Chapter 6

91 3 0
                                    

I am still confused about the bracelet I've received. Hindi pa rin namin alam kung sino ang nagbigay sa 'kin ng bracelet. And to my surprise, I've received another gift again.

"May nagpapabigay po."

"Saan galing 'to?" I asked to the little girl who's holding a bouquet of flowers.

Hindi ito umimik, sa halip ay itinaas ang bulaklak. Sinasabing tanggapin ko na lamang 'yon. Puno ng pagtatakang tinanggap ko 'yon. Lumuhod ako para makapantay siya.

"Sweetie, can you tell me who gave you this?" I softened my voice.

Iminuwestra ko ang bulaklak na hawak ko. I even caressed her fluffy and chubby cheeks. She looked down and shook her head. And with that, I can tell that she's not going to speak anything.

Bagsak balikat kong ibinaba ang tingin sa hawak ko. Magtatanong pa sana ako pero bigla nalang siyang tumakbo ng mabilis. Tulad ng nangyari kahapon.

Walang gana akong tumayo at naglakad. Wala kaming pasok ngayon dahil weekend. It's Saturday. Naisipan kong magpunta ng 7/11 para bumili ng mga kailangan ko. Malapit lang ito sa apartment na tinutuloyan ko.

Habang naglalakad, 'di ko maiwasang mapaisip. Pareho lang ba yung nagbigay sa 'kin ng bracelet at flowers? Kung pareho, bakit natunton pa ako dito?

Napapangiti ako na kinakabahan. Paano kung may masamang balak ang nagpapabigay nito sa 'kin? Paano nalang kung...

"Miss, ang ganda ng dala niyong bulaklak."

Parang nawala ng bula ang iniisip ko. Gulat akong napalingon sa babaeng nakangiti ngayon sa harapan ko. Luminga linga ako sa paligid. Halos mapatampal ako sa aking noo nang mapagtantong nakalagpas na pala ako. Binalik ko ulit ang tingin sa babae na nakangiti ng malaki sa 'kin.

"Salamat po," ani ko.

May katandaan ito sa 'kin. Kung aking o-obserbahin, siguro nasa 24 na ang edad niya.

Binaba niya ang tingin sa hawak kong bulaklak. Tinubuan ako ng kahihiyan do'n. Masyadong naparami ang iniisip ko kanina. Ni hindi ko namalayang naglalakad pala ako dito habang hawak hawak ang binigay sa aking bulaklak. To think that I'm holding it in a special way, just like a bride.

It's embarassing.

"Saan mo nabili 'yan? Gusto ko ring bumili," tinuro niya ang bulaklak.

Nakamot ko ang batok at napipilitang ngumiti sa kaniya. 'Di ko alam anong isasagot ko sa tanong niya. Nakakahiya naman kung sasabihin kong galing ito sa SA ko daw.

"Uhm..." mahina akong napatadyak. Nangangapa ng sasabihin ko. Malalim ang nagawa kong pagbuntong hininga, "Gusto mo ba po 'to? Sayo na lang po."

Nanlaki ang mata nito habang nakatingin sa 'kin. She waved her hands on the air, "Wag na. Nakakahiya. That flower is very rare to find in this country."

Napatango ako. She's right. This flower are very rare to find. These are middlemist red flowers. That's why I was in awe when the girl gave it to me.

Why would a person make an effort just to give me this flower?

"You can take this," I grabbed her hands and made her hold the flowers. She is still flabbergasted.

"It would be unfair kung kukunin ko lahat 'to," aniya habang inaamoy ang ito. Pumitas siya ng isa dito at binigay sa 'kin ang natira, "This will do."

"I mean, you can take that all. Hindi ko na kailangan 'yan."

Umiling siya, "This is for you. Hindi ko pwedeng basta basta na lang kunin ang binigay sa isang tao."

The Man I Can't Reach (COMPLETED)Where stories live. Discover now