Sorry for the long wait and one hundred thank yous for your support! Love lots❤
--
"Oh my gulantangerang adobong palaka..." Jiyon is in a wide shock while looking at me.
Hindi ako makatingin ng diretso sa kanila dahil hindi mapakali ang isip ko. Nasa dulo lang si Andrea na minasmasdan ako habang may ngiti sa labi. Faye is also smirking at me. Wala ngayon si John, he's really trying to be a fine man kaya hindi na raw muna siya makikisalamuha sa aming mga babae.
"Kailan ba 'yang so-called duet niyo ng ex mo?"
Nanliit ang mata ko, "He's not my ex, Jiyon."
"Then what? Your Y?" She rolled her eyes on me.
Napairap din ako at padabog na umupo sa kama. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa totoo lang. E kung hindi naman kasi nag-announce ng duet 'yong professor namin, hindi 'to mangyayari. I can still escape this thing. I mean, okay lang naman sa akin 'yung duet, pero kung si Travin lang naman 'yung mapapartner ko, h'wag na lang.
"Music is fun, lalo na kung kaduet mo 'yung taong nanakit sa 'yo..."
Sinamaan ko ng tingin si Faye. She's crossing her legs while eating oranges.
"Gaga ka ba?"
"Walang gagang maganda, for your information..." ngumisi siya saka pinagpatuloy ang pagkain ng orange.
Napairap ako ulit. Talking to these girls is a headache. Itong si Faye at Jiyon, puro pa rin nonsense ang mga utak nila. Samantalang si Andrea, nakikinig lang dahil wala raw siyang idea tungkol sa mga ganito. Duh, as if I'll buy that joke.
"Saan ba kayo mag-ppractice 'kuno'?" Asked by Andrea.
Natiklop ko ang bibig. Hindi pa nila alam na rito kami magppractice ni Travin sa bahay. They will be furious for sure. Hanggang ngayon nga ay nagtatanim sila ng galit kay Travin dahil sa ginawa niya sa 'kin noong apat na taon. Aba, are they really? E para silang mga tutang nakangiti nung narinig nilang kami ni Travin ang partners.
"U-Uhm, go home for now..." pagtataboy ko sa kanila para hindi nila malaman.
"I-I want to be alone for now. Mag-iisip ako ng venue kung saan kami mag-ppractice..." dagdag ko lalo na nang makita ang tingin ni Jiyon sa akin. Looks like she already find out!
Hindi sila umangal nang itaboy ko sila pero bago pa sila makaalis ay may pahabol pang sinabi si Jiyon sa akin.
"I suggest you choose the song A Thousand Years. That performance will be epic 100 percent!"
Napailing ako sa kagagahan niya. Sinarado ko na 'yung pinto nang makaalis sila. Wala rito sina mama at papa ngayon. They visited Quezon City and they'll be back at night.
Kaya ako pumayag na dito na lang kami magpractice ni Travin dahil wala rito sina mama. If they freaking saw Travin with me, mabubugbog siya ni papa, panigurado. Travin's insiting too na sa bahay na lang nila kami magensayo pero hindi ako pumayag. His mother knows me, at ayaw kong sabihin niya sa 'kin ulit ang mga pinagsasabi niya noon.
Nangako ako sa sarili ko, hinding hindi ko muna kakausapin si Travin, kaya pagkatapos ng performance naming dalawa, gagawin ko na ang pangakong 'yon.
Ilang sandali pa akong naghintay bago dumating si Travin. Pinagbuksan ko siya kaagad saka sinarado 'yung pintuan.
"You look like in a hurry. May date ba kayo ng boyfriend mo pagkatapos nito?" He questioned nang makapasok.
Napataas ang kilay ko, "Ang bilis mo ring mag-conclude. My parents will be arriving later. Ayaw ko lang na makita ka nila rito...kasama ako."
Natahimik siya sa sinabi ko. Travin knows my parents dahil minsan na silang nagkaroon ng oras sa Quezon City. Tandang tanda ko noon na botong boto ang mga magulang ko kay Travin, pero noon lang 'yon, dahil ngayon ay hindi na.
YOU ARE READING
The Man I Can't Reach (COMPLETED)
RomanceThe love story of the two senior high students who fell in love with each other at an unexpected and wrong time.