"C-Cassidy?" Balot na balot ako ng gulat habang nakatingin sa kaniya. She's smirking and looking at me with those evil eyes.
Nanlaki ang mata ko nang bigla siyang umaksyon na sasampalin ako. I have good reflexes. Mabuti at nahawakan ko kaagad ang kamay niya at naitulak siya.
"You whore!" Nagngingitnit sa galit niyang sigaw sa akin dahil naisahan ko siya sa gagawin niya.
"Ano gusto mong gawin ko? Hintayin 'yung kamay mo na tumama sa mukha ko?" Sarkastikong tanong ko na mas lalong naging dahilan para kumulo pa ang dugo niya sa 'kin.
To be honest, hindi ko intensyong magsalita ng ganito ang tono. Gusto ko sanang magsorry sa kaniya kapag nagkita na kami dahil may kasalanan din ako sa kaniya. That was what I'm thinking. Pero dahil sampal ang sinalubong niya sa 'kin, nawala na 'yung iniisip kong maganda para sa kaniya.
"Walanghiya ka talagang babae ka! Hanggang ngayon ahas ka pa rin, 'no?" She angrily pointed her finger on me.
Nangunot ang noo ko. Nakita niya ba kami ni Travin na magkasama sa island? And why is she acting like this? Sabi ni Travin, hindi naman daw sila kinasal. At wala ring 'sila'.
"Bulag ka ba? Sa ganda kong 'to, sa ahas mo pa ako ikokompara?" Ngumisi ako ng nakakaloko nang makita ang reaksyon niya.
Hindi ko gustong gawin 'to, pero mukhang gusto niyang makipagaway sa 'kin. The way she slapped me, that's a proof she wants to pick a fight with me. At hindi ako basta basta umaatras, lalo na pag nasampal na ako. Lintik lang ang walang ganti.
"Hindi ako nandito para makipagbiruan, Giziel..."
Tumaas ang kilay ko, "I know. Hindi naman biro 'yung pagsampal mo sa 'kin."
"You bitch murderer!" She shouted and started attacking me. Hindi ko siya napigilan dahil mabilis niyang hinila ang buhok ko.
"Cassidy, stop it!" Sigaw ko rin nang hindi siya pinapatulan. Hindi ako gano'n kaviolent na tao.
Nagaakala akong titigilan niya ang pagsabunot sa 'kin pero hindi siya tumigil. Kaya hindi na rin ako nakatiis at nasabunotan siya.
Sobra akong napapapikit dahil ang sakit ng paghila niya sa buhok ko. I tried pushing her away pero para siyang linta na nakadikit sa 'kin.
"Hinding hindi ako titigil hangga't hindi ko naibabalik sa 'yo lahat ng ginawa mo sa 'kin! You will pay for what you did!"
She shakes in anger even more. Mas lumalakas ang paghila niya sa buhok ko, sobrang sakit na. Kinalma ko muna 'yung sarili ko bago nagready at mabilis siyang sinipa sa tiyan ng medjo malakas para mabitawan niya ako. Hindi nagkamali ang sarili kong konklusyon, nabitawan niya ang buhok ko pero may mga hibla pa ring naiwan sa kamay niya.
I swear. My head is burning right now.
"Cassidy, kung may problema ka sa 'kin, mag-usap tayo! Hindi 'yung basta basta ka na lang nananampal!" Inis na inis kong sigaw sa kaniya. I am the victim here. Masaya lang akong naglalakad kanina tapos bigla na lang siyang nanampal.
"Marami at malaki 'yung problema ko sa 'yo! To be honest, kulang pa 'yung sampal ko. Do you want to know? Gustong gusto kong kitilin 'yung buhay mo ngayon. Iyon din naman 'yung bagay sa 'yo. Ang mauna na sa impyerno..."
Napapikit ako ng mariin. Hindi ko siya maintindihan! Ano bang kasalanan ko sa kaniya to the point na gustong gusto niya akong patayin?
"Look, Cassidy. I'm sorry for everything I did. I mean it. Kung may problema ka pa sa 'kin. Sabihin mo lang. Baka maayos pa natin 'yon." I softened my voice. Ayaw kong lumaki pa 'yung gulo.
YOU ARE READING
The Man I Can't Reach (COMPLETED)
RomansaThe love story of the two senior high students who fell in love with each other at an unexpected and wrong time.