Chapter 33

54 4 0
                                    

Abala kami ngayon ni mama sa pagdedecorate. Si papa ay pumunta munang syudad para mamili ng ihahanda namin. Bukas na bukas ay December 24, Christmas Eve at sa isang araw na ang pasko.

Konti lang ang hindi namin natapos sa pagdedecorate. Alas nyebe pa naman ng umaga, baka mamayang alas dose ay natapos na 'to. Maliit ang bahay namin kaya simple lang dapat ang desinyo pero parang naging bongga.

"Ang ganda talagang magdesign ni Travin. Hindi ko akalain na magiging parang mansiyon ang bahay natin dahil sa desinyong ito!" Bakas na bakas ang pagkamangha sa mukha ni mama.

Napanguso ako ng tuluyan.

Noong nakaraang pasko ay simpleng designs lang, ako naman ang nagdedesign at dahil wala akong talent sa pagdedesign, simple lang ang nagagawa ko. Ngayong bumisita rito si Travin, bonggang pagdesign ang iginawad niya. Akala ko ay babalik na siyang Cagayan de Oro pero hindi pa pala. Nanatili pa siya ng ilang araw dito. Baka plano niyang dito na mamasko.

"Over na over nga po 'yung design e," reklamo ko.

Maganda naman talaga ang design, naover lang. Hindi lang talaga ako mahilig sa sobra.

"Paanong over? Ang ganda nga. Sobra."

Inismiran ko si mama. Naaantig pa rin siya sa desinyo ni Travin. Nakakainis!

Inabala ko na lang ang sarili sa pag-gugupit ng mga color paper. Pinabayaan ko si mama na maaliw sa design ng bahay.

Simula nang sabihin sa akin ni Travin ang nangyari sa kanila ni Cassidy, iniwasan ko siya. Hindi ko alam anong nangyayari sa akin kung gayon ay dapat akong matuwa dahil wala na silang dalawa, ngunit hindi ko magawa. Pinapangunahan ako ng takot, kaba, na sa tingin ko'y mas makakabubuting layuan ko si Travin keysa panghawakan 'yung libreng oportunidad. Pakiramdam ko'y tama lang na 'yon ang gawin ko.

Nitong nagdaang araw na palagi siyang pumupunta rito sa bahay, hindi ko na siya kinausap. Sinusubukan niyang kausapin ako pero sinusubukan ko ring maiwasan siya sa abot ng aking makakaya. Nagtataka man sina papa sa inaasta ko ay nangingibabaw ang panunukso sa kanila.

Ipinagpapasalamat ko rin na hindi gaanong mahilig ang mga magulang kong magsiyasat dahil sa oras na magtanong sila, hindi ko alam ang isasagot. Magsisinungaling na naman ako sa kanila.

Nang matapos namin ni mama ang ginagawa namin ay sakto ring dumating ang dalawang lalaki. Hindi na ito nakakagulat. Sa apat na araw niyang pananatili sa Quezon ay lagi siyang bumibisita rito kapag umaga. Makikita sa mata niyang gusto niyang dito na lang manatili sa aming bahay pero pinipigilan niya ang kaniyang sarili. Dahil hindi niya 'yon magawa, sa umaga'y pumupunta siya rito at sa hapon ay bababa siya sa syudad. Ganoon ang naging daily routine ni Travin sa pananatili niya rito. Hindi mabatid kung kelan niya planong umuwi sa Cagayan.

Sa nakikita ko'y mukhang wala siyang plano. Sa matagal kong pakikisama sa kaniya, alam ko ang takbo ng utak niya. Ngunit hindi lahat dahil may mga panahong hindi ko alam bakit nagkakaganoon na lang siya bigla. Tulad ng mga hindi inaasahang galawan niya sa akin. May namumuo man sa isipan ko kung bakit, hindi ko gustong paniwalaan 'yon. Gugustuhin kong marinig 'yon mismo sa labi niya.

Naputol lang ang pagiisip ko nang mamutawi ang lalaking lalaking boses ng taong hinahangaan--mali--iniibig ko hanggang ngayon.

"Okay lang po ba 'yung design? Is it enough or not?"

"Ang laki na ng naitulong mo, hijo. Ang ganda rin ng ginawa mong desinyo sa bahay namin. Para itong naging mansyon dahil sa desinyo mo," walang hanggang puri ni mama. Ngingiti ito, klarong klaro ang sobrang pagkamangha sa mukha niya, nila ni papa.

"Just tell me anything, mama. Sagot ko lahat."

Umismid ako. Kahit pilit kong itanggi ito, hindi ko magawa. Travin is a good guy. Una pa naming pagkikita ay kabutihan ang pinakita sa akin.

The Man I Can't Reach (COMPLETED)Where stories live. Discover now