CHAPTER 20
"UY, GEORGE!"
Napalingon ako Miss Valeen pagkainom ko ng tubig nang tawagin niya ang pangalan ko. Dali-dali pa niya akong nilapitan.
"Balita ko, pulis daw ang boyfriend mo, ah?" anito na daig pa batikang tsismosa sa tanong.
Wala kasi siya kahapon dito kung saan ginisa ako ng iba sa kanila dahil sa sinabi ni Marcus, binida kasi agad ng loko 'yon ang tungkol sa amin ni Mael sa cafeteria.
Nagbawi ako ng tingin para kumuha ulit ng tubig sa dispenser. "Hindi ko boyfriend 'yon. Sinabi ko naman sa kanila na kaibigan ko lang 'yon, ah?"
"Oo nga raw, ayaw mo nga raw umamin!" kantyaw pa ni Miss Valeen sa 'kin.
Tumaas ang isa kong kilay. "Ano naman ang aaminin ko? Eh, magkaibigan nga lang talaga kami n'on!"
Ayaw kasi nila akong paniwalaan na kaibigan ko lang si Mael. Kinuwento kasi ni Marcus sa kanila na sobra raw kaming close, nagtatawanan pa nga raw kami.
Well, totoo naman talaga na gan'on nga kami ni Mael kahapon. Pero gan'on talaga kami kapag magkasama! Sanay na kami sa isa't isa. Pero binigyan nila 'yon ng malisya. Hanep na Marcus kasi!
Grabe! Si Mael, boyfriend ko? Hindi ko 'yon ma-imagine!
"O, sige! Kung kaibigan mo nga lang talaga 'yon... single ba 'yon, ha?" ngayon ay biglang parang interesado na ito. "Nakita ko kasi 'yong picture niyo kay Marcus. Ang hot niya, ah! Saka, sobrang close niyo kasi roon sa picture kaya nakakapagtaka talaga na magkaibigan lang kayo,"
Napatitig ako rito at napapalatak.
Ibang klase, wala na 'kong masabi pa kay Marcus! At talagang kinuhanan pa niya kami ng picture, ha?
Kaya duda talaga ako sa kaniya kahapon, eh. Bibili ng frappé, ah? Paraan niya lang talaga 'ka mo 'yon para tsumismis! Kalalaking tao, tsismoso, tss.
"Ano, George? Single ba 'yon?" tanong pa ulit ni Miss Valeen na ngiting-ngiti na ngayon habang inaabangan nga ang isasagot ko.
"Oo, single 'yon,"
"Talaga?!" nanlaki pa ang mga nata niya sa gulat. "Uy, George, baka naman..." at pabiro pa niya akong hinampas sa braso.
Nagulat din ako. "Bet mo 'yong kaibigan ko? Eh, hindi mo pa nga nakikita sa personal 'yon, Miss Valeen!"
"Kaya nga gusto kong ma-meet, eh! Baka naman pwedeng i-set up mo kami for a date, o?" request pa niya.
Napatitig na naman ako sa kaniya, hindi pa rin makapaniwala.
Grabe, iba talaga ang kamandag n'ong si Mael!
Napahinga ako ng malalim bago sumagot. "Susubukan ko siyang kausapin tungkol d'on,"
Biglang nagliwanag naman ang mukha nito sa sinabi ko. "Talaga?! Sabi mo 'yan, ah?"
Tumango ako. "Pero, Miss Valeen, paaalalahanan kita, ha? 'Yon kasing kaibigan kong 'yon, mailap sa babae. Oo, marami na siyang naka-date noon, pero mapili 'yon." kwento ko.
Maganda naman itong si Miss Valeen, mabait pa. Kaso, madaldal nga lang. Hindi ko alam kung magugustuhan ba ni Mael ang gan'ong ugali dahil kay Marika nga, naiirita 'yon kapag daldal nang daladal, eh.
Pero mas okay na sa akin itong si Miss Valeen. Kaysa naman kay...
Ay, grabe! Kinikilabutan pa rin talaga ako kapag naiisip ko 'yon. Hindi ko pa rin talaga ma-imagine na interesado sa kaniya si Bossing, tsk.
"Gan'on ba? Sige, okay lang! Malay mo, magbago ang preference niya kapag ako ang naka-date niya, 'di ba?" punong-puno pa ng pag-asa na sagot nito.
Napatango na lang ako, wala na akong masabi.
BINABASA MO ANG
Guard Up!
General FictionIsang araw ay bigla na lang nagkaroon ng banta sa buhay ang CEO ng isang pinakasikat na Toy Company sa bansa na si Dan Lucas Sevilla kaya napilitan itong magpahanap ng isang bodyguard na poprotekta sa kaniya sa oras ng panganib. Hanggang sa nag-krus...