Chapter 22

63 4 0
                                    

"Bakit kayo magkasama rito ha? Aber?" Mataray na tanong ni Faye. Nanliliksik ang mata niya sa akin pati na rin kay Travin.

"I'm just having my snacks here..." balewalang sagot ni Travin. Kumakain pa rin ng chips at umiinom ng soft drink. Parang wala lang 'yon sa kaniya.

"Giziel?" mataray na tawag ni Faye sa akin.

Hindi ko siya tiningnan, sa halip ay kung saan saan ko nililibot ang paningin ko para lang hindi masalubong ang tingin niya.

"Come on, Giziel. Wala naman akong ginagawang masama rito ah. I just came here to eat and drink," singhal ni Travin.

Pinanliitan ko siya ng mata at palihim na tinadyakan ang paa niya sa ilalim ng mesa. Hindi 'yon malakas dahilan para wala akong marinig na reklamo sa kaniya.

"Wow ha. Ang cool mong lalaki ka ha," sarkasmo ang boses ni Faye.

Pansin kong napangisi si Travin doon, "Thank you ha. Another compliment coming from a Lourdes student."

"Compliment? Are you kidding me? Duh. Insulto 'yon 'no!" iritadong sagot ni Faye. Kung 'di ako nagkakamali, baka nakailang irap na 'to ngayon.

Nawala ang pakikinig ko sa kanilang dalawa nang sumulpot sa tabi ko si Andrea. Nilapag niya sa table ang basong walang laman.

"Is he awake already?" kabadong tanong ko. Hindi ako natatakot, kinakabahan lang dahil ako ang dahilan kung bakit siya nahimatay.

Napabuntong hininga si Andrea, "Yeah. I told him to go out but he didn't listen to me. Kailangan niya pa raw i-digest ang nakita kanina."

Sinulyapan ako ni Andrea na may makahulugang tingin at ngiti. Napaiwas ako kaagad ng tingin, baka mapansin 'yon ni Faye at iba ang intindihin. Sa pag-iwas ko ay siya ring pagkasalubong ng tingin namin ni Travin. Seryoso siya nang magtama ang paningin namin pero agad ding napalitan ng ngiwi 'yon.

"He's a gay. Tsk. What a gay," iiling iling niyang tugon kaya nakatanggap siya ng batok kay Andrea.

"Ikaw Travin, magtigil ka nga diyan. Nahimatay nga yung tao sasabihan pa ng bakla," sumbat sa kaniya ni Andrea.

Hindi ko na kinailangang ipakilala sa kanila si Travin dahil kilala naman na. Kasali kaya siya sa heart-throbs sa Xavier, isabay mo pang president siya ng Senior High. Yung tatlo naman ay pinakilala ko kanina kay Travin. Nasabi rin nitong tatlo kung bakit sila magkakasamang nagpunta rito. Nagkataon lang daw na nagkasalubong silang tatlo sa gate namin kaya si Faye na ang naglead sa kanila papunta rito.

"Why did you do that?" inis niyang tanong kay Andrea habang nakahawak sa batok niya. "Close ba tayo ha? And I don't care if I call him gay. Tama naman eh. Nakita lang kami sa ganoong posisyon, nahimatay na."

Pakiramdam ko ay pinamulahan ako ng marinig 'yon. He's a guy. Malamang simple lang sa kaniya 'yon at walang wala 'yon sa kaniya.

Parang sa akin lang big deal.

"He's here," bulong ni Faye habang nakatingin sa likod ko.

"Tsk," rinig kong singhal ni Travin.

Unti unti akong lumingon sa likod hanggang sa maaninag ang pamilyar niyang mukha. He looks so pale while walking towards my direction. Sobrang busangot ng mukha niya at parang anumang oras ay iiyak na. Nang magtama ang paningin namin ay dahan dahan siyang lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"Giziel! Waaah! Why did you do this to me? I told you that I like you but why are you with him? Are you mad at me because I didn't give you any gifts again? What gift do you want the most, Giziel? I can give it to you, just please, leave him alone," he cried like a baby.

The Man I Can't Reach (COMPLETED)Where stories live. Discover now