"Aray! Get off that filthy hand of yours!" I shouted while kicking his feet under the table.
"Aba? 'Yang bibig mo, nagiimprove na ah," sarkasmong tugon niya at mas lalong piningot ang ilong ko. Nakakarami na 'to ah!
"I swear on the bitches in the earth, I'll kick your ass if you don't erase your hand on my gorgeous nose!" I shouted again but he just pinched my nose tightly.
"Travin!" Sigaw ko saka siya sinipa ng sobrang lakas sa tuhod.
Napabitaw siya at tatawa tawang nakatingin sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin hanggang sa unti unting humina ang pagtawa niya. His face went serious and stared at me showing his dark eyes. Ayon na naman ang pag-iwas ko ng tingin at sunod sunod na paglunok.
It's been one month and I'm still like this when he's so serious.
"What happened to your mouth?" he asked in disbelief.
I quickly shifted my gaze to him. "Why? What happened? May dumi ba ako?" Dire-diretsong tanong ko. Mahina lang siyang umiling.
"Nah. Where did you learn those words? Hindi ka naman gano'n no'ng una ah."
"Blame yourself. Lagi mo 'kong inaasar kaya 'yan napapala mo," mataray kong sagot.
Siya talaga ang may kasalanan kung bakit ganito ako. Lagi niya akong inaasar kaya tinatarayan ko rin siya. Pero sa kaniya lang naman ako ganito.
"Or is it because of what happened between you and Jared?" paniniguro niya.
Marahas akong umiling. "It's not. Isang buwan na kaming hindi nagpapansinan pero sanay na ako do'n. Ginusto ko e," I'm guilty. Aaminin kong nasaktan ko nang todo si Jared dahil sa desisyon ko.
"How about Faye? Did she talk to you?"
Sumimsim ako sa apple tea na nilibre sa akin ni Travin. Nasa Sanoria's Aqua Scoop kami ngayon. Sa loob ng isang buwan, marami na rin akong nalaman tungkol kay Travin. Napag-alaman ko rin na sa kanila pala itong SAS, sa parents niya. He's totally rich.
"Maayos na kami. Finally, medjo nagiging okay na yung takbo ng relasyon nila ni Jared," kibit balikat kong usal.
Nung nalaman ni Faye ang ginawa ko ay nagalit siya sa akin ng sobra. Minahal lang daw ako ni Jared pero sobrang sakit ng isinukli ko. Nagkaayos din kaming dalawa dahil humingi ako ng sorry sa kaniya. I told her that our friendship is worth saving than any of it. Mukhang nagkakamabutihan din sila ni Jared. Palagi silang magkasama tuwing nakikita o nakakasalubong ko sila.
"That's good to hear," Travin heaved a sigh and looked down on his watch. "Bilisan mo na diyan. May make up class ka pa. Hatid na kita."
Ngumiti lang ako saka madaling tinapos ang apple tea na iniinom ko. Sa loob ng isang buwan, I don't need to question Travin's action. Ganito lang talaga siya kapag close na kayo. He's treating you like a little sister. Palagi siyang nandiyan kapag kailangan ko nang tulong. He's like my knight in silver armor. Kapag tinatanong ko naman ang tungkol sa girlfriend niyang si Cassidy ay wala lang naman daw 'yon sa kaniya. He will say Cassidy's name with a big smile on his face and Cassidy is not really the jealous type.
How envious.
Hinatid niya nga ako sa school. Nagtataka man ang mga estudyante pero hindi ko 'yon pinansin. Simula kasi nang mag-iwasan kami ni Jared ay kumalat ang issue na break na kami kahit ang totoo ay wala naman talagang naging kami umpisa pa lang. Jared is just really a friend to me. Gano'n lang 'yon.
Ganito lagi 'yung senaryo sa pananatili ko rito. School, bahay, 'di papansinin si Jared, at laging nasusuka sa mukha ni Travin.
"Guys, pass your assignment to me. Ako na ang magpapasa kay sir Gomez," anunsyo ni John.
YOU ARE READING
The Man I Can't Reach (COMPLETED)
RomanceThe love story of the two senior high students who fell in love with each other at an unexpected and wrong time.