Chapter 29

52 5 0
                                    


Sa mga nag-daang araw ay halos hindi na mag-kasya kasya ang oras namin dahil sa paparating na midterm. Kung nung una ay may oras pa kami para magkantyawan, ngayon ay wala na. Kung magkakausap man kami ay simpleng usapan at kamustahan lang.

"Bukas na pala ah," John seems exhausted. Sabay sabay kaming napabuntong hininga at nagkatinginan.

"Oo nga e," problemadong ani ni Pierce. Sabagay, nag-aaral din siya pero nahihirapan lang siya sa Pre Calculus namin, pati ako.

"Have you heard the announcement?" Utas ni Andrea. Hindi siya nakatingin sa'min, busy'ng busy sa librong binabasa niya. Hula ko ay Practical Research 'yon.

"Anong announcement?" Nagtatakang tanong ni Jiyon. Nagtataka rin ako kung anong announcement 'yon. Wala kasi akong narinig nitong nakaraang linggo.

"Exchange students. They will choose senior high exchange students again. Sa Australia ipapadala," sagot ni Andrea, kalmadong kalmado.

Napanguso ako, "Talaga? Bakit sa Australia? At saka kailan daw?"

She shifted her gaze to us. "Suking suki kasi ng may ari ng Lourdes ang president ng Australia Institute College Inc. Matagal pa naman. After ng finals natin."

Napanganga ako, "What? Parang ang aga naman." Reklamo ko kaya nakatanggap ako ng batok mula kay John.

"Reklamadora ka? Feeling mo mapipili ka?" Pagtataray niya sa'kin. Sinamaan ko siya ng tingin at napanguso ulit.

Nag-usap usap pa sila tungkol do'n sa exchange students daw. Hindi na ako nakinig. Nag-review na lang ako para maka-cope up sa Pre Calculus at General Math 1 namin. Kahinaan ko pa naman ang pamilya ng numero.

Dumating na nga ang midterm. Natapos kaming mag-take ng exam. Pinagdadasal ko na lang na sana ay makapasa ako sa pamilya ng numero. Kahit do'n lang, sigurado naman ako na papasa ako sa ibang subjects. Nag-aral talaga ako ng todo.

Nitong nakaraang linggo ay hindi ko na nakita o nakausap man lang si Faye at Jared. I can see Faye here in Lourdes, but not Jared.

Bumalik na rin ulit sa normal. Sobrang ingay ng section namin na pinangungunahan ng grupo nina Pierce. Kasalukuyang nag-aattendance ngayon si ma'am Luteria. Complete attendance kami, as always, maliban na lang sa isa naming kaklase. Nagtataka ako dahil hindi na nagrereklamo 'yung ibang teachers namin dahil sa pagkawala niya. I mean, hindi nila tinatanong kung bakit hindi na pumapasok si Jared. The last time I saw him was on his birthday. Napabuntong hininga ako.

"Ma'am, nasa'n po ba si Jared? Tatlong linggo na po siyang hindi pumapasok." Mabuti at naglakas nang loob si Pierce na magtanong.

Ma'am stared at us with disbelief, "Hindi niyo ba alam? He transferred to Xavier University."

My eyes grew larger. Bakit? Bakit siya nag-transfer sa Xavier University? Dahil ba 'yon sa 'kin? Is that his way of avoiding me? Gano'n ba niya ako kaayaw makita na kinailangan niya pang magtransfer sa ibang school? Is it my fault?

Obviously, it's my fault.

"Akala ko ay nasabi na niya sa inyo. Akala ko rin ay alam mo na?" Sinulyapan ako ni ma'am. Napalunok ako. How would I know kung iniiwasan namin ang isa't isa? "Well, just call him to know his reasons. Hindi niya sinabi sa amin kung bakit siya nag-transfer. Class dismiss," kibit balikat niyang dagdag bago kami iniwan sa room na nakanganga.

That day, my classmates keep asking me kung may alam ako dahil ako raw ang close ni Jared. Nag-karoon man daw kami ng away, mag-sasabi pa rin si Jared kung bakit siya nag-transfer. Hindi ko sila sinasagot at pilit na ngiti lang ang pinapakita ko. Ako ang rason kung bakit siya umalis ng Lourdes. After his birthday, he didn't show up anymore. Kahit sino sa amin, hindi siya nagpakita.

The Man I Can't Reach (COMPLETED)Where stories live. Discover now