CHAPTER 30

145 6 2
                                    

CHAPTER 30

DALI-DALI akong bumaba ng taxi pag-abot ko ng pamasahe kay Manong. Pagbaba ay agad kong tinanaw ang C-Tower na nasa harapan ko ngayon. Alam kong dito lang posibleng dalhin ni Charlie si Marika.

Pagmamay-ari ni Charlie ang C-Tower. Nalaman ko ito noong minsan akong isinama ni Marika rito, noong niyaya niya akong makipag-date. Si Charlie ang ka-date niya noon, habang kaibigan naman ni Charlie ang sa akin. At noon pa lang, todo yabang na ito sa tower na 'yan.

Nagtapos lang din naman sa hindi maganda ang double date namin na 'yon. Dahil maliban sa may topak din ang kaibigan ni Charlie, manyak pa ang gago! Akala siguro niya kaya niya ako, eh. Kaya 'yon, sa ospital nauwi ang gago matapos kong balian ng buto sa kamay.

Bago ako sumugod ay tinawagan ko muna si Mael para ipaalam sa kaniya kung nasaan ako ngayon. Kailangan niyang sumunod para sa paghuli man lang sa hayop na Charlie na 'yon ay may magawa siya. Hindi ko talaga akalain na maiisahan siya ng hayop na 'yon, eh.

Bukas ang tower kaya malaya akong nakapasok. Wala ring ibang taong sumalubong sa akin kaya nagdire-diretso ako sa loob.

Alam ko rin kung saang parte ng tower na ito posibleng dalhin ni Charlie si Marika. Alam niya kasi kung gaano kamangha si Marika sa magandang view na makikita roon. Kaya naghagilap na agad ako ng elevator na masasakyan papunta sa tuktok ng tower na ito.

Nang makakita ako ay agad ko itong pinagpipindot, pero saka ko lang napansin na umaandar pala ito at kasalukuyang may nakasakay kaya naghintay na lang ako.

Pero nang tuluyan na itong bumukas, hindi rin ako nakasakay agad. Nagulat ako nang may isang babae roon na bumungad sa akin. At hanep! Hindi ko makakalimutan kung sino ang lintik na ito.

"Hillary?" kunot-noong bulalas ko, hindi ko inaasahan na rito ko ulit makikita ang babaeng ito.

"Oh, George! Ikaw pala!" tila manghang salubong nito sa akin nito at ngiting-ngiti pa. Umatras ako nang humakbang ito palabas ng elevator. "Long time, no see, ah? How are you, girl?" pakikipagkamustahan pa nito sa akin.

Pero walang ganang tinitigan ko lang ito. "Pwede ba? Walang akong panahon na makipagkamustahan sa 'yo! Kailangan kong mahanap ang kaibigan ko—Teka! Bakit ka nga ba nandito?"

Sarkastikong nginitian naman niya ako ngayon. "Oh, well, my boyfriend owns this tower."

Gulat akong napatitig dito sa narinig. "Boyfriend mo ang may-ari nito? So, boyfriend mo si Charlie?"

"Yes, you got it right!" proud na proud pa nitong sagot. Aba, ayos rin talaga ang gagong 'yon, 'no? Bagay sila! Pareho silang may topak! "And, you are looking for your friend? Who is she again... Marika ba?" wika pa nito.

Doon na sumeryoso ang mukha ko at masama itong tinitigan. "So, alam mong kinuha ni Charlie si Marika?"

"Yes," sagot naman agad nito.

"At pumayag ka? Ex ng boyfriend mo si Marika!"

Nagkibit-balikat ito. "Well, ang sabi niya mag-uusap lang naman daw sila, eh. You know? I don't have any hard feelings towards your friend, she's an ex now. And I know Charlie loves me so much,"

Napangisi ako at napailing-iling. "Talaga? Mahal ka ng gagong 'yon? Eh, bakit kaya habol siya nang habol kay Marika? At ngayon, dinukot pa talaga niya ang kaibigan ko para lang 'mag-usap' sila? Sa tingin mo, ano kaya ang pag-uusapan nila?" mapang-uyam ko namang tanong. Ibang klase rin ang katangahan nito, eh!

"Alam mo, kung wala kang balak na ilayo ang boyfriend mo sa kaibigan ko, pwes! Ako ang gagawa n'on kaya tumabi ka sa daraanan ko!" at hinawi ko na nga ito para makapasok na ako sa elevator.

Guard Up!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon