.

"Malapit na pala kung gano'n. Ikaw, hijo? Kailan mo balak bumalik sa inyo?"

When you heard the word 'hijo', si Travin na iyan. Nginuya muna ni Travin ang pagkain sa bibig bago sumagot.

"Tomorrow. My family are expecting me to celebrate the new year with them...po," he answered emphasizing the 'po'.

Lumaylay ang balikat ko ng marinig iyon. He will not be here tomorrow. Uuwi siya.

"Saan niyo ba paghahandaan ang bagong taon?" Tanong ni mama.

"In Paris."

Pare-pareho ang naging reaksyon namin nina mama. Napalobo ang aming bibig nang marinig ang lugar na Paris. Indeed, 'pag mayaman talaga kahit saan magpuntang lugar.

Dinaan ko na lang sa pagbuntong hininga ang isipin at pinagpatuloy ang pagkain. Tahimik lang akong kumakain, tulad ng nakasanayan.

"Hijo, hindi ba nagalit ang iyong mga magulang dahil sa pananatili mo rito?" May batid na pag-aalala si mama.

Minsan na itong tinanong ni mama ngunit hilaw na ngiti lang ang pinapakita ni Travin. Tulad ngayon ay ganoon din ang ginawa niya. Napailing ako. He has a tongue, bakit 'di siya magsalita?

"Ay, basta. Ingat ka para bukas. Nawa'y gabayan ka ng panginoon sa iyong pag-alis."

Mahinang natawa si Travin, "Grabe naman kayo, mama. Parang pinapaalis niyo na ako."

"Basbas lang iyon, hijo. Nakakalungkot nga dahil hindi ka rito magbabagong taon."

I didn't mind them. Nag-patuloy sila sa pag-uusap. After having our lunch, nagpresenta akong maghuhugas ng pinagkainan namin. Masyado na kasi akong inaalaga ni mama, ayaw akong pagtrabahuin dito. Sabat naman ni papa ay dapat daw ituring na prinsesa at prinsipe ang mga only child.

Konti lang naman ang hinugasang pinggan. Hindi naman restaurant ito para magkarami-rami ang huhugasan. Pati mga table, ilalim ng mesa, cabinet, at upuan ay naisipan kong linisin. Hyper na hyper ata ako ngayon. Wala lang. Good mood lang yata ako? I'm not sure what I'm feeling either right now.

Nagtungo ako sa gilid ng bahay kung saan naroon ang bintana ng kwarto ko. Just by staying here, you can peacefully and beautifully watch the whole city. Magandang magstay dito pag gabi. It will be very romantic. Watching the city under the moon and stars. Hindi lang ako pumupunta rito tuwing gabi dahil mas pinipili kong magmukmok sa kwarto ko.

Nakarinig ako ng yapak, palapit kung saan ako nakaupo.

"I'm leaving tomorrow. To Paris," simula niya.

"Alam ko."

Inaamin kong nalungkot ako nang marinig ko iyon. Ganoon naman talaga siya e. He's the guy who will give you temporary happiness and permanent sadness. Bakit ko sinabi? Dahil ngayon nasasaktan pa rin ako.

The Man I Can't Reach (COMPLETED)Where stories live. Discover now