CHAPTER 27
"HEY! HEY! HEY! It's time to wake up, my dear Bossing!" sigaw ko pagpasok ko sa kwarto niya, saka ako pumito ng tatlong beses.
"Hmm..." umungol lang siya at bahagyang gumalaw. Aba! Hindi effective, ha? Kaya ang ginawa ko, bahagya akong lumapit sa mukha niya at muling pumito. Doon na siya umangal. "H-Hey!" sabay takip ng unan sa ulo niya.
"Bossing! Oras na ng iyong pag-gising para sa ating training! Kaya bangon na!" sigaw ko pa saka pumito ulit ng limang beses naman.
"Ugh! What time is it?" inis niyang tanong nang ibato niya sa akin 'yong unan na nailagan ko naman. Nakapikit na kinapa-kapa niya 'yong digital clock sa bedside table at tiningnan niya ang oras doon gamit ang isang mata niyang nakadilat. "It's just five in the morning, why are you disturbing my sleep?"
Lumapit naman ako sa tenga niya at bumulong. "Alam ko, Bossing. Pero mas mainam na mas maaga nating masimulan itong training mo! Kailangan natin ng maayos na exercise at effective 'yon sa umaga! Kaya go, go, go! Bangon na, Bossing ko!" at halos isigaw ko sa tenga niya ang huling sinabi ko. Napangisi pa ako nang makita ko ang naging ekspresyon ng mukha niya. As usual, nainis na naman.
Nang wala na siyang magawa ay napaungol na lang siya ulit saka ako sinamaan ng tingin, pareho nang nakabukas ang mga mata niya ngayon. Matamis ko naman siyang nginitian sabay peace sign. Inismiran naman niya ako bago tuluyang bumangon.
"'Yon! Magbihis ka na rin, Bossing, ha? Hihintayin kita sa labas!" at dali-dali na nga akong lumabas ng kwarto niya.
Ngayong araw na nga ang unang araw ng training namin. Nakapagdahilan na ako sa mga magulang ko, lalo na kay Pappy. Ang sabi ko sa kanila, may extrang trabaho na rin ako tuwing Sabado kaya tuwing Linggo na lang ang uwi ko.
Malupitang pagdadahilan na naman nga ang ginawa ko, eh. Kay Mammy kasi, ayos lang basta si Bossing ang pag-uusapan. Pero si Pappy kasi, naging kabaligtaran ni Mammy mula nang maging trabaho ko itong kay Bossing. Ayaw kasi niya 'yong ideya na rito ako tumitira. Ewan ko na lang kapag nalaman niya pang hindi pala talaga bakla si Bossing. Hay, naku! Baka pag-resign-in na ako n'on.
Ilang sandali pa ay natanaw ko na si Bossing na lumabas na ng kwarto niya. Narito naman ako sa baba ng hagdan at nakaabang.
Napatitig ako sa kaniya habang pababa siya ng hagdan. Naka-kumpletong workout clothes siya ngayon, at grabe! Dahil hapit sa kaniya 'yong training top niya, masasabi kong may maipagmamalaki rin pala itong si Bossing pagdating sa katawan. Napasipol na lang ako.
Nang mag-angat siya ng tingin sa akin ay masama pa rin ang tingin niya. Ngintian ko naman siya ng matamis bilang sukli.
"Ano ba naman 'yan, Bossing! Ang aga-aga, nakasimangot ka?" kantyaw ko nga nang tuluyan na siyang makababa. Mas lalo pa niya akong sinamaan ng tingin sa sinabi ko, umismid pa nga. "Ay, ikaw rin, sige ka! Kapag ganyan ang mukha mo, madali kang mag-ka-ka-cramps mamaya sa training natin!" birong banta ko pa.
"Tss, does it have a scientific basis? Don't fool me!" angil niya naman sabay iwas ng tingin.
"Ay, danas ko 'yan, Bossing! Kasi nga, 'di ba? Part din ng exercise ang pagngiti! Mamaya, ma-lockjaw ka pa kakasimangot mo, ay, ikaw rin!" giit ko pa.
Hindi siya sumagot, inirapan niya lang ako.
Mas ngumiti naman ako sa kaniya. "Uy, ngingiti na 'yan!" kantyaw ko pa. Susundutin ko pa sana siya sa bewang niya, kaso ang bilis niya ring nakaiwas. "Sige na! Gusto kitang makitang ngumiti, eh. Crush kaya kita kapag nakangiti ka!"
"W-What?" tila gulat naman niyang reaksyon.
Tumango ako. "Totoo, crush kita kapag nakangiti ka. Ang gwapo mo kaya kapag nakangiti! Minsan ko lang nakita 'yon sa 'yo, pero nakatatak na 'yon sa isip ko," saka ko siya kinindatan.
BINABASA MO ANG
Guard Up!
General FictionIsang araw ay bigla na lang nagkaroon ng banta sa buhay ang CEO ng isang pinakasikat na Toy Company sa bansa na si Dan Lucas Sevilla kaya napilitan itong magpahanap ng isang bodyguard na poprotekta sa kaniya sa oras ng panganib. Hanggang sa nag-krus...