CHAPTER 31

185 9 1
                                    

CHAPTER 31

MULA KAHAPON, matapos ang ginawa kong pag-wo-walkout sa kaniya ay hindi na kami nagpansinan pa. Hanggang ngayon nga na magkaharap ulit kami sa hapag para kumain ng umagahan ay hindi pa rin kami nagkikibuan. Kung dati, nag-e-effort ako para kibuin siya, ngayon, hindi talaga. Naiinis pa rin ako, at the same time, nahihiya.

Hanggang sa ilang sandali pa ay siya na ang bumasag ng katahimikan sa pagitan namin.

"I'm sorry..." agad akong napatigil sa pagkain nang marinig ang sinabi niya. Nagulat ako, hindi ko akalaing lalabas sa bibig niya ang mga salitang 'yon. Pero hindi pa rin ako nag-angat ng tingin sa kaniya. "I didn't mean to burst out that way. I just got... worried about you yesterday. You said, you're going to Marika to save her, so I thought... you'll be possibly in danger because of that. Yes, you were the reason why I rescheduled the meeting but not because you were not there for the presentation, but because I was worried about you,"

Hindi ko na talaga mapigilang mapaangat ng tingin sa kaniya nang marinig ko pang sabihin niya 'yon. Tinitigan ko siya sa mga mata. Nakikita ko roon ngayon na sincere nga siya at naroon din ang kislap ng sinasabi niyang pag-aalala.

Sa gulat ko ay tila tumatagos sa puso ko ang mga sinabi niya. Marahil sa hindi ako sanay na marinig sa kaniya ang ganoong mga salita. Nakakapanibago ang ganitong pagbabago niya. Nakakagaan sa pakiramdaman pero nakakakilabot din pala.

Hindi pa man din ako nakakahuma sa pagkagulat nang dagdagan pa niya 'yon. Inangat niya ang kaniyang kamay at marahang hinaplos ang gilid ng labi kong may sugat dahil sa sipa ni Hillary kahapon. "And I got more worried when I saw this. What happened? Does it hurt?" tanong niya pa.

Hindi na ako makagalaw, hindi ko rin maalis ang mga mata ko sa mga mata niya. Tila nag-iba na rin ang kislap n'on ngayon. Kung noon ay ang hirap mabasa ng emosyon niya mula roon, ngayon ay hindi siya nangingiming ipakita sa akin 'yon ngayon.

Natauhan lang ako nang makaramdam ako ng tila kuryente mula sa kaniyang marahang haplos, kaya nai-iwas ko agad ang mukha ko sa kaniya. Mukhang nagulat naman siya sa ginawa ko kaya napaiwas na rin ako ng tingin nang mailang ako.

Ano bang nangyayari sa akin?

"A-Ayos lang, Bossing. Na... Naisahan lang ako ng nakaengkwentro ko roon kahapon," halos nauutal kong sagot. "Sorry rin, Bossing, kung napagtaasan kita ng boses at nasagot kahapon. Sorry dahil bigla na lang ako nag-walkout kahit hindi mo pa ako pinapaalis. Sorry sa mga nagawa ko sa 'yo kahapon," hinging paumanhin ko na rin.

"It's okay... I hope we're okay now..." aniya. Napatango na lang ako. Hanggang sa muli na namang namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

"So... what are we going to do today? It's suppose to be our next training," aniya nang siya ulit ang pumutol n'on.

Napakamot ako bigla sa batok ko. "Ah, oo nga pala, Bossing!" Bakit nga ba nakalimutan ko na Sabado nga pala ngayon? "Tuloy ang training, Bossing! Actually, may plano na ako ngayong araw," at muli ko nang ibinalik sa normal ang sarili ko nang muli kong salubungin ang tingin niya at nginitian ko siya.

"Okay, I'll leave it all to you," aniya na napapatango at tipid na napangiti.

Matapos naming kumain, inutusan ko na siyang magbihis ng pang-workout. Inutusan ko rin siyang magdala ng extra shirts paglabas niya. Gan'on din naman ang ginawa ko, dumiretso na rin ako sa kwarto ko para magbihis.

"Bossing, ready ka na?" salubong ko sa kaniya nang makalabas na rin siya sa kwarto niya.

"Yeah," aniya at bumaba agad ang mga mata niya sa duffel bag na nakasukbit sa balikat ko. Nangunot pa ang noo niya. "What's that for? Why do you have that?" nagtataka nga niyang tanong.

Guard Up!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon