CHAPTER 35
SA SOBRANG ganda ng gising ko, napapakanta tuloy ako habang nagluluto. Ganito pala 'yong feeling ng may jowa tapos mahal niyo rin 'yong isa't isa. Ang sarap sa pakiramdam! Parang ayaw ko nang matapos pa.
Alam ko naman na nag-uumpisa pa lang kami kaya ganito pa kami sa ngayon, alam ko na hindi sa lahat ng panahon ay ganito kami. Alam ko na sa pagtagal, darating din kami sa malabo at pangit na sitwasyon. Pero pipilitin ko siyempre na sa paglipas ng panahon, matibay pa rin kami. Hindi ako magiging mababaw sa kaniya! Hindi ako basta magseselos, hindi ako basta mapipikon, at hindi rin ako basta mang-aaway sa kaniya. Kokontrolin ko ang sarili ko.
"Ay, baklang palaka!" halos mapatalon naman ako sa gulat nang bigla kong maramdaman ang pagyakap sa akin mula sa likuran. Obvious naman na si Bossing 'to, siyempre. Hanep! Natawag ko pa ng 'di oras si Miss Prada!
Naramdaman ko ang pagtawa niya nang ipatong niya ang mukha niya sa balikat ko. Mas hinigpitan pa niya ang pagkakalingkis ng mga braso niya sa bewang ko.
Tumigil naman ako sandali sa pagluluto para silipin siya, agad ko namang nasalubong ang mga mata niya dahil nakatitig na naman pala siya sa akin. At grabe, ang lapit ng labi niya sa labi ko kaya nakaramdam na naman ako ng pagkailang. Ilang beses na kaming naghalikan pero, oo, naiilang pa rin ako. 'Yong mabilis na tibok kasi ng puso ko laging nakikisabay kaya ako naiilang.
"Good morning..." malambing niyang bulong sa akin.
"G-Good morning..." halos mautal naman ako dahil ang malalaswa kong mga mata, sa labi na niya nakatitig, hindi ko mapigilan! Bakit kasi mapang-akit ang mga labi niya, eh! Mabilis na lang akong nagbawi ng tingin at tinapos ko na 'yong niluluto ko kahit nakalingkis pa rin siya sa akin.
"Wait lang, Bossing, hanguin ko lang 'tong niluluto ko, ha? Para makakain na tayo," wika ko sa kaniya nang ako na ang nagtanggal ng mga braso niya sa bewang ko. Bumitaw nga siya sa akin pero hindi naman siya lumayo sa akin, nanatili siya sa gilid ko habang pinapanood ang bawat galaw ko. Hanggang sa ihain ko na nga sa mesa 'yong mga naluto ko ay nakahabol pa rin siya ng tingin sa akin habang nakangiti.
"I never thought that you would wake up this early. I even set an alarm for waking this early, too, to prepare our breakfast. But I'm still late because you already did it before I do," aniya habang pinapanood pa rin ang bawat galaw ko.
Muli ko naman siyang nilingon nang matapos na ako sa paghahain saka ko siya nginitian. "Sabi ko naman sa 'yo, hayaan mo na akong gawin 'to. Mas gusto ko 'yong pinagsisilbihan kita kaysa ako ang pinagsisilbihan mo. Ayaw mo ba na inaalagaan kita?" sabi ko.
Muli naman siyang lumapit sa akin at masuyong hinuli ang mga kamay ko. Ilang sandali muna niyang tinitigan ang magkahawak naming mga kamay bago muling sinalubong ang mga mata ko. "Of course, I do love the thought of you taking care of me. But I just want to return the favor of all the things you are doing for me, too. I want you to know that I can also take care of you," masuyo niyang sabi habang hinahaplos ang mga kamay kong hawak niya.
"Talaga? Aalagaan mo ako? Paano, eh, ako ang secretary-slash-bodyguard mo? Trabaho ko ang pagsilbihan ka at protektahan ka anumang oras," hamon ko sa kaniya.
"Yes, but it only serves when we are outside and when we are at the Empire. But when we are here in my house and just the two of us, it should be my turn to return the favor to you. You're my boss here," giit naman niya.
"Talaga? Ako ang boss mo? So, pwede kitang tawaging 'Lucas'?" todo ngiting tanong ko naman.
Mabilis siyang tumango. "I would love it. Or if you want, you can also call me 'yours' because I'm only yours..." aniya sabay kindat.
BINABASA MO ANG
Guard Up!
General FictionIsang araw ay bigla na lang nagkaroon ng banta sa buhay ang CEO ng isang pinakasikat na Toy Company sa bansa na si Dan Lucas Sevilla kaya napilitan itong magpahanap ng isang bodyguard na poprotekta sa kaniya sa oras ng panganib. Hanggang sa nag-krus...