CHAPTER 26
LUMIPAS ANG mga araw na sinimulan ko na ngang alisin si Doc Isaac sa sistema ko. Pinipigilan ko na ang sarili ko na isipin siya. Nag-fo-focus na lang ako sa trabaho ko sa Empire at kay Bossing. At siyempre, tuluyan ko na ring ibinalik ang sarili ko sa normal.
Normal as in, balik na rin ako sa pasimpleng pag-ganti kay Miss Prada. Hindi pa rin kasi siya tumitigil sa pam-bu-bully sa akin, eh.
Hindi ko akalain na 'yong birong linya ko sa kaniya noon ay para sa akin pala. Na, "hindi lahat ng gusto natin ay makukuha natin". Hinding-hindi ko nga talaga siya makukuha kaya tama na.
Napansin din pala ng productions manager ang pagbabago ko noong araw na 'yon. Kaya nagulat pa ako nang sabihan nila ako isang araw na mabuti na lang daw at bumalik na ang dating George. Pinangako ko naman sa kanila na hindi na ulit babalik ang lutang na George.
Pero siyempre, may iilang mga pagkakataon pa rin na hindi ko talaga mapigilang isipin siya. Mukhang hinding-hindi rin gan'on kabilis 'yon.
"What are you doing here?"
Napalingon ako kay Bossing nang pumasok siya rito sa kitchen isang gabi na dito ako tumambay habang kumakain at nag-ce-cellphone.
"Hi, Bossing! Sorry, pinakialaman ko itong chips mo," wika ko sa kaniya. "Hindi pa kasi ako makatulog, eh. Kaya lumabas muna ako ng kwarto,"
Dumiretso naman siya sa ref para kumuha ng tubig. Saka niya na lang ako nilingon ulit pagkainom niya at hawak pa rin niya 'yong baso. "Me, too." aniya.
"Halika, Bossing, damayan mo na lang ako!" pagyayaya ko naman sa kaniya. Nagbabaka sakali lang naman ako, pero nagulat ako dahil lumapit nga siya at naupo sa kabilang side nitong bar counter, kaya magkatapat na kami ngayon.
"So..." kibo niya sabay dukot sa chips na kinakain ko. "It seems that you're okay now, finally moved on?" tanong niya pero wala sa akin ang tingin.
Mapanloko ko siyang tinitigan. Naniningkit pa ang mga mata ko habang nakangisi. "Uy, si Bossing, intrigero na talaga!" biro ko pa.
"I'm not!" pero depensa niya agad. "That's only what I observed to you these days. Mapipigilan mo ba ako? Eh, nasa iisang lugar lang naman tayo," masungit pa niyang giit.
"Sa bagay, may point ka." pero hindi pa rin nawawala ang ngiti ko sa pagsusungit niya. In fairness, napapansin na talaga niya ako, ah? "Okay na 'ko, Bossing! Nag-let go na ako kaya unti-unti... papunta na rin ako sa moved on stage," sagot ko naman sa tanong niya.
Napatango-tango siya. "Good for you, then."
Napatitig ako sa kaniya. "Hindi kasi gan'on kadaling mag-move on sa gan'ong katagal na pagkakagusto mo sa isang tao, eh. Biruin mo, Bossing, ten years din akong nagkagusto sa kaniya!" at hindi na nga ako nangiming magkwento sa kaniya.
"Ten years? You were dreaming for him that long?" parang hindi rin siya makapaniwala sa sinabi ko.
Tumango ako. "Hindi man kapani-paniwala pero totoo, Bossing, sampung taon ko siyang pinagpantasyahan." mahirap nga talagang paniwalaan na gan'ong katagal akong nangarap sa kaniya. "Ewan ko ba kung bakit tumagal ng gan'ong katagal! Pero kahit sampung taon na ang nakalilipas, hinding-hindi ko pa rin nakakalimutan 'yong unang beses ko siyang nakilala..."
At hindi ko tuloy napigilan ang sarili ko na balikan nga ang araw na 'yon.
"Napakagaling talaga!" puri sa akin ni Marika nang matapos akong tumakbo para sa round namin na hurdles dito sa sports ko ngayon na track and field.
Intrams ngayon at ito ang unang taon na lumaro ako sa college since first year pa lang naman ako. Actually, dalawang sports ang nilalaro ko ngayon ng sabay—taekwondo at ito ngang track and field, sa running events ako.
BINABASA MO ANG
Guard Up!
General FictionIsang araw ay bigla na lang nagkaroon ng banta sa buhay ang CEO ng isang pinakasikat na Toy Company sa bansa na si Dan Lucas Sevilla kaya napilitan itong magpahanap ng isang bodyguard na poprotekta sa kaniya sa oras ng panganib. Hanggang sa nag-krus...