Paulit ulit na nagreplay sa utak ko ang sinabi ni Jared habang nakatingin sa kaniya. I gulped. Naramdaman ko naman ang pagsiko sa 'kin ni Pierce pero hindi ko muna siya nilingon. Mas natutok ang atensyon ko kay Jared.
"Why are you acting like that?" pabulong kong tanong ngunit sapat na 'yon para marinig niya.
Pati na rin ang iba naming kaklase ay nakatingin sa 'min ngayon. Baka si ma'am Adams din kaso 'di ko makita dahil nakaharang si Jared.
"Jared?" I called his name but he just looked away.
Hindi na lang siya nagsalita at tahimik na tumabi sa akin.
"Nah. Don't mind me, Giziel. Okay lang ako," nakangiti gayong malungkot niyang sabi.
Nang masabi niya 'yan ay umub-ob naman siya sa mesa. Gusto kong suwayin ang ginawa niya dahil mukhang wala siyang planong makinig, pero hindi ito ang tamang oras. Malaki rin siguro ang problema niya. Sa paraan pa lang ng pagtitig, pagsasalita, at paggalaw niya ay halatang may mabigat na dinadamdam.
Pareho sila ni Faye.
Mabigat din sa kaloob looban ko na hindi ko alam kung anong pinagdadaanan nilang dalawa. It really hurts to think that you don't know the pain of those people who are taking care of you second by second.
"Listen, Giziel. Baka mamaya magtanong si ma'am Adams," nag-angat siya ng tingin sa 'kin.
Hindi ko pa rin iniwas ang tingin kahit alam kong kanina pa ako nakatitig sa kaniya.
"Don't stare at me for too long, Giziel. Or else, I'll stare at you too, without even looking at the others," full of emotion, he added.
I heaved a sigh before looking at the front and listen to our discussion.
Beside that, while ma'am Adams is discussing, I'm stealing a glance to Jared. Kailangan ko siyang makausap mamayang makalabas kami. I need to at least comfort them. Kapag nakikita ko si Jared, feeling ko ang bigat din sa pakiramdam. Gano'n na rin ang nararamdaman ko kay Faye. Pero 'di ko ipagkakaila na sa kabila no'n ay nababagabag pa rin ako dahil sa nakita ko kanina. That's not my first time seeing a kiss. Ang tanong ko lang, ano pa ang pwede kong malaman?
What do I need to know?
Alam kong nagiging chismosa na ako dahil 'yon na ang nagiging tingin ko ngayon sa sarili ko. Gusto ko lang malaman kung anong namamagitan sa kanila. Matagal ng crush ni Faye si Jared, alam ko 'yon dahil kinuwento niya pa sa 'kin. Magiging masaya ako kung sakaling magiging mutual ang damdamin nilang dalawa. Ang sa akin lang, ba't nila nilihim 'yon sa 'kin? I'm the type of person who knows how to keep secrets. I just don't get it.
"Hoy! One whole sheet of paper daw!" mahinang sigaw ni Pierce sa tainga ko.
Pinandilatan ko siya ng mata, nagpeace sign lang siya sa 'kin. Kumuha ako ng tatlong white pad sa bag. Para kay Jared, Pierce, at sa 'kin. Binigay ko muna yung isa kay Pierce bago lumingon kay Jared. Pero nagulat na lang ako dahil wala na siya sa tabi ko.
"Nasaan si Jared?" tanong ko kay Pierce.
He shrugged his shoulders before writing something to his paper. Nilapag ko nalang 'yon sa table niya.
What's happening to him?
Natapos ang quiz namin na hindi pa rin bumabalik si Jared. Mas lalong nadagdagan ang bigat ng pakiramdam ko. Pati grado niya ay naapektuhan sa problema niya. Kung kaya niya lang magsabi sa 'kin, pwede akong magbigay ng advice para medjo mabawasan ang problema niya.
Nang makalabas si ma'am Adams ay pumasok na si sir Constello, Filipino namin. Tulad ng kanina ay tulala pa rin ako habang nagd-discuss siya. Buti nalang hindi siya nagtanong tanong, paniguradong wala na akong maisasagot kung nangyari 'yon. Hindi ko na alam anong nangyayari. Wala pa rin si Jared hanggang ngayong malapit na ang uwian. 'Di ko maiwasang mapatingin sa upuan niyang bakante.
YOU ARE READING
The Man I Can't Reach (COMPLETED)
RomansaThe love story of the two senior high students who fell in love with each other at an unexpected and wrong time.