CHAPTER 17
"MAKE SURE you will list down all the important details that they will talk about in that meeting. And also, interpret all the data very clear and very accurate. Sir Lucas really hates having mistakes on that one. Kaya kung lutang ka o tatanga-tanga ka, ngayon pa lang, mag-quit ka na." mariing paalala na naman sa 'kin ni Miss Prada habang inihahanda na namin ang mga kakailanganin ko mamaya sa board meeting nina Bossing.
Grabe sa tatanga-tanga! Bakit kaya hindi na lang niya itikom 'yang bibig niya, 'no? Kahapon pa siya dada nang dada kakapaalala sa 'kin, eh.
Sa huli, nakangiting nag-thumbs up na lang ako sa kaniya. "Noted, Miss Prada!"
"How about your things? Mamaya, kalimutan mo, ha? 'Wag kang agaw-eksena dahil lang nakalimutan mong magdala!" dagdag pa niya.
Nakangiting iwinagayway ko sa harap niya ang mga hawak ko. "Kumpleto ang armas ko, Miss."
Ballpen, journal, at iPad—'yon lang. Akala mo naman sasabak kami sa giyera kung paalalahanan niya 'ko sa mga bagay na 'yan, tss.
Kahapon pa kaya ako handa! Lahat ng mga pangaral at paalala niya, kahit masakit na sa tenga, in-absorb ko lahat 'yon.
Saka para sure, tinawagan ko pa si Kuya Nelson para manghingi ng advice. Doon lang lumubag ang loob ko nang makausap ko siya, mahinahon, eh.
At hanggang pag-uwi rin namin sa bahay, inaaral at pina-practice ko pa rin ang pagiging effective na secretary para nga walang masabi si Bossing.
"They are coming!" naalarma ako bigla sa anunsyong 'yon ni Miss Prada.
Hanggang sa matanaw ko na rin ang tinutukoy niya. May mga dumarating na ngang mga kagalang-galang na tao rito sa Empire.
Si Miss Prada ang sumasalubong sa mga ito, nasa gilid lang niya ako habang nandito kami sa pintuan ng conference room.
"Check their names on the list, so when all of them are already here, go to Sir Lucas immediately and tell him. Saka lang lalabas 'yon kapag kumpleto na ang lahat, ayaw n'on ng naghihintay," bulong niya sa 'kin pero mataray pa rin.
"Opo!" at pinag-che-check ko nga agad sa listahang hawak ko ang mga pangalang sinasabi niya. Siyempre, siya ang magsasabi. Siya lang naman ang nakakakilala sa mga 'to, eh. Malay ko ba sa mga taong 'yan.
Wala pang ilang minuto ay nakumpleto na nga ang lahat, kaya dali-dali na akong nagtungo sa opisina ni Bossing para tawagin siya. Siya na lang kasi ang hinihintay.
Naisip ko nga na tawagin ko na lang siya sa pamamagitan nitong wireless earphone, eh. Nakakapagod kayang magpabalik-balik! Pero hindi ko siyempre ginawa 'yon, paniguradong malilintikan ako. Malamang, mag-fu-fusion ang pagbubunganga niya at ni Miss Prada sa 'kin kapag nagkataon.
At, 'di ba nga? Kailangan kong maging firm, appropriate, at effective na secretary. Kaya dapat maayos ang trabaho ko.
Bawal ka nang maging tamad, George!
"Hey, Bossing!" masiglang bati ko sa kaniya pagbukas na pagbukas ko ng pintuan ng opisina niya.
Naabutan ko siyang sitting pretty pa rin doon. Ibang klaseng CEO talaga 'to, laging chill!
BINABASA MO ANG
Guard Up!
General FictionIsang araw ay bigla na lang nagkaroon ng banta sa buhay ang CEO ng isang pinakasikat na Toy Company sa bansa na si Dan Lucas Sevilla kaya napilitan itong magpahanap ng isang bodyguard na poprotekta sa kaniya sa oras ng panganib. Hanggang sa nag-krus...