"Why are you nervous, Giziel?" ngisi ngising tanong ni Andrea.
"I don't know. I'm just so nervous."
"Maybe you're just hungry. Let's wait for the boys. Sila ang kumuha ng makakain natin," hinawakan niya ang kamay ko, marahang pinisil pisil 'yon.
"Salamat."
Walang nagsalita sa amin matapos banggitin 'yon. Magkakatabi lang ang table naming magkakaklase ngunit kani-kaniya rin sila ng ginagawa. Kanina pa nagsimula ang Welcome Party. Ibang klaseng party ito. Ina-announce nila kung sino sino yung mga baguhan, papupuntahin sa stage at magpapakilala, sasabihin nila yung mga wishes nila kung meron man at sa abot ng makakaya ng Xavier ay tutuparin 'yon.
I didn't know such a party exist.
Wala akong nakitang ganito sa Quezon. Gusto kong makinig sa ibang sinasabi nila kaso ay hindi ako gaanong bihasa sa Bisaya.
"Well served, ladies!" sigaw ni Pierce dala dala ang tray ng makakain namin.
"You're so loud, Pierce!" reklamo ni Jiyon.
Masyadong maingay dito sa loob. Kahit sumigaw ka ay hindi masyadong maririnig. Pero kaming nasa iisang table ay nagkakarinigan kami.
Imbes na masindak ay nginisian lang siya ni Pierce, "And you're so ugly, Jiyon."
Nanlaki ang mata ni Jiyon. Inambahan niya ng suntok si Pierce na tawa lang din ang isinukli ni Pierce sa kaniya.
"That guy's getting on my nerves!" mahinang bulong niya habang matalim na nakatingin kay Pierce.
Limang tao lang ang pwede sa isang table. Bale ako, si Andrea, Jiyon, Pierce, at Ali ang nakaupo sa iisang table. Kaming tatlong babae ang magkakatabi.
Pinagmasdan ko si Jiyon. Pierce is just lying. Maganda si Jiyon, she's also stunning because of her floral gown. Naka-messy bun ang buhok niya, only if she would just remove her pink eyeglasses...
"Don't believe him, Jiyon. Maganda ka naman eh," ngiting saad ko.
"Nakakainggit talaga 'yang beauty mo. Pwedeng pahingi?" pinagkuskos niya ang dalawang palad at nagpapacute pa sa akin.
Mahina akong natawa na siyang ikinanguso niya.
"Seriously, Jiyon. Maganda ka talaga. Hindi ako nagbibiro," Maganda talaga siya.
"Giziel, let's eat na. Para mabawasan yung nerbyos mo," kulbit ni Andrea sa akin.
"Okay. Thank you," ikling sagot ko bago nag-umpisang kumain. Gano'n na rin ang ginawa ng iba.
"The most exciting part is now here!" sigaw ng emcee habang kumakain kami.
Nagtilian ang ibang kakabaihan. Batid kong taga Xavier ang mga 'yon. Nagkatinginan kaming nasa iisang table, naguguluhan kung anong ibig sabihin ng nasa harap.
"Let's welcome the thirty-eight heartthrobs in the University of Xavier Cagayan de Oro!"
Lumakas ang nakakabinging tilian ng mga estudyante.
"Are you ready?!" sigaw ng emcee at tinapat sa mga manonood ang hawak na mikropono.
"YES!" sigaw ng lahat.
Pati na rin ang iba kong kaklase na babae ay nakisabay. Maliban sa amin ni Jiyon na nanatiling nakikinig at naghihintay.
"Be ready to fall in love from these men! 3! 2! 1! Show up, men in masks!"
Tumapat ang nakakasilaw na liwanag sa entrance. Doon nagsilabasan ang mahigit tatlumpong kalalakihan. Lahat sila nakamask at parang artistang nag-lalakad papuntang stage.
YOU ARE READING
The Man I Can't Reach (COMPLETED)
Roman d'amourThe love story of the two senior high students who fell in love with each other at an unexpected and wrong time.