CHAPTER 2

287 7 1
                                    

CHAPTER 2

"OH, MY GOD! NOOO!"

Agad akong naalimpungatan nang marinig ko ang malakas na tili ni Ate Felyn sa baba na umabot pa yata hanggang sa kabilang barangay!

Pumikit ulit ako at babalik sana ulit sa pagtulog nang ilang segundo lang din ang lumipas ay napadilat lang din ulit ako. Wala na, nawala na ang antok ko!

Nakakainis naman, eh! Sa panaginip ka na nga lang ako makakaranas na yumaman, hindi pa natuloy! Money in my dream na nga lang, naging bula pa!

Napasabunot na lang ako sa sarili kong buhok.

Bago kasi ako mabulabog ng boses ni Ate Felyn at nagising, sinuswerte nga ako sa panaginip ko. Naranasan ko pa ngang maging superhero, eh.

Sa panaginip ko kasi, may iniligtas daw akong isang matandang lalaki na nasa peligro. At dahil superhero nga ang peg ko, agad ko raw iniligtas 'yong lalaki at walang takot ko raw na pinataob ang lahat ng goons na umaapi rito.

Sobrang cool ko pa nga sa panaginip ko dahil talagang naka-costume pa raw ako na mala-Wonder Woman. Pero hindi kasing astig ng kay Wonder Woman dahil ang pabebe ng kulay ng costume ko—kulay pink! Okay na sana, eh. Medyo failed lang sa pink.

Tapos, pagkatapos ko raw mailigtas 'yong lalaki, sobrang thankful daw nito sa 'kin. At sa sobrang thankful niya sa ginawa ko, ginantimpalaan daw niya 'ko bilang kapalit sa kabutihan na ginawa ko.

Pero bago 'yon, medyo na-weirduhan ako sa kaniya, lalo na nang bigla itong mag-transform bilang isang fairy. May sumulpot pa nga raw sa likod nito na pakpak na katulad ng sa fairy. Oo, as in pang-fairy na maliliit 'yong pakpak sa likod. Ang sagwa ngang tignan, eh.

Pero isinawalang-bahala ko lang daw 'yon nang mag-magic pa raw ito sa harap ko at bumungad sa 'kin ang isang malaking sako na puno ng ginto! Daig pa nga raw naghugis star 'yong mata ko sa pag-twinkle ng makita ko 'yong mga ginto. Halos mahimatay pa nga raw ako n'ong sabihin sa akin n'ong lalaking fairy na para sa 'kin lahat 'yon bilang kapalit nga sa katapangan at pagliligtas ko sa kaniya.

Pero bago pa man tuluyang i-abot sa akin n'ong lalaking fairy 'yong isang sakong ginto, agad daw itong pinigilan ng sidekick nitong fairy na lalaki rin. Pinagdududahan daw ako ng epal na sidekick na 'yon kaya kinokontra 'yong amo niya sa pagbibigay sa akin n'ong mga ginto.

Dahil d'on, para raw akong naging isang mabangis na lobo nang samaan ko ito ng tingin at angilan. Pero bandang huli, hindi rin nagpapigil 'yong mabait na fairy sa epal niyang sidekick, ibinigay pa rin daw niya sa 'kin 'yong gantimpala ko. Kaya, ending, inabot na raw talaga sa 'kin n'ong good fairy 'yong isang sakong ginto. Tapos bigla raw nag-slowmo 'yong paligid n'ong tatanggapin ko na 'yon kaya hindi kaagad napasakamay ko 'yong mga ginto.

Hanggang konti na lang... konting-konti na lang... sobrang konti na lang talaga para maging sa 'kin 'yon nang biglang parang isang malaking bula na pumutok at naglaho ang lahat nang mabulabog nga ni Ate Felyn ang masarap na tulog ko.

Nakakainis talaga! 'Yon na, eh! Konting-konti na lang talaga mapapasakamay ko na ang swerte, nawala pa! Kahit sa panaginip na lang sana, eh.

Nang hindi na talaga 'ko makabalik ulit sa pagtulog, inis na naihilamos ko na lang ang mga kamay ko sa mukha ko at gigil na bumangon. Lumabas na rin agad ako ng kwarto ko ng walang hila-hilamos.

Paglabas ko, kunot-noo kong tinanaw agad si Ate Felyn para alamin ang pinag-aalburoto na naman niya ng ganitong kaaga.

Nakita ko ito na parang timang na nagpapaikot-ikot sa sala at tila problemadong-problemado nga habang may hinahanap na kung ano roon. Napahinga na lang ako ng malalim nang magkar'on agad ako ng ideya sa ginagawa nito.

Guard Up!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon