Pagkagising ko pa lang ay tinawagan ko kaagad si Faye. Alam kong masyadong maaga dahil alas singko pa lang. Siguro hindi pa siya gising dahil sa pag-iinom niya kagabi. Pero may nagsasabi rin sa 'king isipan na gising na siya. Sa unang tawag ko ay hindi niya sinagot.
"Baka tulog pa 'to," bulong ko. Sinubukan kong i-dial ulit ang numero niya wala pa ring sagot.
"Last try na 'to," bulong ko ulit bago siya tinawagan. Nakahinga ako ng maluwag nang sagutin niya 'yon.
"Hello?" halata sa boses niya na inaantok pa.
"Na-istorbo ko ba tulog mo?"
"Putangers ka! Malamang oo! Sarap sarap tulog ko tas sisirain mo?!" heto na ang sermon na hinihintay ko.
Isa sa mga ayaw ni Faye ay sinisira ang tulog niya. Gusto niyang siya na mismo ang kusang gumising. Kung 'di ko siya tinawagan, baka mamayang ala sais i medya pa 'to gigising at 'di ako makakapante hangga't hindi ko nalalaman kung ano ang dahilan ng paglalasing niya kagabi.
"Okay. I'm sorry. I just want to ask you. Bakit mo naisipang mag-lasing kagabi? Anong problema mo? You can tell me, Faye," pina-loud speaker ko ito para marinig ko habang nagtitimpla ng kape.
Malalakas ang ginawa niyang pagbuntong hininga sa kabilang linya. Sandali siyang natahimik saka huminga na naman ng malalim.
"I-I'm not ready to tell you yet, Giziel."
Natigil ako sa paglalagay ng mainit na tubig sa aking tasa. Ito yung kauna-unahang pangyayari kung saan sinabi niya 'yan. Bata palang kami lagi 'tong nagsasabi ng problema niya sa 'kin. Wala siyang pakialam kung nakakahiya man 'yon. In short, wala siyang pakialam sa judgments ng ibang tao. Kahit noong sa Quezon pa ako, nang tumira na sila dito sa Mindanao, lagi siyang tumatawag sa 'kin para lang sabihin niya ang mga problema niya.
Unfair ko 'di ba? Lagi siyang nagsasabi ng problema sa 'kin pero ako, hindi.
"Sa susunod kung 'di ka pa handa. I'm ready to listen, Faye," humigop ako sa 'king kape. Nakinig ulit sa sasabihin niya.
"There's no next, Giziel. It's...It's a very big problem for me. I-I'm sorry, Giziel."
Kahit hindi ko siya nakikita ay ramdam ko pa rin kung gaano kalaki ang dinibdib niyang problema. Ang sakit din isipin na hindi niya 'yon masabi sa 'kin.
Malaking problema ba talaga o ayaw niya lang sabihin sa 'kin?
Napabuntong hininga ako, "Wag mong dibdibin, Faye. Always remember, nandito lang ako."
"I know. I know. Let's...Let's not talk about it, please. I need space. Just a little space to think," mabigat ang pinakawalan niyang hininga. "Sige na, Giziel. I'll hang up. Baka hindi kita masundo ngayon diyan. I'm sorry again. Bye."
She ended the call after uttering those words. Wala akong nagawa sa kagustuhan niya. Kahit pilitin ko siya alam kong hindi niya rin sasabihin kung ano ang bumabagabag sa isipan niya. Siguro dapat ay hintayin ko na lang ang tamang oras na sabihin niya sa 'kin, sana nga lang ay sabihin niya. Kahit ito man lang, sana ipagkatiwala niya sa 'kin.
Hinigop ko lahat ng natitira sa kape ko. Pagkatapos ay pumasok ako sa cr para maligo. Masyadong napapaaga ang paggising ngayong nagsunod sunod na araw. Normal na gising ko noon ay alas syete pero ngayon alas singko na, mulat na mulat ako. I find this interesting because I will not be late anymore. Wala akong dapat ipangamba dahil natutulog naman ako ng maaga. 'Di ko ugaling magpuyat kung hindi kinakailangan.
Nang matapos maligo ay pumunta ako sa kwarto para magbihis. Wala pa akong uniform sa ngayon, hindi pa ako nakabili. Hinihintay ko muna ang padala nina mama at papa para makatahi ako ng uniform. Malapit na rin akong mag isang buwan dito sa Cagayan de Oro. Next week ay pang isang buwan simula nang lisanin ko ang Quezon. Ilang buwan pa ang ipagtitiis ko dito at pwede na akong magbakasyon roon. Namimiss ko na rin ang mga magulang ko.
YOU ARE READING
The Man I Can't Reach (COMPLETED)
RomanceThe love story of the two senior high students who fell in love with each other at an unexpected and wrong time.