"H'wag mo 'kong pinagloloko, Travin. Anong ginagawa mo rito?" Seryosong tanong ko habang matamang nakatitig sa mga mata niya.Umawang ang labi niya at napakamot ng batok. Binuka niya ang kaniyang bibig para sumagot ngunit naunahan siya ni mama.
"O, iho. Ang sadya mo't naparito ka?" Tumayo si mama sa tabi ko, tiningnan ako. "Kaibigan mo ba ang guwapong binata na ito?" Tanong niya, sinulyapan si Travin.
Hindi ako nakasagot. Napasulyap din ako kay Travin na mukhang naguguluhan at nangangapa rin ng sasabihin. Agad akong pinalo ni mama nang makitang pareho ang ekspresyon namin ni Travin.
"Ikaw talagang bata ka! Bisita mo't hindi mo pinapasok?" Tumaas ang boses ni mama, naging dahilan para si papa naman ang sumulpot sa tabi ko.
"Iho! Magandang umaga sa'yo! Kaibigan ka ba ni Giziel?" Bakas ang kasiyahan sa boses ni papa. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi at napapikit ng mariin.
Anong gagawin ko? Bakit ba biglaang sumusulpot itong si Travin?
"Halika, iho. Sakto dahil nag-aalmusal din kami. Sabayan mo na kami," imbita ni papa. Pinanlakihan ko siya ng mata pero hindi rin naman napansin.
"Oo nga, iho. Marami naman akong hinanda, tiyak ika'y mabubusog," ngayon ay si mama naman ang pinanlakihan ko ng mata pero dinedma lang ako.
"Ma! Pa!" Mabilis kong suway dahil hindi ko ibig ang nais nilang mangyari. Sinulyapan ko si Travin na awkward lang napapangiti. Sinamaan ako ng tingin ni mama at mabilis akong pinalo sa braso.
"Manahimik ka, Giziel Mae! Ang mga bisita ay dapat tratuhin ng maganda lalo na kung ito'y magandang nilalang!" Pagalit niyang sigaw. Hinawakan niya ang balikat ni Travin at siya na mismo ang humila rito papasok. Nakisunod din si papa na animo'y parang best friend si Travin kung umasta.
Diniinan ko ang pag-kagat sa aking labi at naluluhang tumingin sa kanila. Tantya ko'y babagsak na ang luha ko kapag matagal ang ginawa kong pag-mamasid kay Travin.
"Ma at pa naman e..." naiiyak kong bulong. Hindi ako sumunod sa kusina, dumiretso na lang ako sa aking kwarto. Bahala nang pag-isipan nila ako ng walang modo, gusto ko munang pakalmahin ang sarili ko. Halos mapapadyak ako sa inis nang makapasok ako. Hinayaan ko na lang ang pag-agos ng luha ko habang sumasagi sa isip kong nandito si Travin.
I don't think I can face him in this situation.
Nanatili ako rito sa kwarto ng ilang minuto. Hula ko'y kung ano-ano na ang pinag-uusapan nila ngayon. Maya maya rin ay kakatok si mama o di kaya'y si papa para sabihing i-entertain ko ang bisita ko. Hindi nga namali ang kalkula ko. Biglang kumatok si mama sa aking pintuan habang sumisigaw, halatang galit.
"Giziel Mae! H'wag kang mag-mukmok diyan! Lumabas ka rito at kausapin si Travin!"
Hindi ako kumibo. Humiga na lang ako at nag-tulog tulugan. Hindi ko sinusuway lahat ng utos ni mama pero ngayon, mukhang kailangan ko munang gawin 'yon. Puso ko ang nasa linya ngayon.
Pasensya na muna, mama.
"Giziel Mae! Buksan mo 'tong pintong bata ka!" Sigaw ulit ni mama. "Jusko! 'Pag hindi mo ito binuksan, ipapasira ko ang pintuan mo!"
Ipinikit ko ang aking mata at tinakpan ng unan ang tainga ko. I really don't want to go out, lalo na't nandiyan si Travin. Hindi ako aalis sa kamang ito hanggang nandiyan pa siya.
"H'wag niyo na po siyang pilitin, mama."
Nanlaki ang mata ko at gulat na bumangon. Nakaawang ang labi ko at salubong ang kilay na tumingin sa pintuan. Tama ba 'yong narinig ko? Mama? At teka, boses 'yon ni Travin. Bakit niya tinatawag na mama ang mama ko? Masyado na ba silang close? Imposible naman. Ilang minuto lang silang nag-usap, mama na agad? Jusko!
YOU ARE READING
The Man I Can't Reach (COMPLETED)
RomanceThe love story of the two senior high students who fell in love with each other at an unexpected and wrong time.