Masama ang tingin ko sa aking katabi ngayon. Si Travin ang nasa kaliwa ko samantalang si Andrea naman ang nasa kanan ko. Abala siya sa pakikipag-usap sa mga kasamahan namin sa table. Kanina pa nagsimula ang event at hindi ko inaasahan na susulpot talaga siya. Nang mapansin niya siguro ang paninitig ko ay agad siyang napalingon sa akin.
"Why are you looking at me like that?" taas kilay niyang tanong.
Umarko na rin ang kilay ko. "Bakit ka nandito?" mataray na tanong ko pabalik.
Umawang ang gilid ng labi niya at napakunot noo, "As far as I can remember, you invited me here."
"Oo nga pero tinanggihan mo naman."
"So, you want me to leave?" he asked. I arched my brows. "Hell no. Sayang yung excuse letter ko. Mahaba pa 'yon."
Bibig ko naman ang ngumanganga sa sinabi niya, "What? You mean, may pasok ka ngayon?"
He silently nodded his head. Agad ko siyang binatukan dahil parang wala lang sa kaniya na may pasok siya.
"Then leave. Baka ma-fail ka nang dahil sa 'kin," pumilit ko at tinulak tulak ang balikat niya.
"You're so grade conscious. Kung gusto mo akong paalisin, paano ka rin?"
Umiling ako at pilit na naman siyang tinulak, "Eh paano rin yung grades mo kung mags-stay ka rito? Grade conscious nga ako pero 'di kaya ng konsensya ko kung bumagsak ka."
He held my hands that keep pushing him. "It's okay. Malakas naman ako sa mga teachers namin eh," pagyayabang niya. Napangiwi ako at mahina siyang sinampal. "Ouch! What was that for?" He exclaimed.
Nagkibit balikat na lang ako at hindi siya pinansin. Pero ang loko ay kinulbit kulbit pa yung gown ko pero hindi ko siya pinansin kaya tumigil din siya sa pagkulbit ng gown ko. Nakahinga ako ng maluwag doon pero nagulat na lang ako ng sipain niya ako sa ilalim ng mesa.
Napabaling ako sa kaniya. "Ouch! What was that for?" inis kong tanong.
Seryoso siyang nakatingin sa akin bago umirap. Napairap na rin ako. Ano 'to? Revenge?
Napailing na lang ako, tumingin ako sa stage kung saan may grupo ng kalalakihan na sumasayaw. Hiphop dance. Pinanood ko lang 'yon hanggang matapos. Sumunod namang nag-perform ay isang banda. Kung 'di ako nagkakamali ay tinawag silang 'Zeravigne's Carol'. Sila raw ang sikat na banda rito sa Lourdes College. Pansin ko ring malakas sila sa mga estudyante. Tinawag pa lang ang pangalan nila ay todo hiyawan na. Sabagay ay magaganda rin ang mga boses nila at pare-parehas silang mga guwapo at astig.
"It's boring here," rinig kong bulong ng katabi ko.
Napaismid ako. "You can go if you want," pabalik kong bulong ng wala ang tingin sa kaniya.
"Mamaya na. Hihintayin kong matapos para maisabay kita pauwi," he said with his soft voice.
Tango lang ang pinakita ko at hindi na muling umimik. Kaninang pumunta ako rito ay si Faye ang sumundo sa akin. May kasama rin siyang lalaki na hindi ko kilala pero ang sabi naman niya ay mag-pinsan lang sila. Ngayon ay hindi ko na alam saan nag-susuot ang babaeng 'yon. Hindi ko pa nasasabi sa kaniya ang tungkol kay Jared. Sadyang ayaw ko munang pag-usapan kapag kaming dalawa lang ni Faye.
Nawala ako sa pag-iisip nang may kamay na pumatong sa kamay ko. Gulat kong nilingon si Travin.
"Travin, your hand..." pagkuha ko sa atensyon niya. Seryoso siyang tumingin sa akin. "Paki-erase," dagdag ko.
Nagsalubong ang kilay niya pero bumalik rin sa pagiging seryoso. Napalunok siya ng ilang beses at hinigpitan ang hawak sa kamay ko.
"Travin..." asik ko at pilit inaalis ang kamay niya sa akin. Mas lalo lamang humigpit 'yon.
YOU ARE READING
The Man I Can't Reach (COMPLETED)
Roman d'amourThe love story of the two senior high students who fell in love with each other at an unexpected and wrong time.