#SKL: Mahaba-habang chapter kaya natagalan po ako. Hehe ✌️
CHAPTER 44
"OH, MY GOD!" hindi ko mapigilang sumigaw nang makababa na kami ng eroplano at ngayon ay nakatapak na kami sa Japan International Airport! Dios mio! Totoo na nga talaga ito! Narito na ako sa pangarap kong puntahan na bansa!
Namamanghang nilibot ko agad ng tingin ang paligid, pati na 'yong mga Japanese na nakakasalamuha namin ngayon. Sa sobrang tuwa ko nga ay kumakaway at nag-he-hello pa ako roon sa iba. May ngumingiti naman sa akin pabalik at nag-ba-bow pa nga.
"You seem so happy?" napalingon agad ako kay Bossing nang marinig ko ang boses niya. Hinawakan niya ulit ang kamay ko.
"Sobra, Bossing! Siyempre, narito na talaga ako sa pangarap kong bansa!" hindi ko na talaga mapigil pa ang tuwa ko sa mga sandaling ito. "Sorry, Bossing, naiwan na pala kita kanina," paumanhin ko rin sa kaniya kapagkuwan. Nang makalabas na kasi kami sa arrival area, nawala na siya sa loob ko dahil nilibot ko na nga agad itong airport sa sobrang mangha ko.
Ngumiti siya sa akin. "It's okay, but now, stick with me. Don't be away from me," aniya.
"Yes po!" at 'yong braso na nga niya ang kinapitan ko. Hinilig ko pa ang mukha ko sa kaniya.
"Mr. Dan Lucas Sevilla?" bungad sa amin ng isang Japanese na lalaki nang nasa waiting area na kami. Ang tigas pa ng Japaneses accent nito nang banggitin ang buong pangalan ni Bossing.
"Hai, watashidesu. Soshite, kore wa watashi no gārufurendodesu," gulat naman akong napatitig sa kaniya nang sumagot rin siya in Nihongo! At parang wala 'yong kahirap-hirap sa kaniya.
"Untenshu no Nakamura Hiroshidesu," sagot naman ng Japanese saka yumukod sa kaniya at sumunod ay sa akin naman kaya maang na napayukod din ako pabalik dito. Malaunan ay kinuha nito kay Bossing 'yong dala niyang luggage namin saka muling nagsalita. "Kono yō ni, kyō," anito at saka inilahad ang mga kamay sa daraanan namin. Nakamaang lang ako sa kanila dahil wala akong naiintindihan sa sinabi nila.
"Dewa ikimashou," sabi niya rito at muli itong yumukod sa kaniya bago tuluyang nanguna na sa paglakad. Binalingan naman niya ako. "Let's go," at hinuli na ulit niya ang kamay ko sabay hila sa akin para sumunod na roon sa Japanese.
"B-Bossing, wala akong naintindihan sa pinag-usapan niyo," sabi ko sa kaniya.
Nginisihan niya ako. "He said his name is Hiroshi Nakamura and he is our driver for our whole trip here in Japan," tugon niya. Napatango-tango na lang ako sa sinabi niya. Pero 'yon lang ba talaga ang pinag-usapan nila? Parang ang haba n'ong narinig ko, eh.
Nang makalabas kami sa exit ng airport, lumapit sa isang magarang puting sasakyan si Hiroshi at binuksan agad nito ang passenger seat. Pinauna muna ako ni Bossing papasok doon saka lang siya sumunod sa akin. Ilang sandali ay sumakay na rin si Hiroshi sa driver's at pinaandar na ang sasakyan paalis.
"Bossing, saan tayo tutuloy?" tanong ko sa kaniya habang gumagala na naman sa labas ang paningin ko.
"In a hotel, I already have a reservation there," aniya, napatango na lang ako. Halos mapabalikwas naman ako ng upo nang makakita ako ng magagandang bulaklak na nakahilera sa gilid ng kalsada. Napakaganda! Napaka-peaceful pa ng kalsada rito sa Japan.
Napalingon ako sa kaniya nang maramdaman kong tila pinaglalaruan niya ang mga daliri sa kamay ko. "Hmm?" reaksyon ko na kumuha rin sa atensyon niya.
"Baby, I have a request..." aniya matapos ang ilang sandali na pagtitig sa akin.
"Ano 'yon?"
"Will you stop calling me 'Bossing' now that we're here in this country? We're not here for work, so you're not a bodyguard nor an employee to me at this moment," aniya.
BINABASA MO ANG
Guard Up!
Ficción GeneralIsang araw ay bigla na lang nagkaroon ng banta sa buhay ang CEO ng isang pinakasikat na Toy Company sa bansa na si Dan Lucas Sevilla kaya napilitan itong magpahanap ng isang bodyguard na poprotekta sa kaniya sa oras ng panganib. Hanggang sa nag-krus...