Chapter 10

83 4 0
                                    

Hindi mapakali. 'Yon ang nararamdaman ko ngayon. Iniisip ko ang nangyari kanina. Nabubuhayan ako ng takot habang pumapasok sa isip ko ang mga pangyayari kanina. Mag-isa lang ako ngayon sa apartment. 'Di na ako magtataka na baka ma-trauma ako sa mga nangyari. Pero sa tuwing naiisip ko si Travin ay parang nawawala lahat. There's a little smile formed in my lips whenever I remember him saving me. I'm bad at names but I'll plant his name in my mind.

Right, Giziel. Never forget the name of the guy who saved you twice.

And now, Jared interfere in my mind. Simula nung una ay nakilala ko na siya. Nakausap, nakakulitan, at nagtawanan kaming dalawa. Yung normal na pakikitungo. Walang halong banat, walang emosyonal na pagtingin, yung tipong normal na magkaibigan lang. Kung ako ang tatanungin, mas gugustuhin kong maging normal ulit ang pakikitungo namin sa isa't isa.

Si Faye naman ang naisip ko. This whole day, hindi ko na siya nakausap. Baka nagtatampo na 'yon sa 'kin ngayon. I'm her best friend but the way I act, it's like I am not. Sakto yung pag-iisip ko sa kaniya dahil bigla na lang tumunog yung cell phone ko.

Si Alfaye Russel.

"Hello?" bungad ko.

Pumikit ako ng mariin at hinintay na sermunan niya ako. Nagtatampo o 'di kaya'y nagagalit 'to kapag hindi ko nakakausap buong araw. I waited for her sermon but it didn't came. Rather, I heard her sniffs.

"Faye, okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ko. She's crying.

"G-G-Giziel..." she's crying so hard. "I...I...someone to talk to," she stuttered.

Tinignan ko ang oras. Around 7 pm. Baka abutan ako ng curfew nito. Bahala na nga. Ang importante, mapuntahan ko si Faye. She badly needs someone to talk to. Sinuot ko ang jacket, pati na rin ang wallet ay dinala ko, pagkatapos ay lumabas na kaagad. Faye didn't hang up so I'm still in touch with her.

"Nasa'n ka ba?" tanong ko habang lumilinga-linga sa paligid. Nag-aabang ng masasakyan although hindi ko naman alam kung saan ako pupunta, kung saan ko pupuntahan si Faye.

"Sa Glaizede Bar."

Nanlaki ang mata ko, "Ano?!"

"Please... Come here..." nahihirapan niyang sabi.

I closed my eyes due to frustration. Bakit niya naisipang pumunta sa bar? Gano'n ba kalaki ang problema niya? I want to scold her but I'm more concerned to her situation. I'm her best friend. Dapat sinabi niya ang problema sa 'kin.

You're also at fault, Giziel! Remember? Never nga kayong nagkausap ngayong araw tapos paano magsasabi?

"Hindi ko alam asan 'yan," bago pa ako sa lugar na 'to. Malamang hindi ko alam kung saan ako pupunta.

"P-Putangers ka," mura niya.

Nahihirapan na ngang magsalita, nakuha pang magmura. Astig din ng babaeng 'to. Halos mapatalon ako nang may marinig na kumalampag sa kabilang linya. Pagkatapos no'n ay binabaan na ako ni Faye.

"Faye!" I shouted but no use.

Inis akong napatadyak. I'm very worried about her. Gusto ko siyang puntahan, pero paano? Hindi ko alam saan ako pupunta. Tanga mo, Giziel! Dapat nung una palang kinabisado ko na ang lugar na 'to. How can I go to Glaizede Bar?

"Taxi..." I whispered. I slapped my face. Bakit ngayon ka lang pumasok sa isip ko, Taxi?

Kanina pa ako naghihintay pero walang taxi. May dumadaan naman pero lahat may pasahero na. Malapit na ring mag-alas otso. Sinubukan kong tawagan si Faye ulit pero out of coverage na raw. Sobra akong nag-aalala. Nasa bar pa naman 'yon. Maraming manyakis sa bar, baka may mangyaring masama sa kaniya.

The Man I Can't Reach (COMPLETED)Where stories live. Discover now