Chapter 13

70 5 0
                                    

Sa tuwing sumasagi sa aking isipan ang Welcome Party na 'yon ay namro-mroblema ako. Wala akong dalang gown dahil kahit kailan ay hindi ko tipong mag-attend ng mga okasyon. Tanda ko pa noong Junior's Ball namin, hindi ako sumipot do'n. Kagustuhan ko 'yon at wala rin naman akong gown.

"Ma? Pa? Musta na kayo diyan?" bungad ko nang sagutin nila ang tawag ko.

"Ayos naman kami, anak. Ikaw? Kumusta ka na diyan?" malambing na boses ni papa na siyang ikinangiti ko.

Ang swerte talaga ni mama dahil ang lambing ng papa ko. Sana kasing lambing din ni papa ang itatadhana sa 'kin ng panginoon.

"Ayos lang po ako rito. Kayo po ang inaalala ko diyan. Wag po kayong magpakapagod sa trabaho."

Mahinang tumawa si mama, "Ano ka ba, anak! Nako, walang wala sa amin ang pawis. Marami naman ang towel namin dito. Basta para sa kinabukasan mo anak."

Mapakla akong napangiti. Sa tono ni mama ay nagbibiro siya pero kahit anong gawin ko, hindi ko 'yon masasabing biro. Sabay pa silang tumawa ni papa na hindi ko nasabayan.

"Isipin niyo rin ang kalagayan niyo ma, pa. Lalo na't wala ako diyan sa tabi niyo," buntong hininga ko.

"Oo naman, anak. Kami pa?" humalakhak si papa.

"Oh siya, matulog ka ng maaga, Giziel. Wag kang magpupuyat baka mag-kasakit ka. Kumain ka sa tamang oras baka mag-kaulcer ka. Lagi kang maligo baka umamoy ka diyan, nakakahiya 'yon."

"Ma!" sigaw ko pero tinawanan nila ako.

"Nga pala, anak. Nabanggit sa 'min ng tito Felix mo na may nobyo ka na raw. Totoo ba 'yon?"

Nanlaki ang mata ko sa tanong ni papa.

"Pa! He's not my boyfriend!" angil ko.

"Eh bakit napapa-english ka na diyan? Ikaw anak ha! Gwapo ba?" mama giggled.

"Ma, hindi ko po siya nobyo. Kahit siya po yung tanungin niyo. Hindi ko po talaga 'yon nobyo," todo tanggi ng bibig ko, pinapaintindi sa kanila ang katotohanan.

"Kung hindi mo siya nobyo, kung gano'n, magiging nobyo mo pa lang."

"Pa naman e!" para na akong bata rito sa pagmamaktol. Bakit ba ayaw nilang maniwala na hindi ko nobyo si Travin? Tito Felix naman e!

"Sige na, anak. Matulog ka na. Sa bakasyon, isama mo ang 'yong nobyo. Maliwanag?" tumawa si mama pagkatapos.

"Ma! Jusmeyo, hindi talaga," kahit anong tanggi ko ay mukhang hindi rin nila paniniwalaan 'yon. Mas gusto nilang ipilit at paniwalaan na kasintahan ko si Travin kahit ang totoo ay hindi naman dahil may kasintahan na rin 'yon.

Sabay silang tumawa ni papa pagkatapos ay, "Mahal ka namin, Giziel!"

Napangiti ako nang marinig 'yon. Maiiyak na ako anumang oras. Hindi ako gaanong sanay mawalay sa pamilya ngunit tinitiis ko, para sa kinabukasan namin 'to. Kung magkita siguro kami ay susunggaban ko na sila ng yakap dahil sobrang miss ko na sila.

"Mahal na mahal ko rin kayo, ma, pa," kinagat ko ang sariling labi para mapigilan ang pag-hikbi ko.

"Ba-bye, anak."

Hindi ako nag-abalang sumagot. Tinuon ko ang atensyon sa pagkagat ng aking labi para hindi maiyak. Nang maibaba nila ang tawag ay do'n na ako umiyak nang umiyak. Samu't saring problema ang dahilan ng pag-iyak ko ngayon. Sobrang sakit sa puso dahil matagal ko ng dinidibdib ang mga problema ko. Ang apartment na 'to ang saksi sa pag-iyak ko. Ang unan ang siyang sumalo sa lahat ng luhang binuhos ko ngayon. Hanggang sa makatulog ay patuloy pa rin ang pagragasa ng aking luha.

The Man I Can't Reach (COMPLETED)Where stories live. Discover now