Chapter 5

114 4 0
                                    

Napalunok ako. Iniwas kaagad ang tingin sa kaniya. Naghuhuramintado ang mga paru-paro sa aking tiyan dahil sa magkahalong gutom at narinig. I don't know why is he acting like that.

"Masyado mong sineryoso," agad ko siyang nilingon na ngayon ay nakangisi sa 'kin. "Syempre, iba ako kasi ako ang pinakagwapong lalaki sa mundo," dagdag niya.

Napairap ako. Alam kong hindi ko ugaling umirap, pero nang dahil sa lugar at mga taong nandito, natututo na ako. Sino ba naman ang hindi mapapairap kung ganito ang mga taong nakapalibot sa 'yo? Puno ng kalokohan. Parehong pareho sila ni Faye, parehong may mood swings.

He's almost done cooking. My eyes glittered because of what I'm seeing.

He cooked adobo!

Isa to sa mga paborito ko bata palang. Mama always served this dish to me and I really love this. Nagsalin siya ng kanin sa plato ko pero agad kong inagaw 'yon.

"Ako na. Nakakahiya naman."

Binigyan niya ako ng hindi makapaniwalang tingin saka humalakhak.

"Seriously, Giziel? Kanina pa ako nakatayo pero ngayon mo lang 'yan sinabi?"

Pakiramdam ko ay nag-init ang dugo ko nang sabihin niya 'yon.

Matalim akong tumingin sa kaniya, "No one asked you to do it."

Hindi siya nasibak sa tingin ko. Tumigil siya sa pagtawa at ngumiti ng matamis sa 'kin, "Yeah. Even if you ask and didn't, I will still do this."

Namula ako sa narinig. Pinagsawalang bahala ko 'yon at naunang umupo para kumain.

"Hey, you should invite me," aniya.

Hindi ko siya sinulyapan at nagpatuloy sa pagkain. I know I'm being rude but trust me, he's being nicer than before.

He's saying sweet and emotional words!

Kumain kami ng walang imikan. Nang matapos ay agad kong sinulyapan ang oras. Malapit ng mag alas-dyes. Binaling ko ang tingin kay Jared na hindi pa tapos kumain. Napabuntong hininga ako.

"Kailangan mo ng umalis pagkatapos. Malapit na ang curfew," ani ko na nagpanguso sa kaniya.

That's new. It's the first time I saw him pouted. It doesn't suit his personality.

"Tinataboy mo ba ako?" nakangusong tanong niya.

Napailing ako. Childish mood ba ngayon? Sabagay, bagay talaga sila ni Faye. Parehong magka-ugali.

"Kailangan mong umuwi. Baka hanapin ka sa inyo," wala siyang nagawa kundi sumunod.

Nagmamadali niyang tinapos ang pagkain. Nagpresenta pa siyang magliligpit pero hindi ako pumayag. Masyado ng nakakahiya. Siya na nga ang nagluto, siya pa ang maghuhugas. Gawain ko dapat 'yon.

Hinatid ko siya sa labas. Bago pa siya makaalis ay sinabi ko ang isa sa mga importanteng kataga na tinuro sa 'kin ni mama.

"Salamat, Jared," nakangiting sabi ko. Ngumiti siya pabalik saka ginulo ang buhok ko.

That's new again.

"Anything for you," sagot niya na nagpaiwas ng tingin sa 'kin.

Kung ang ibang babae ay kikiligin sa ganitong paraan, maiba ako. Maliban sa hindi ako sanay sa pakikipaghalubilo sa iba, hindi ako sanay na sinasabihan ng matatamis na salita. Gusto kong umiral ang pagkakaibigan naming dalawa kahit hindi ko maintindihan ang pakikitungo niya.

Hindi ko na nagawang kumaway at panoorin siyang umalis. Dumiretso na akong pumasok dahil masyado akong pagod. Masyadong magulo ang aking isipan.

Iniisip ko kung sino ang lalaking lumigtas sa 'kin nang gabing 'yon. Sigurado akong hindi si Jared 'yon dahil hindi sila magkaboses. And I'm wondering who's that guy. I want to thank him personally.

The Man I Can't Reach (COMPLETED)Where stories live. Discover now