CHAPTER 18
GEORGE
LUMIPAS PA ang ilang mga araw na under pa rin ako ni Miss Prada. Hindi ko ba alam kung hanggang kailan 'to. Gustong-gusto ko na talagang kumawala kay Prudencio!
Ang init talaga ng dugo niya sa 'kin, eh. Naiinis na talaga 'ko! Kahit napakaliit na bagay, inuutos niya sa 'kin. Mas marami pa nga yata ang utos niya kaysa kay Bossing, eh. Hindi naman siya ang nagpapasweldo sa 'kin, tss.
Ewan ko ba naman kasi kay Bossing! Feeling ko naman, maayos na ako bilang secretary niya. Halos hatiin ko na nga ang sarili ko sa tatlo para lang magampanan ng tama ang trabaho ko, eh. Hindi pa ba niya nakikita ang effort ko?
Minsan nga, kapag hindi na talaga 'ko nakakapagtimpi kay Prudencio, pasimple akong gumaganti sa kaniya.
Tulad na lang kunwari kapag inuutusan niya 'kong magbitbit ng sobrang bibigat na mga bagay.
Noong minsang may pinagawa siya sa 'king gan'on, ang ginawa ko, binitiwan ko nga 'yon ng pasimple sa paa niya. Nagtatatarang siya agad sa sakit, ah! Nag-sorry rin naman ako sa kaniya pagkatapos, kunwari hindi ko sinasadya.
Meron ding gumanti ako sa kaniya sa pinatimpla niya sa 'king kape. Oo, pati pagtitimpla ng kape inuutos niya sa 'kin!
Ang ginawa ko sa kape niya, sa halip na asukal, iodized salt ang nilagay ko. Grabe nga, halos liyaban niya ako ng apoy sa panenermon niya sa 'kin dahil d'on. Pero, hanep! Tawang-tawa naman ako sa loob-loob ko noong mga sandaling 'yon.
'Yong reaction kasi niya noong matikman niya 'yong alat ng kape, panalo! Nag-sorry na lang din ako kunwari sa huli at ginamit ko 'yong parati niyang inaakusa sa 'kin. Sabi ko, nalutang lang ako kaya ko 'yon nagawa.
At alam niyo ang pinakamalala? 'Yong pangatlo kong ginawa.
Isang araw, nanghingi siya sa 'kin ng softdrinks sa gitna ng trabaho ko. Kukunin na lang ba naman niya sa pantry, inutos pa sa 'kin!
Kaya ang ginawa ko, pagkakuha ko ng softdrinks sa fridge, palihim ko 'yong inalog saka ko iniwan doon sa pantry. Hindi ko 'yon dinala sa kaniya kaya sinermunan din niya 'ko. Ang palusot ko na lang, inuutusan kasi 'ka ko ako ni Bossing at nagmamadali ako.
Kaya wala siyang nagawa, siya na nga ang kumuha n'on sa pantry.
Pero hindi talaga ako nagpunta n'on kay Bossing, nagtago ako malapit sa pantry para marinig ko 'yong magiging reaksyon niya.
At nang mabuksan na nga niya, boom! Umalingawngaw ang boses ng bruhang mangkukulam sa buong opisina, sinisigaw niya ang pangalan ko ng buong gigil.
Hindi ko na napigilan ang tawa ko n'on, kaya sa CR ako dumiretso para magtago. Sa isang cubicle ako tumawa nang tumawa mag-isa. Buti nga sa kaniya!
Paglabas ko, 'yong dapat ay green na palaka, nag-evolve siya bigla sa pagiging kulay red sa sobrang galit. Paano ba naman kasi? 'Yong precious niya kunong damit, basang-basa! Malamang, sa pagkakasabog ng softdrinks. Gusto niya 'yon, 'di ba?
Dinuro-duro nga niya agad ako pagkakita niya sa 'kin saka ako pinutak-putakan ng malala.
Pero siyempre, maang-maangan ang peg ko. Hindi ko 'ka ko alam ang sinasabi niya, matino ko lang 'ka ko na kinuha 'yon sa pantry at iniwan doon.
Pero nakita pala 'yon nina Miss Sheryl at ng iba pa. Sinaway nila ako na bakit ko raw ginawa 'yon. Pero sa huli, nakitawa rin sila sa 'kin.
Doon na niya 'ko sinumbong kay Bossing kaya pinatawag ako nito. Kaya, 'yon, sabay nila 'kong sinabon noong araw na 'yon.
BINABASA MO ANG
Guard Up!
Ficción GeneralIsang araw ay bigla na lang nagkaroon ng banta sa buhay ang CEO ng isang pinakasikat na Toy Company sa bansa na si Dan Lucas Sevilla kaya napilitan itong magpahanap ng isang bodyguard na poprotekta sa kaniya sa oras ng panganib. Hanggang sa nag-krus...