Hindi nga ako nagpadalos dalos sa aking desisyon. Naiintindihan ko ang ibig sabihin ni tita Tanielle. Alam ko ang gustong niyang iparating kahit hindi naman 'yon ang pinarinig sa akin. Gusto niya akong lumayo sa anak niya pero kasabay nun ay inaalala niya rin ako.
She's concerned that I might hurt myself if I continued clinging to Travin. Ngunit alam ko rin sa sarili kong kahit anong pag-pilian ko ay masasaktan din naman ako. Kung iwasan ko man o hindi, masasaktan pa rin ako.
Pero mas mabuti na 'yung hindi ka umiwas pero masaya ka keysa sa umiwas ka pero hinding hindi ka rin naman sasaya.
"Psst."
Napalingon ako kay Andrea. Abala siya sa kaniyang dino-draw, wala ang paningin sa akin pero alam kong ako ang tinawag niya.
"Ano?" Kinuha ko ang atensyon niya.
Sinulyapan niya ako saglit bago bumalik sa ginagawa. "Musta na kayo ni Travin? I haven't seen you talked these months."
Napabuntong hininga ako. Kumuha rin ako ng pencil at bondpaper saka sinimulang mag-sketch ng simpleng bagay.
"Nag-kausap na kami. Short talk lang, gano'n..."
Walang alam si Andrea. Ang alam niyang huling pag-uusap namin ni Travin ay noong nagkasagutan kami at tinawag niya akong selfish. To be exact, the time when I finally cut my ties with him. Walang ideya si Andrea tungkol sa nangyari sa Quezon. May tiwala ako kay Andrea pero hindi ko pa kayang mag-kwento sa ngayon.
"Talaga? Kailan? Musta ka 'nung nagkausap kayo? Hindi ka naman umiyak, 'di ba?"
Napangiti ako sa sunod sunod niyang tanong. Nakakaguilty din dahil hindi ko masabi 'yung iba sa kaniya. Sa tamang oras siguro, sasabihin ko na.
"Hindi ako umiyak. Bakit naman ako iiyak?" Pabalik kong tanong. Hindi nga ako umiyak nung nagkausap kami pero nang matapos ay doon na ako umiyak.
"So kailan nga kayo nagkausap?"
I formed a little smile, "Last last week."
I'm talking about the time when we talked at the park. 'Yon naman kasi ang naalala kong huli naming pag-uusap, hindi na nasundan iyon kaya umiinit ang dugo ko sa lalaking iyon. What if kaya totohanin ko 'yung sinabi ng nanay niya?
"Sure ka na hindi ka talaga umiyak? Be honest with me, Giziel." Inilapag niya ang hawak niyang cotton na ginamit para sa pag-cocolor.
Ngumiti ako at umiling.
"Hindi talaga."
Natapos siyang mag-draw at ang ganda ng kinalabasan. She will be a very great artist. Ako naman ay simpleng bagay talaga ang ginuhit ko, a Zebra, pero nilagyan ko ng shadows at color black para hindi boring tingnan.
"You have a talent in drawing, Giziel. Bakit hindi ka na lang mag-architecture?"
Nginusuan ko si Andrea, "Sus! H'wag mo nga sa 'king baliktarin, Andrea. Mas magaling ka no. Ako nga simpleng Zebra lang tapos sa 'yo mukha ng tao. Patingin nga."
Natigilan siya at tinago 'yung dinraw. Sinubukan kong silipin 'yon pero mas lalo niyang tinakpan.
"Ang daya mo naman! Nakita mo 'yung Zebra ko tapos hindi ko nakita 'yung sa 'yo." Reklamo ko.
Wala talaga siyang planong ipakita sa akin dahil tinakpan niya ng husto. Humaba ng husto ang nguso ko. Bakit gano'n? Bakit ayaw niyang ipakita sa akin?
"Ahh...p-pasenya na, Giziel. Hin-hindi ko kasi kayang i-ipakita sa 'yo kasi na-nahihiya ako..." dali dali niyang tinupi iyon at tinago sa bag niya.
YOU ARE READING
The Man I Can't Reach (COMPLETED)
RomanceThe love story of the two senior high students who fell in love with each other at an unexpected and wrong time.