Hindi pa rin ako makapaniwala habang nakatingin kay Roi. Ang sabi niya ay Roi na ang itawag ko sa kaniya. Mas maikli kasi 'yon. Nakakailang din sa parte ko kung 'Truth' ang itatawag ko. I really find it awkward.
Kamakailan lang gustong gusto ko nang mahanap kung sino ang nagbibigay sa 'kin ng regalo. Ngayong kaharap ko na ay wala akong masabi. Maliban sa gwapo rin siyang nilalang katulad ni Jared at Travin, wala rin akong alam na iba pang sasabihin.
"I'm happy to see that you're wearing that necklace," aniya habang wala ang tingin sa 'kin.
Sinamahan niya akong maglakad papuntang apartment. Noong una tumanggi ako, nakakahiya naman kasi. Wala ngang naghatid sa 'kin na kotse pero may sumasabay naman sa 'king maglakad. Hindi ko na siya natanggihan, liban sa puro katotohanan ang sinasabi niya, masyado rin siyang makulit. Ang hirap tanggihan.
"Hindi naman pwedeng basta ko nalang ilagay do'n. Pero salamat nga pala. It's such a beautiful necklace," komento ko habang hinahawakan ang kwintas.
Mayabang niyang pinarinig ang tawa sa 'kin, "Of course! It's really beautiful 'coz I bought it in Singapore."
Natigil ako sa paglalakad, 'di makapaniwalang napatitig sa likod niya.
"Are you serious?"
"Do I look like I'm joking?" he asked back in a very sarcastic way and turned around to look at me.
"Bakit ka pa nag-effort na bumili ng kwintas do'n?"
"I want it unique," he plastered a killer smile. "For the girl I like."
Pakiramdam ko ang pula nang mukha ko. 'Di na ako umimik at nagpatiuna sa paglalakad. Nako! Pareho sila ni Jared, mahilig bumanat. Speaking of Jared, kumusta na kaya siya? Kumusta na rin kaya si Faye?
"Hey, hey! Wait for me. I got something to ask you. Earlier, when I'm following you, seems like you have a big problem. Mind if I ask what is that?"
Malapit na lang talaga. Man-nose bleed na talaga ako sa lalaking 'to. Puro english. Naloloka na talaga ako.
I frowned, "Ang dami, Roi. Sobrang dami."
"Seems so. Can you share it with me?"
Napalingon ako sa kaniya. Natawa ako ng mahina dahil sa ginagawa niya, nagpu-puppy eyes siya sa 'kin. Muntik ko ng makurot ang pisngi niya pero pinigilan ko.
Pero, sasabihin ko ba? Sabi kasi nila, mas maganda raw magkwento sa strangers. Ang dami kong gustong ikwento kung sakali man pero alam kong hindi ako gano'ng tao. Hindi ko nga nagawang magkwento kay Faye, sa admirer pa kaya.
"Wala kasi akong gown," Tama Giziel! Isa 'yan sa mga problema mo. Wala kang gown. "And, I don't want to attend those parties," parties are not my style.
"If you don't mind, I can buy you one."
"I don't need that," walang ganang sagot ko at nagbaba ng tingin. Napatingala rin ako ulit nang maalala ang mga katanungan ko. "Nga pala, sa 'yo ba galing yung bracelet? Those flowers? Sa 'yo rin ba?"
Gumuhit ang napakalaking ngiti sa labi niya at sunod sunod na tumango, "Yeah. It's from me."
Nag-salubong ang kilay ko. Sa kaniya pala galing 'yon. Now I know but I'm not really sure about the middlemist red flowers. Sa Xavier siya nag-aaral at mahirap maghanap ng gano'ng bulaklak. Sa pananatili ko rito, sa Lourdes ko lang nakita ang bulaklak na 'yon.
Wow! Feeling ka, Giziel! 'Di mo pa nalilibot ang buong Cagayan de Oro!
"Ah, thanks for that. Mahirap hanapin ang gano'ng bulaklak. Where did you get those?" naghintay ako ng isasagot niya. Naisipan ko ring itanong 'to dahil dadagdag sa problema ko pag hindi ko nakuha ang sagot.
YOU ARE READING
The Man I Can't Reach (COMPLETED)
RomanceThe love story of the two senior high students who fell in love with each other at an unexpected and wrong time.