Chapter 27

64 6 0
                                    


"Are you okay?" Hinawakan ni Andrea ang nanginginig kong kamay.

"I don't know," tanging naisagot ko kay Andrea nang hindi nakatingin sa kaniya. Nanatili ang paningin ko sa harapan. Nandoon si Faye at Jared na nag-uusap. Seryoso ang mukha ngunit 'di kayang itago ng mga mata nila ang lungkot do'n.

"Don't worry, Giziel. After this, everything will be fine," sabat ni John.

"Oo nga. Magsisimula rin ang party pagdating ni Mr. Vulgare," ani ni Pierce sabay sulyap sa harap.

"Mr. Vulgare?" Kinakabahang tanong ko.

"Yep. Travin's father," si John ang sumagot. Kinabahan ako bigla nang marinig 'yon.

Naramdaman ko ang paghawak ni Jiyon sa balikat ko. "Everything will be back to normal," nakangiting saad niya.

Peke akong napangiti. Akala nila ay babalik sa normal ang lahat 'pag narinig nila ang totoo pero nagkakamali sila. Sa mata ng lahat, babalik sa normal. Ngunit sa aming damdamin, hindi na 'yon babalik sa normal.

Napatingin akong muli sa harap. Namataan ko si Jared na nakaupo at tulala. Sa tabi niya ay si Faye na nakatingin lang kay Jared. Namumuo ang luha sa mga mata ko. Bago pa 'yon bumagsak ay tumayo na ako. Napatingin sa akin ang apat na kasama ko sa table.

"Saan ka pupunta?" takang tanong ni John.

Pilit akong ngumiti at kinuha 'yung pouch ko, "Restroom lang ako." Sagot ko saka dali daling iniwan sila doon.

Hindi ko alam saan papunta 'yung restroom. Mabuti at nakasalubong ako ng waiter at nasabi niya sa akin kung nasaan. Lahat ng dinadaanan kong estudyante sa Lourdes ay binabato ako ng masasamang tingin.

Truth is, gusto ko lang pumunta sa restroom para pakalmahin 'yung sarili ko. Ayaw kong umiyak sa harap ng maraming tao. Sobrang bigat ng nararamdaman ko. Naiipit na ako.

Bago ko pa marating ang restroom ay may biglang humila sa akin papunta sa isang madilim na kwarto. Hindi ito gaanong madilim dahil sa ilaw na nanggagaling sa buwan. Napatitig ako sa lalaking humila sa akin. Wala pa itong nasasabi ngunit nagbabadya na ang luha sa mga mata ko.

"Are you okay?"

Nagsibagsakan ang mga luha ko nang marinig ang nag-aalala niyang boses. Hindi ko na napigilan ang sarili kong mapayakap sa kaniya. Sa mga sandaling ito, hindi ko kailangang mapag-isa kung may tao namang kaya akong damahan. Mahigpit ang pagyakap ko sa leeg niya. Marahan niyang hinagod ang buhok ko at mas lalo pang hinigpitan ang yakap sa akin. Tahimik lang ang akong humikbi.

"Why do you keep showing up to me?" Naluluhang tanong ko.

Para siyang isang anghel na pinadala sa akin. Sa tuwing kailangan ko ng masasandalan, susulpot siya.

"I'm your knight in shining armor. I promised that I will save you no matter what," aniya sa malambing na boses.

Masaya akong nandito siya palagi sa tabi ko. Ngunit sa kabila ng kasiyahang iyon ay nasasaktan ako. Hindi ko man aminin sa lahat, pero hindi ko na kayang pigilan 'tong nararamdaman ko kahit masakit. I'm falling deeply into pain.

"Bakit mo ba ginagawa sa akin 'to?" Ilang beses kong tinanong ito sa kaniya ngunit pare-pareho ang binibigay niyang sagot, na mabait lang siya at hindi demonyo.

"I don't want to confuse you. It's better if you won't know about it."

"You're confusing me already, Travin. I need answers too."

"I don't want to confuse you even more," he said before hugging me tightly.

I don't know if he can hear my loud heartbeats but I can hear his. Nang medjo kumalma ako ay kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya. Pupunasan ko na sana ang pisngi ko gamit ang kamay ko ay mabilis pa sa alas kwatrong hinuli niya 'yon.

The Man I Can't Reach (COMPLETED)Where stories live. Discover now