CHAPTER 40
GEORGE
"PAGPASENSYAHAN mo na 'yong mga magulang ko, ha? Nakulit at nagisa ka na naman tuloy," sabi ko kay Bossing ngayong nasa byahe na kami pauwi sa bahay niya.
"Nah, it was nothing. Actually, I'm happy that I had that kind of talk with your parents," aniya at mabilis akong nilingon para ngitian.
"Talaga? Hindi ka nakulitan sa kanila, lalo na kay Mammy?" tanong ko.
Mabilis naman siyang umiling. "I like Mammy because she likes me for you," tugon pa niya.
Hindi ko tuloy naiwasang kantyawan siya sabay sundot sa bewang niya, pero parang wala lang dahil wala naman siyang kiliti roon. "Naks! Talagang tinatawag mo nang 'Mammy' si Mammy, ah? Kina-career mo na!"
Napangisi naman siya habang nakatuon pa rin sa daan ang pansin niya. "She was the one who asked me to call her that way, I should obey your mother," aniya.
"Sige, hindi na kita pipigilan d'yan," komento ko na lang. Hindi naman na siya nagsalita pa, hinuli na lang niya ang isa kong kamay at hinawakan kahit na nagmamaneho pa rin siya. Hinalikan pa nga niya ito habang nasa daan lang nakatutok ang pansin niya. Idinaan ko na lang sa ngiti ang kilig na naramdaman ko.
Ngayon ay namayani naman ang katahimikan sa pagitan namin hanggang sa makarating na kami sa bahay niya.
Binitawan niya lang ang kamay ko nang bababa na kami ng sasakyan, pero nang papasok na kami sa loob ng bahay niya ay muli niya ring hinawakan ito Napaka-clingy talaga ng lalaking 'to!
Pero hanggang ngayon ay nanatili pa rin siyang tahimik. Actually, mula nang matapos silang mag-usap ni Pappy, naging ganyan na siya. Alam ko naman na talagang tipid lang siyang magsalita, pero siyempre, madali ko rin namang mapapansin kung may kakaiba o may mali sa pagiging tahimik niya.
Iniisip ko nga na baka may nasabi sa kaniya si Pappy kanina kaya siya ganyan, eh. Pero nang tanungin ko naman siya kanina kung kamusta ang naging pag-uusap nila, ang sabi niya, maayos naman daw. Ayaw ko namang kulitin siya para lang umamin sa akin kung may mali nga, gusto kong magkusa siya na magsabi sa akin.
Pero hindi rin ako nakatiis. Nang huminto na kami sa tapat ng kwarto ko, doon na ako kumibo para magtanong. "Bossing, ayos ka lang ba?" hindi ko na maiwasang mag-alala.
"Yes, I'm just tired..." aniya sabay ngiti ng tipid sa akin. "Go inside your room now and take a rest," utos niya pa kapagkuwan.
"Dapat ikaw rin! Pagod ka na, 'di ba?" payo ko rin nga sa kaniya.
"Okay, I will. So go inside now," aniya.
Mataman ko muna siyang tinitigan habang naniningkit ang mga mata ko. "Pero baka gusto mo muna ng power massage ko? Willing akong masahihin ka, Bossing!" mapanuksong alok ko naman sa kaniya habang may mapanlokong ngisi na sa mga labi ko at nagtataas-baba ang mga kilay ko. Masyado na kasi siyang seryoso, eh.
Napangisi naman siya. "Nah, I can smell that you'll take advantage of me again," tanggi niya.
"Grabe naman sa 'take advantage'! Hindi ako gan'on, 'no!" mabilis ko namang depensa saka napanguso.
"Oh, really? Kaya pala hanggang ngayon, nakatatak pa rin sa isip ko 'yong pananamantala mo sa kahinaan ko noon," aniya. Malamang, 'yong ginawa ko sa kaniya noong nalasing ako ang tinutukoy niya. Eh, hindi ko naman 'yon maalala!
"Malala ba talaga 'yong ginawa ko n'on, Bossing?" nakangiwi kong tanong.
"I might lose control if you do that again. I don't want to give your father a reason to kill me," sabi niya.
BINABASA MO ANG
Guard Up!
General FictionIsang araw ay bigla na lang nagkaroon ng banta sa buhay ang CEO ng isang pinakasikat na Toy Company sa bansa na si Dan Lucas Sevilla kaya napilitan itong magpahanap ng isang bodyguard na poprotekta sa kaniya sa oras ng panganib. Hanggang sa nag-krus...