"Be safe, babe. Just call me later."
My eyes grew bigger. Agad akong lumingon sa likod para matukoy kung sino ito ngunit huli na. We passed the crowd. Laylay ang balikat ko bago umayos ng upo. Mukhang hindi napansin ni Faye ang ginawa ko. Hindi na rin ako nagsalita. Sinabayan ang nakakabinging katahimikan sa 'ming dalawa. Binaling ko ang tingin kay Faye. Diretso lang ang tingin niya sa daan.
Sasabihin ko ba sa kaniya?
Umiling ako. Mukhang may malalim na iniisip si Faye. Isa pa, siguradong papagalitan niya ako dahil nilihim ko ito ng matagal sa kaniya. Nilihim ko ang nangyari sa akin no'ng gabing 'yon. Nilihim ko ang lalaking tumulong sa 'kin.
"Salamat," I plastered a smile on my lips. Nasa tapat na kami ng apartment. Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin.
"I'm sorry, Giziel. Sa susunod. Promise, sasamahan na kita," malungkot niyang saad.
Nga pala, gusto kong magpasama sa kaniyang maglibot dito para naman kahit papaano ay makakaya kong maglakad ng mag-isa dito. Hindi yung hanggang 7/11 at paaralan lang ako.
"It's okay. Mukhang importante yung lakad mo," hinawi ko ang hibla ng buhok na tumakip sa mata ko. "Sige na. Baka malate ka."
She moved her head up and down. Bumaba na rin ako at kinawayan siya, kumaway siya pabalik sa 'kin.
Pumasok ako sa loob at pabagsak na humiga sa kama. Hindi pa rin mawala ang mga katanungan sa isip ko hanggang ngayon.
Kailan ko kaya mahahanap ang mga kasagutan? No'ng araw na 'yon ay panay ang isip ko sa lalaking lumigtas sa 'kin at sa SA ko daw.
Panibagong araw na naman. Handang handa na ako ngayon. Maaga akong nagising, nag-almusal, at nag-ayos. Alas kwatro palang ay namulat na ang magaganda kong mga mata. Mabuti na lang at nag-cooperate ang katawan ko sa paggising ng maaga. Magt-tantrums naman si Faye pag pinaghintay ko 'yon ng matagal. Alas syete palang, mamaya pa ang pasok namin. Kadalasan kaming pumapasok ngayon ay alas otso ng umaga na. May isang oras pa naman ako kaya naisipan kong magreview nalang sa ibang lessons.
Tulad sa Pre Calculus na sobrang hina ko dito. Kahit anong pag-aaral na gawin ko ay sadyang wala talaga akong maintindihan sa numero. Sabihin na nating mayroon akong naintindihan ng kaunti pero kalaunan ay makakalimutan ko rin 'yon.
"Bakit ba ang hirap nito?" bulong ko habang nahihilong tinitignan ang mga numero at kung ano-anong shapes.
Sinubukan kong mag-solve ulit pero hindi ko natapos dahil sa busina ng sasakyan mula sa labas.
7:53 na pala. Nilagay ko sa bag ang mga dapat kong dalhin. Pagkatapos ay lumabas na ako. Napatigil ako sa paglalakad nang dumako ang tingin sa lalaking nakapamulsa habang nakasandal sa kaniyang sasakyan. Nakatungo siya na para bang may malalim na iniisip. Napakagat ako sa sariling labi. I tapped my foot on the ground that created a sound.
Babalik ba ako o sasama sa kaniya?
"Kanina ka pa ba diyan?"
It's too late. Nakita na niya ako.
"Hindi naman," I said.
Tumalikod siya at muli na naman akong pinagbuksan. Lumingon ito sa 'kin at sinenyas na sumakay na ako, "You should have called me para nakaalis na tayo."
I looked down. Paniguradong center of attraction na naman ang aabutin namin dito.
"Pasensya na," sumakay na ako. Ganoon rin ang ginawa niya.
"Teka, bakit ikaw ang sumundo sa 'kin? Wait. I have to call Faye muna," kinuha ko ang cell phone sa bulsa.
Hindi ko alam ba't ngayon ko lang naisipan itanong ito kung kanina dapat naitanong ko na. Wrong move, Giziel. Magd-dial sana ako pero pinigilan niya ako.
YOU ARE READING
The Man I Can't Reach (COMPLETED)
RomanceThe love story of the two senior high students who fell in love with each other at an unexpected and wrong time.