Chapter 15

73 4 0
                                    

Laylay ang balikat kong tumayo at humilata sa kama. Tinatamad na ako sa lahat lahat. Wala akong makausap o makasama rito ngayon. Not like last week na nandito si Faye.

Speaking of Faye and Jared, mag-iisang linggo na simula nang iwasan nila ako. Kahit ilihim nila sa 'kin, alam kong may mali sa kanilang dalawa. Nasasaktan na ako sa paraan ng pag-trato nila sa 'kin. Habang inaalala ko pa naman ang sinabi ni Faye na,

"If I lose, you'll know everything."

Parang suntok 'yon sa puso ko. Nakakasakit lang na kailangan pang matalo siya sa laro, kung laro man 'yon, bago niya masabi sa 'kin ang lahat ng nangyayari. Kung sakaling mag-usap kami ang dami kong katanungan sa kaniya.

Like, bakit sila naghalikan ni Jared noong araw na 'yon? Anong meron sa kanilang dalawa? Bakit hindi nila sinabi sa akin kung may relasyon man sila?

I'm just worried to the both of them. Totoo, nag-aalala talaga ako sa kanilang dalawa. Nag-aalala ako sa mga nangyayari sa kanila.

Umalingawngaw ang malakas na tunog na nanggagaling sa cellphone ko. Wala akong ibang hinihintay na tawag kundi ang tawag nina mama. Gumaan ang pakiramdam ko nang makitang sila nga ang caller.

"Ma! Pa! Namiss ko kayo!" halata talaga sa boses ko ang sobrang pagka-miss sa kanilang dalawa.

"Kami rin, anak. Miss na miss ka na namin," sobrang ganda ng boses ni mama, nakakataba talaga ng puso.

"Nga pala, anak. Pasensya na dahil hindi kami nakatawag sa 'yo nitong nakaraang araw. Masyado lang kaming busy rito sa Quezon," si papa.

Noong huwebes palang ay hinihintay ko na ang tawag nila. Ngayong linggo lang sila nakatawag.

"Ayos lang po, pa. Yung laging bilin ko sa inyo. Wag kayong masyadong magpapakapagod diyan, kayo ni mama," hindi ako magsasawang ibilin 'yan sa kanila. Pareho silang tumawa ng mahina ni mama.

"Opo, mahal na prinsesa," nasabayan ko ang tawanan nilang dalawa.

"Sige muna, anak. Magluluto pa ang mama mo para sa hapunan namin. Mag-hapunan ka na rin, anak."

Hapunan?

Naagaw nang orasan ang paningin ko. Gano'n na lang ang gulat ko na mag-aalas syete na pala ng gabi. Dumungaw pa ako sa bintana para masigurong totoo talaga ang oras na 'yon. Ang dami pang bituin sa langit.

Napabuntong hininga ako ng malalim. Kanina lang ay tanghali. Gano'n na lang siguro ang kagustuhan ng tadhanang dumating na ang bukas.

"Sige po, pa. Eat well po kayo ni mama."

"Nako, anak. Wag mo kaming english-in dito. Oh siya, sige na. Tatawag lang kami mamaya. Ba-bye," hindi na ako nakasagot dahil biglang binaba ni mama 'yon.

Malalim ang ginawa kong pag-buntong hininga. 'Di ko pa nasasabi sa kanila ang tungkol sa gown na kailangan. Wala rin silang kaide-ideya tungkol sa mga party.

Bukas na ang Welcome Party sa Xavier kung saan imbitado kaming mga estudyante ni ma'am Katarina. Nag-aalala ako dahil wala pa akong gown. May oras ako bukas ng umaga para maghanap pa ng masusuot, natatakot lang ako na baka wala akong mahanap.

Naghanda na ako ng hapunan. Ayaw kong gutumin ang sarili ko nang dahil lang sa gown na 'yon. Nag-prito ako ng isang itlog, panghapunan ko. 'Di ako gaanong malakas kumain kaya mabilis lang akong nakatapos.

Hinintay ko kaagad ang tawag nina mama. Sasabihin ko na talaga 'to sa kanila. Napakasama ko naman kung pati ito ay ililihim ko sa kanila. Malay ko rin may kakilala pala sila rito na pwedeng makatulong sa akin. Ilang minuto lang ang hinintay ko bago tumunog ang cell phone. Hudyat na dumating na ang tawag ng mga magulang ko.

The Man I Can't Reach (COMPLETED)Where stories live. Discover now